Reeve Soberana's POV:
Umalis ako sa klase dahil sa tumawag sa'kin at sabihin na nating source. Nabanggit niya na si Matilda ay nasa hospital.
Paano nangyari 'yon?
Agad ko na tinawagan si Godrick at sinabi niya pagkatapos ng klase nila dadaaan muna siya sa Colton Restaurant at ibigay ko na lang sa kanya ang address ng hospital upang mapuntahan niya.
Sinabi ko rin kay Acel at Denver ang nangyari. Palaging magkasama ang dalawang 'to at minsan sa iisang sasakayan pa kaya't hindi na rin ako magtataka kung maging sila sa susunod.
Sana lang walang masamang nangyari kay Matilda.
Mabuti na lang pinayagan ako ng professor namin na umalis para puntahan si Matilda. Nagbigay ako ng ilang evidences na magpapaptunay na nasa hospital siya. Nagsulat na rin ako ng letter na katunayang aalis ako sa school sa oras ng klase.
Kinuha ko ang sasakyan ko sa parking lot ng Delt University.
Bakit ba ang malas ng buhay mo Matilda?
Mabuti na lang alam ko ang hospital kaya't pinaharurot ko na ang sasakayan para maaga akong makarating.
***
1:24 PM na nandito ako sa hospital sa harap ng hospital room ni Matilda.
Room 367.
Hindi na available ang solo bedroom kaya dalawa silang patient ang nasa loob ng room 367.
Wala na 'kong ihang tatawagan tungkol sa mga kalagayan ni Matilda.
Wala na ang magulang niya.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa'kin ang kurtina. Hindi ako sanay na may kasama siys sa iisang kwarto.
Isang babae na nasa edad singkwenta ang natutulog sa may couch. Siguro ito ang guardian sa bed B.
Kung mapapansin niyo ang suot nito halata sa kanya na average ang pamumuhay nila. Nakita ko ang standard nitong hospital at mahihirapan sila dahil mas doble ang bayad dito.
Nagtungo ako sa bed A para tignan si Matilda. Natutulog siya.
Masyadong maliit ang kama.
Masyadong maliit din ang space para magkasya ang apat na tao—mga bisita niya.
Lumapit sa'kin ang isang nurse.
"Goodafternoon guardian po kayo ni Ms. Natividad?"
"Yes ako nga,"
"Kaaano-ano po kayo ng patient?"
"Bestfriend, ikukwento ko pa ba sa'yo na patay na ang parents niya kaya ako ang nandito para sa kanya?"
Napansin ko ang paglunok ng nurse kaya't tumig siya sa pagsasalita. Ibinigay niya sa'kin ang isang papel na kailangan kong pirmahan.
"May nagdala po sa kanya rito. Isang sasakyan din. Sterben ang pangalan niya. May hinahabol daw si Ms. Natividad ngunit biglang tumawid sa harap na katabi nitong sasakyan. Nakita raw po ni Sterben ang nangyari kaya't siya na po ang nagdala. Kami rin po ang tumawag sa binigay ni Sterben na number upang ipaalam ang kalagayan ni Ms. Natividad,"
"Ok. Thanks," yun lang ang tanging nasagot ko.
Sterben?
Binigay ko ang papel sa nurse at lumabas na 'to.
Alam ko na kung sinong hinahabol mo.
Si Isbyl ba?
Tatawagan ko na sana si Isbyl upng ipaalam sa kanya ang nangyari at sabihing layuan niya na si Matilda pero mas magandang sitwasyon na siguro 'to para si Matilda na mismo ang lumayo sa kanya.
Pagkagising ni Matilda sasabihin ko na ang lahat ng nalalaman ko. Sasabihin ko na kung paano at sino ang kasama ng mama niya bago 'to nawalan ng buhay.
Handa na 'ko Matilda. Kailangan mo nang malaman ang totoo.
Hindi mo kakampi si Isbyl. Sisirain niya lang ang buhay mo.
Sana man lang pagtapos ko sabihin ang lahat ng nalalaman ko..
Sana ikaw na ang umiwas.
Nasasaktan ako dahil nasa ganyan kang kalagayan.
Kaibigan mo 'ko. Ayokong masira ang buhay mo.
"Akala ko naligaw na kami," bungad sa'kin ni Acel kasama niya si Denver sa kanang direksyon niya.
"Sshhhh," tugon ko sa kanila.
Napansin nilang dalawa ang kama na nandito. Hinatak ako ni Acel para makipag-usap sa kanila sa mahinang tono.
"Naghihirap ka na ba? May pera ako. Bakit di naka solo bedroom si Matilda?" tanong ni Acel.
"I don't know too. Sabi nila 'di na available ang solo bedroom dito sa hospital kaya no choice tayo," tugon ko sa kanila.
"Ilipat natin siya ng hospital," sagot naman ni Denver.
"Oo tama. Paano kapag dumating ang Uncle ni Matilda?" panggagatong ni Acel.
"Huwag muna niyo i-talk yung ganyang things. Si Matilda muna ang ang priority na'tin. Hinahabol niya raw ang isang lalaki at nabunggo siya ng katabi na sasakyan ng nanggagangalan Sterben. Yung Sterben din ang nagdala rito kay Matilda. Siya rin ang nagsabi na tawagan ako ng hospital,"
"Ibig sabihin kilala ka niya Reeve," ani ni Acel.
"Pati si Matilda. I'm scared baka may mangyari kay Matilda. Baka maulit ang dati,"
Niyakap ako ni Acel ng mahigpit. Naramdaman niya na magulo ang utak ko. Minsan hindi na natin kailangan ng flowery words kahit yakap lang ayos na.
Mas maganda mapakiramdaman ang isang presensya kasya sa palaging nagsasalita pero wala naman sa sitwasyon na kailangan mo siya.
Sobrang bait ni Matilda lalo na nung bata pa. Kaming tatlo ako, Matilda & Isbyl naging magkaibigan kami sa loob ng 4 years ngunit sa kasamaang palad umalis at lumipat sila Isbyl ng tirahan. Hindi niya pinasabi kay Matilda na aalis na siya. Mula nung araw na nakita ni Matilda na sumakay si Isbyl ng saskayan hindi man lang siya nilingon nito. Ayon ang dahilan kung bakit naging maldita na siya sa iba.
Halos ilang tao na lang ang pinagkakatiwalaan niya. Kasama ako sa ilang tao na 'yon.
"Am I late?" napatingin kami sa direksyon ni Godrick.
"Shhhhhhh!" sabay-sabay naming sinabi.
Gaya ng reaksyon ni Acel kanina ganon din ang reaksyon ni Godrick ngayon.
"I brought some foods," sabay angat ng mga dala-dala nyang paper bag.
"Hindi natin makakain dito yan kafatid. Sa baba na lang tayo kumain," suhesyon ni Denver.
"How about Matilda walang magbabantay sa kanya?" sagot ko bago tumingin sa direksyon nang natutulog na babae.
"Mamaya na lang natin kainin. Malay mo amy biglang dumating para magbantay sa kanya," tugon naman ni Acel.
Kahit sino wag lang si Jis.
"Ano ba ang nangyari?" tugon naman ni Godrick.
"Gaya ng dati si Isbyl parin," napabuntong hininga na 'ko.
Lumabas si Godrick dahil sa sinabi ko. Alam ko na galit siya sa lalaking 'yon.
Kung hindi ka lalayuan ni Jis.
Ako magsasabi ng lahat para ikaw ang lumayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...