Maaga akong gumising para umalis. Pupuntahan ko muna ang isang printer shop bago ako papasok sa school.
Lahat ng texts ng mga kaibigan ko ay hindi ko pinansin dahil mas importante itong gagawin ko.
Tapos na ko mag-ayos at kumain it already 6:17 AM at sinumulan ko nang buksan ang engine.
Maraming tanong sa isip ko.
Gusto ko na maging emotional pero hindi ako ito.
Dapat akong makaisip ng plano.
Pinaharurot ko ang sasakyan para makarating ng mas maaga. Hindi na ko mag-aaksaya ng oras dahil alam ko na kumikilos na rin ang mga kalaban ko.
"Hi po manong goodmorning po," tugon ko sa isang matanda na nasa loob ng printer shop.
"Oh hija nandyan ka na pala inintay kita kahapon buti napaaga ka. Ito na yung papel na hinihingi mo," sagot nito bago inabot sakin ang isang brown envelop.
"Tay nag-iwan po ba kayo ng isang kopya?"
"Oo hija gaya parin ng sinabi mo, dumaan ka lang dito teka nga kumain ka na ba hija?"
"Opo tay aalis na po ako may pupuntahan pa po ako,"
Nagpaalam ako sa matanda para pumunta sa isang lugar. Pumunta ako sa isang cemetery na malapit dito sa Tagaytay Alam ko na wala akong mapapala pero kung susubukan ko parin.
May kailangan akong hanapin.
Bumaba ako sa sasakyan at tinignan ang front gate ng cemetery na 'to. Masyadong malaki at tanaw mo ang loob mula sa labas.
Pumasok na ko at nagsimulang silipin ang lahat nang nandito.
6:56 AM na pero kanina pa ko nag-iikot wala rin akong makitang Raze Morales na puntod.
Wala na kong magagawa may usapan kami ni Jam at kailangan ko na rin pumasok sa school. Mula sa paglalakad ko may nakita akong isang tao na parang pamilyar.
Nagtago ako sa may puno upang silipin ang gagawin niya.
Hinawakan niya ang puntod at tumayo. Nagsimula siyang malakad hanggang sa pumasok na siya sa loob ng sasakyan niya.
Kilala ko ang sasakyan na 'yon.
Unti-unting nawala ang sasakyan niya sa paningin ko. Mabilis kong tinakbo ang puntod na tinignan niya.
"Lucas Colton?" bulong ko sa sarili ko.
Kaano-ano mo si Godrick?
Yun ang unang tanong na pumasok sa isip ko.
Lumabas ako ng cemetery at pumasok sa sasakyan ko.
Sana hindi niya lang talaga nakilala ang sasakyan ko.
Papunta na ko sa school. 7:14AM na rin nang tignan ko.
"Bakit ang bilis ng ko oras?" naiinis na ko.
"Aghh! Kairita!"
Malayo-layo pa ito kaya't pinokus ko ang sarili sa pagmamaneho. Bago rin ito sakin dahil walang natawag o nangangamusta kung nasaan ako o anong ginagawa ko.
Natatanaw ko na ang entrance ng pintuan at nakikita ko na rin ang mukha ni Jam. Tinigil ko ang ang sasakyan sa harap niya at binuksan ang bintana. Sumenyas ako na pumasok siya. Nakuha niya naman ang ideya ko kaya't nagmadali siyang pumasok dito.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...