"I will help you Matilda,"
Kausap ko si Jis ngayon sa Facebook. Ilang linggo na rin ang nakalipas.
Palagi niya akong kinakamusta.
Bumaba ako ng kwarto para kausapin si Papa.
Tatalong beses ako na kumatok bago pumasok sa loob.
"Pa pumasok na po ako,"
Binuksan ko ang pintuan at isang lalaki ang na nakahiga ang bumungad sakin.
"Pa! Papa!! P-pa!! Gising papa!"
Kinuha ko ang cellphone na nasa work table ni Papa at tinawagan si Jis.
Hindi ko alam kung bakit siya ang nauna kong tawagan.
Mag-iisang oras na 'kong nakaupo at umiiyak sa katawan ni Papa.
Bumungad sa pintuan ang mukha ni Jis.
"Jis.. J-jis si P-Papa," tumingin ako sa kanya.
Para akong binagsakan ng langit at lupa.
Para akong sinumpa.
"Shhh,"
Tinulungan ako ni Jis tumayo at niyakap ng mahigpit.
"May hinawakan ka ba sa crime scene? Padating na ang mga pulis. Tutulungan ka nila,"
"J-Jis si Papa. Jis..."
Nahagulgol na ako ng iyak dahil sa mga nangyayari.
Jayron Isbyl Polacio's POV:
"I will help you Matilda,"
Pagkatapos ng sinabi ko tinapos niya na ang call.
10:34 PM. Hindi parin ako makatulog.
What's wrong with me?
Masyado ba akong nag-ooverthink sa mga bagay?
Ano ba ang kinakalaman ng London Bridge Is Falling Down kay Matilda? Naniniwala akong hindi coincidence ang nangyari.
Ring~ Ring~
"Yo Jam, napatawag ka?"
"Hey Jis, dapat mo makita to"
May pinadala kay Jam na isang letter. nakasulat dito ay
NAMAMATAY ANG MGA NAKIKIELAM.
"What was that for?" naguguluhan na ko sa mga nangyari.
"Jis something bad happened. I felt it. Si Matilda?"
"She's fine bro kakatawag niya lang sa'kin kanina"
"May masama akong pakiramdam dito. Bantayan mo siya,"
"Will do,"
Tinapos ko ang tawag.
Binuksan ko ang laptop at nagsimula na i-type ang mga nakita ko.
I am Jayron Isbyl Polacio, 21 years old 2nd year college at magpupulis. Gusto ko rin maging detective. Nakakatulong na ko sa mga kaso, ilan sa mga nahawakan ko ang major case gaya ng toy store na under pala ng isang illegal trasaction.
Napukaw ng tingin ko ang isang pagkamatay ng isang Governor. Alam ko na masamang makielam ng kaso pero hindi ko alam kung bakit gusto ko na malaman 'to.
"Di ko alam kung tama ba na ginagawa kitang bait Matilda. Sana maintindihan mo ko,"
Naantala ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Unregistered number.
"Hello? Who's thi-,"
"J-Jis i-i n-need y-your p-pumunta ka sa b-bahay n-ngayon na. P-pa!! P-papa, p-papa!!!"
"Sh*t,"
Nagsuot ako ng jacket at kinuha ang susi ng motor. Alam ko ang bahay nila Matilda dahil anak siya ng isang Governor.
Nagmadali ako sa pagdadrive.
"Sir, kailangan niyo po ng id. Wala na pong nagpapasok ng ganitong oras. Bukas na lang po Sir,"
"Jayron Polacio-that's my name. Here's my id,"
Hinagis ko sa kanya ang id ko ngunit kasabay ng dumaan palabas ng lalaki kaya't siya ang natamaan nito.
"Sorry dude. This is urgent,"
Pinahahurot ko na ulit ang motor na dala ko papasok ng subdivision.
Ilang beses na 'kong nagdodoorbell ngunit walang tao. Napansin ko na bukas ang pintuan ng gate nila Matilda kaya't pumasok na ko.
Inilibot ko ang buong bahay nila ngunit wala akong Matilda na nakita.
Umakyat ako ng second floor, nakita ko na nakabukas ang isang pintuan kaya't nagmadali ako sa pagtakbo.Nakita ko ang nakahandusay na lalaki. May dugo sa katawan at si Matilda ay umiiyak na parang sirang-sira na ang buhay niya.
Napansin niya ang presensiya ko. Humarap siya at kitang-kita ang mugto ng mga mata niya.
"J-jis si P-papa.. s-si P-papa,"
Ilang oras na rin ang nagtagal dumating na ang mga pulis. Nagising na rin ang dalawang maid nila Matilda.
Napansin ko na inaantok na si Matilda. Dinala ko siya sa kwarto niya. Aalis na ko ngunit hinila niya ang damit ko.
"P-please d'don't leave..."
Naiyak parin siya hanggang ngayon.
Niyakap ko si Matilda habang nakahiga sa kama niya. Sa posisyon kung nasaan kami ngayon ito yunt posisyon na sobrang na-miss ko."I miss you so damn much Matilda,"
Napalingon ako sa direksyon niya nakahawak parin ang kamay niya sa damit ko pero natutulog na. Ayaw mo na talaga magpaiwan.
Napakasungit sa iba pero para namang bata.
"Mahal kita," I kissed her forehead.
Ipinikit ko na rin ang mga mata ko. Hindi ko na kaya ang antok kaya natulog na rin ako.
Matilda Natividad's POV:
Hinila ko ang damit ni Jis para hindi umalis sa kwarto kung nasaan ako ngayon.
Scared.
Sadness.
Emptiness.
Sobrang bigay ng loob ko dahil sa mga nangyayari. Hindi ko pa nakikita ang mama ko pero wala na agad si Papa. Kapag naaalala ko kung paano ko makita si Papa sobrang nanginginig na ang katawan ko.
Wala na kong ibang malalapitan ngayon.
Wala na akong makakasama sa bahay.
Wala na si Papa.
Wala na 'kong magulang.
Niyakap ko ng mahigpit si Jis. Gusto ko ng pakikiramay ngayon.
Gusto ko ng comfort.
Gusto ko ng masasandalan.
Magkakasunod na nag-uunahan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na napansin na pumipikit na ang mga mata ko.
"Mahal kita -,"
Yun ang huling narinig ko bago tuluyang makatulog.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...