Sumunod lang ako sa pagtakbo ni Denver. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero ang alam ko ay dapat ko siyang sundan.
First day of school palang pero may kakaiba na.
Ano bang meron dito?
Ano bang nangyari sa'yo Reeve?
Matapos ang mahaba-habang pagtakbo tumigil kami sa isang classroom. Napansin ko rin na madumi ang building na ito.
Nakuha 'ko ang atensyon ng mga tao dahil sa pagtigil na ginawa ko. Hinawakan ni Denver ang kamay ko at nagbigay naman ng daan ang mga estudyante na nakapalibot dito.
"Siya ba yung Matilda?"
"Yung anak ng Governor?"
"Ang ganda niya"
Hindi ko na pinansin ang mga pagbubulungan ng tao rito. Mabilis na sinipa ni Denver ang pintuan at iniluwa nito ang dalawang babaeng nasa gitna. May tatlong lalaki na nasa likod ni Reeve at isang lalaki sa may pintuan.
"Isa laban sa lima? Ganyan ka ba kahina Aia?" Nagulat ako na biglang may lalaking nagsalita sa gilid ko.
Godrick?
"How boring. Hay! Gusto ko pa naman panoorin kung pano kayo lampasuhin ng isang Reeve Soberana pero kailangan niyo nang tapusin ang kahibangan niyo," tugon naman ni Acel.
Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng likuran ko at nakita ko na si Acel ang nagsasalita.
"Matilda is here Aia. Tapos na ang mga panggagamit mo sa estudyan-"
Hindi na natapos ang sinabi ni Reeve at agad siyang sinabunutan nito.
Napanganga ako sa ginawa ni Aia.
"Huwag mo akong tatawagin sa pangalan ko. Isa akong President ng University na ito lapastangan," pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon binitawan niya ang buhok ni Reeve.
"Masyado ka ng kabado Aia. Hindi ka karapat-dapat sa posisyon niyan kaya magresign ka na," Kalmadong pagkasabi ni Reeve at diniinan ang pangalan ni Aia.
Hindi ko alam kung bakit gusto nilang paalisin sa pwesto ang isang presidente ng school.
May mali ba itong ginawa?
O baka gusto nila ang posisyon nito.
Mabilis na sinampal ni Aia si Reeve. Marami na ring nanonood na kinainit ng ulo ko.
Lalapit na sana ako pero pinigilan ako ni Godrick.
"Stop," bulong nito sakin.
"Why?" naguguluhan na tanong ko.
"Remember anak ka ng isang Governor malaking kasiraan sa image mo ang sumali sa away bilang isang anak ng Governor so let her,"
Sa katagang iniwan ni Godrick nakaisip ako ng isang plano. Hindi ako pwedeng kumilos ngayon pero kasama ko si Acel at Godrick na paniguradong hindi masisira ang reputasyon nila.
Mabilis ko rin na binulungan si Godrick tungkol sa plano ko. Nakikita ko naman na kalmado si Reeve at hindi ito nagpapaapekto sa kaharap niya. Tinignan ako ni Godrick with his sigurado-ka-sa-plano-mo?-look.
Tumango ako bilang senyales na oo ang sagot ko. Bumalik kami sa panonood kay Reeve at Aia. Wala namang bago sa mga ito. Girls fight. Isang nakakaboring na away.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...