Chapter 8

9 6 0
                                    

Matapos marinig ang lahat ng 'yon galing kay Godrick ay bigla akong nakaramdam ng lungkot.

Galing pala ako sa comatose.

Pero bakit hindi sinabi ng Papa ko?

Bakit hindi niya sinabing patay na ang mama ko?

Raze? Sino ka ba?

Pumunta si Reeve sa isang kwarto at kinuha ang mga kwintas na matagal na ring nakatago ron.

"I think it's time para open na rin natin yung door na 'yon?" paturo ni Reeve sa isang pintuan ng kwarto.

"Ofcourse si Matilda dapat ang magbukas," tugon naman ni Denver bago inabot ang mga kwintas sa bawat isa. Inilapag niya sa lamesa ang para kay Raze pero agad ko itong kinuha at ibinulsa.

"Okay! Fine bubuksan ko na," tugon ko bago pumunta sa pintuan ng library.

Hinawakan ko ang kwintas at agad na pinindot ang ibabang palawit nito dahilan para lumabas ang maliit na susi. Tingin ko isa itong costumize dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong design.

Dahan-dahan ko na ipinasok dito ang susi, hindi nagtagal bumukas ang pintuan. Nakita namin ang isang computer set sa gitna, isang flatscreen tv at mga shelves sa magkabilang gilid nito at mayroon din itong sofa sa may bandang gilid na malapit sa pintuan nito.

"Sa wakas! Nakapasok na ulit ako rito," tugon ni Denver at mabilis akong tinabig para maunang umupo sa sofa.

Inilibot ko ang lugar. May sariling wifi at telephone rin dito, malinis ang computer pati upuan nito.

"Nako Raze kung nandito ka lang sana makakaupo ka na rin sa upuan mo," tugon ni Denver bago  hinawakan ang upuan na malapit sa computer.

Napatigil ako sa isang lamesa kung saan may picture frame ngunit nakabalot ito.

"Matilda look," tawag sakin ni Godrick.

Hinila niya ako bago binuskan ang isang folder.

"The Governor's secret?" bulong ko sa sarili ko.

Nawala si Godrick sa tabi ko kaya't binalik ko ito sa kinalagyan niya. Hindi pa ko handang makita ang loob nito.

Natapos ang paglilibot namin sa kwarto na 'yon. Napagdesisyunan din namin na umuwi dahil maggagbi na.

Tumingin ako sa orasan na pader ng kwarto na ito.

11:17 PM

Sabay-sabay kami lumabas at sumakay ng elevator para makalabas.

Nasa may parking lot na kami at ganon parin ang gagawin namin. Ako ay sasama kay Reeve, si Denver at Acel naman ang magkasama at si Godrick ay mag-isa.

"Aalis na ko. Don't worry iingatan ko itong kwintas," tugon ni Godrick at nagsimula nang umalis.

"Ganon din kami. Napag-usapan namin ni Denver na sasabay ako sa kanya dahil gusto ako makita ng kuya niya," tugon namin ni Acel.

"Oo idol kase siya ng kuya ko bilang streamer. Gustong makilala e," pagpapatuloy ni Denver at Acel.

Sumakay na rin kami sa sasakyan ni Reeve.

"So that's why Queen ang tawag nila sa'yo coz you know ikaw ang leader but don't worry ako ang nagpanggap na queen nung sleep ka pa so hindi nila nanotice yon and because i'm so magaling," tugon ni Reeve habang nakapokus ang mata sa pagmamaneho.

That's Why She's Matilda Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon