Prologue

24 6 0
                                    

"Isa akong anak ng governor hindi mo ba ako nakikilala?" Itinaas ko ang kilay ko. Naiirita na rin sa tatlong lalaki na nasa harapan ko.

Pare-parehas silang nakasuot ng iisang uniporme at nakasuot ng mga maskra. Sa tingin ko magkakasama sila sa iisang grupo.

"Boss, anong gagawin natin sa kanya?" Saad ng kulay pula ang buhok sa gitnang nasa kasama niya.

"Kukunin niyo ang pera ko? It's fine. Ito ba?" Nilabas ko ang wallet ko bago tinapon ang maraming piraso ng isang libo.

"O baka naman ito?" Tinuro ko ang dibdib ko. Gusto nilang makipaglaro kaya makikipaglaro ako. Masyado silang abala sa buhay ko, kung hindi nila ako hinarang malamang nasa bahay na ko ngayon kasama ang magulang ko.

"Boss, papatayin na ba natin siya?" Tanong naman ng isang lalaki sa may bandang kaliwa. Nakakatawa lang dahil ang buhok nito ay parang manok dahil sa pagkakatayo.

"Wag niyo siyang gagalawin," Tugon ng lalaking nasa gitna nila. Sya siguro ang leader ng mga ito dahil nanginig sa takot ang dalawa pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon. Para bang may halimaw na nasa harapan nila.

Ito pala ang leader nila? Nakakaawa.

"Ako ang papatay sa kanya," Pagpapatuloy ng lalaking nasa gitna.

Napatawa ako ng malakas dahil dito. Hindi nila ako pwedeng saktan nang walang nangyayaring masama sa kanila. Lagi akong gaganti sa paraan na mas lamang ako.

"You know what guys? Hindi naman sa panglalait pero ang baduy niyo. Kung mag-uusap lang kayo r'yan at hindi kikilos aalis na ko. Hindi ko hilig mag-intay at makinig sa mga baduy na tao," Matapos 'kong iwan ng ang mga salitang 'yon naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ko.

Nakaramdam ako ang sakit ng ulo dahil umuntog ito sa pintuan ng sasakyan. Masakit 'yon. Mapapahawak ka talaga dahil muntik na akong mawalan ng balanse.

Tinignan ko ang babaeng nasa harap ko. Gaya ng tatlong lalaki kanina naka-maskra rin ito, ngayon naman ay may hawak siyang patalim papunta sa direksyon ko. Inilagan ko ang lahat ng ginawa niya para hindi ako masugatan sa kahit anong parte ng katawan.

I am Matilda Natividad anak ng isang Governor at hindi papayag na apihin ng kahit na sino. Mas demonyo pa ko kung ang totoong Matilda na leader ng isang fraternity ang makakaharap mo.

Nag-init ang dugo ko sa ginawa niyang pag-umpog sakin. Hinablot ko ang buhok niya at paulit-ulit na inumpog sa pintuan ng sasakyan ko. Napansin ko na matutumba na siya kaya't sinipa ko ito palayo sa'kin.

"Mahinang nilalang,"

Hinawakan ako ng dalawang lalaking nakamaskra, napansin ko rin na umupo lang ang leader nila at walang balak na gawin. Tumayo ang babae na sinipa ko.

Pinagsasampal niya ko at lahat ng pagtama ng kamay niya sa mukha ko'y masasabi 'kong masakit nga. Hindi ako papatalo, hindi nila pwedeng ganituhin ang isang Matilda Natividad.

"Ganyan ka ba kahina? Kung sa tingin mo malakas ka na dahil nagagawa mo akong sugatan ngayon nagkakamali ka. Kailangan mo pa ng ibang tao para lang makalamang ka.. Mahinang nilalang," Diniinan ko ang salita na mahinang nilalang bago tumawa ng bahagya.

"Huwag ka masyadong kampante Matilda. Isa sa mga mahal mo ang pinatay ko na,"

Matapos niyang iwan ang mga salita na iyon paulit-ulit niya 'kong binubugbog. Mga suntok, sampal at sinipa ang inabot ko. Malapit na rin ako mawalan ng lakas dahil dito.

Napansin ko na may isang sasakyan ang parating sa direksyon namin. Isang BMW 7 series na kulay black, bumaba ang isang nakamask at cap na lalaki ngunit huli na bago ako makasigaw dahil isang paghampas ng kahoy sa ulo mula sa likuran ko ang naramdaman ko dahilan para mapaluhod ako.

Sumasakit na ang kanang bahagi ng ulo ko sa mga oras na ito.

Handa akong mamatay pero hindi sa ganitong paraan. Kailangan nilang magbayad.

Nanlalabo na ang mga mata ko ngunit nakakarinig ako ng ilang mga sigaw, suntok at pagpalo. Hindi ko alam kung kakampi o kaaway ko ba ang dumating pero kung sakaling ililigtas niya ako sa ganitong sitwasyon, hahanapin kita. Magpapasalamat ako sa'yo.

Walang tigil sa pagdurugo ang ulo ko kahit anong gawing paghawak ko rito, hindi nito napipigilan ang pag-agos. Magiging kritikal ang kondisyon ko kapag hindi ako kumilos para makaalis dito.

Sinubukan 'kong tumayo kahit nahihilo ako. Isang hakbang palang natumba na agad ako, mabuti na lang at naituon ko ang kamay ko para hindi bumagsak sa lupa. Hindi ko magawang makalad o makatayo, nanghihina na rin ako. Nararamdaman 'kong nawawalan na 'ko ng lakas.

Papikit na ang mga mata 'ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Matilda!," Tawag niya sa'kin habang ginigising ako.

"Hold on. Matilda?!! Wag ka matutulog,"

Binuhat niya ko papasok sa sasakyan niya at nagsimulang paandarin ito. Malayo-layo pa ang hospital sa lugar namin, aabutin kami ng 30 minutes.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tiisin ang sakit.

"Matilda! Matilda! Hey! Malapit na tayo! Bibilisan ko pa ang pagdadrive,"

Naririnig ko na sinabi niya. Hindi ko na magawang ibukas ang mga bibig 'ko kaya naman tanging pagngiti na lang ang ginawa ko bilang sensyales na sumasagot ako ng oo.

"Please baby, hold on,"

Nilagay niya ang kanyang earpods sa kanang tenga niya, masyado nang malabo ang mga mata ko ngunit nakikita ko parin ang ginagawa niya.

"Jam! Need your help. Listen, I'm with Matilda, kailangan ko siyang dalhin sa hospital at kailangan ko ng tulong mo. Hindi pwedeng pagpyestahan si Matilda ng mga reporters. Mauna ka na sa hospital, bilisan mo!"

Nagpapasalamat ako sa taong ito. Siya ang nagligtas sakin ngayon. Utang na loob ko ito sa'yo. Pagtapos ko rito at naging okay na ang lahat lalo na ko, hahanapin kita. Pangako.

Ikaw na ba ang tamang tao para sa'kin?

Wala na akong maramdaman. Malayo-layo parin ang tatakbuhin ng sasakyan kahit lampas na sa limit speed ang ginagawa niya. Hindi ko maipapangako na gigising ako pero sobrang nagpapasalamat ako sa pagligtas sakin ng taong 'to.

Bukod sa maraming kaaway ang pamilya namin. Marami ring naiinggit sa Papa ko bilang isang Governor. Maraming may gusto ng posisyon at isa lang ang kailangan para makuha nila ito.

Ang patayin si Papa.

"Hold on Matilda! Kailangan mong mabuhay. Maghihiganti tayo sa kanila. Maghihintay tayo sa gumawa nito sa pamilya mo,"

That's Why She's Matilda Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon