Nairita ako sa tatlong yumakap sakin dahil hindi na rin ako makahinga. Napansin ni Reeve na kailangan ko ng tulong kaya't sinimulan niyang paalisin ang mga lalaki na nakadikit sa'kin.
Hindi ko na kayang manahimik.
Kailangan ko nang magtanong!
Marami na akong hindi nalalaman at dapat ko rin na malaman dahil tungkol ito sa pagkatao ko.
Hinawakan ko si Reeve at hinala papasok sa vip room kung nasaan kami kanina.
Napansin nila na nag-iba ang mood ko kaya't sumunod din si Denver, Acel at Godrick. Matapos na pumasok ang lahat ay inilock ko ang pintuan.
"I don't understand everything! Please? Hwuag niyo nang itago sa'kin. Please.. please," saad ko na mangiyak-ngiyak na.
Hindi ko na kaya ang ginagawa niya. Pilit nilang pinagtatakpan ang isang bagay na halata naman. Pilit nila akong nilalayo sa impormasyon tungkol sa sarili ko na dapat ko malaman.
Nagkatingin lang ang apat na kasama ko sa isa't-isa.
Napaupo na ko dahil sobrang sakit ng ginagawa nila. Tinanggal na rin nila ang maskra na suot nila.
Napansin ko ang pasa na may nasa may tabi ng labi ni Godrick.
"I can't help it! deserve ma-know ni Matilda ang lahat ng tungkol sa bar na ito. Why not na natin sabihin sa kanya?" tugon ni Acel bago tumingin sa tatlo.
"Wear your mask. Ipupunta kita sa kwarto kung nasaan ka dapat ngayon," sagot naman ni Denver.
Akmang pipigilan na siya ni Reeve pero nagsalita rin ito.
"I thought kase baka hindi pa ito yung right time para malaman mo ang tungkol here but tingin ko want nila sabihin so let's go, ipapa-know na namin sa'yo," sagot ni Reeve bago ako itinayo.
Isinuot namin ang maskra at lumabas na. Maraming tao ang nakatingin sa'kin. Sinabihan ako ni Reeve na umarte at maglakad na parang ako ang may-ari nitong bar. Huwag na huwag din ako titingin sa mga taoong tumatawag sa'kin ng Queen.
Nagdiretso kami sa isang kwarto at sa loob nito ay may isang elevator. Bago ka makapasok sa loob ng kwarto nito ay isang finger scanner ang bubungad sa'yo. Si Reeve ang pumunta sa harap upang subukan at nagbukas na nga ang pintuan.
May mga bodyguard parin na nakabantay sa mga bawat kwarto rito. Pumasok kami sa elevator at hinintay na bumaba.
"Huwag mong tatanggalin ang maskra Matilda," pagpapaalala sa'kin ni Denver.
Bumukas ang elevator at ibinababa kami nito sa isang daanan. Hindi mo aakalain na may ganito pala ang Bar na ito. Kakaiba.
Nakakamangha.
Kulay green na ang ilaw na madadaanan mo. Kanina parin kami naglalakad patungo sa kung saan at hindi ko na rin natatanaw ang elevator dahil namamatay ang ilaw kapag nadaanan na namin ang isang parte.
Nakita ko ang isang pintuan sa harap namin.
"After 2 years nakabalik na rin tayo rito," saad ni Acel.
"Ilagay mo ang kamay mo rito Matilda," turo ni Reeve sa isang scanner.
Ako?
Bakit ako?
Ginawa ko ang sinabi niya at nagbukas ang pintuan. Namangha ako sa nakita ko sa loob nito. Isang malaking kwarto.
Pagkabukas ng pintuan makikita mo ang isang malaking sofa at isang malaking flat-screen tv nasa badang kanan naman nito ang isang dinning table na mayroong anim na upuan. May dalawang kwarto ito at sa loob ng kwarto makakakita ng Queen size bed. Black and white rin ang theme ng kwarto na ito. Isinara ni Denver ang pintuan nago umupo sa may sofa.
"Sa wakas! Nahawakan ulit kita," tugon nito sabay yumakap sa isang piggy teddy bear.
Lahat sila ay napatingin sa teddy bear. Lahat sila ay malungkot.
"Akala ko pagkatapos ni Raze ikaw naman ang mawawala Matilda," diretsong sinabi ni Acel bago tumingin sa'kin at yumakap.
Sino si Raze?
Umupo ang lahat sa dinning table.
"Dito parin ang pwesto ko," saad ni Denver at umupo sa bandang kanan ng upuan.
Magkakatabi si Acel, Godrick sa kaliwang bahagi at si Denver at Reeve naman ay nasa kanan, pinaupo ako ni Reeve sa dulo at ang nasa harapan ko na upuan ay bakante.
Rito ba ang upuan ni Raze?
Tanong ko sa sarili ko bago tumingin sa upuan na bakante.
"Namimiss ko na siya," tugon ni Denver bago pununasan ang mukha na parang kunwari ay naiyak.
Napansin ni Acel ang pagtataka ko sa sitwasyon.
"Now let's start," tugon ni Acel bago nagsimulang magsalita.
Sinumulan ni Godrick ang pagsasalita.
"Year of 2017 ginawa ang isang fraternity dahil sa year 2018 ay kakanditadong governor ang Papa ni Matilda na si Mr. Hasinto Natividad. Si Matilda ang naggawa nitong fraternity at ang pangalan ay Delta,"
"Binubuo ang Delta ng anim na miyembro at ito ay sina Matilda, Reeve, Acel, Denver at Godrick. Ang bawat kinuha ni Matilda na tao para sa kanyang fraternity ay founder ng iba't-ibang grupo. Wala kang makikitang tattoo maliban sa isang kwintas. Lahat tayo ay mayroon ng kwintas. Makikita ron ang palawit na letter D at sa likod nito ay may pangalan ng bawat isa at kapag pinindot sa may bandang baba ay makikita ang susi para sa kwarto na 'yon,"
Itinuro niya ang kwarto na nasa gilid ng sofa.
Library?
Itunuloy ni Godrick ang pagkukwento.
"Sa library makikita ang lahat ng impormasyon na nakuha na'tin ngunit ngayon hindi na ito updated dahil matagal na bago mabuksan ang lugar na ito. Isa itong private area at tanging ikaw lang matilda ang makakapagbukas nito. Dalawang taon kang natutulog sa hospital at ang sabi ng doctor comatose ang kalagayan mo. Hindi namin alam kung nasaan ka bago ka dalhin sa hospital walang may alam,"
"Nagulat kami sa balita dahil nung gabi na isinugod ka sa hospital yun din ang gabi na namatay si Raze. Oo, nawalan tayo ng isang myembro at ang akala namin pati ikaw mawawala na rin. Itinigil namin ang pagpoprotekta sa pagiging governor ng Papa mo. Simula nang matulog ka tatlo sa tauhan natin ang umalis. Dalawa sa NBI at isang detective. Marami na ring files ang hindi natin makuha dahil limitado na lang ang mga impormasyon na nakukuha natin sa Goverment,"
"Ngunit si Raze bago siya mamatay ng gabi na 'yon. Tayong lahat ay nakatanggap ng text galing sa kanya na pinapunta niya tayo sa bar na ito,"
"Sayo niya binigay ang flashdrive.. Matilda. Flashdrive kung saan makikita ang mga listahan ng mga iba't-ibang department na may mga ginawang corruption sa bansa natin. Sa makatuwid, ikaw ang huling pinagbigyan niya ng huling ebidensya na kailangan natin,"
"Magaling na IT si Raze at siya palang ang college satin sa mga panahon na 'yon. Pagkatapos ng gabi na ibigay sa'yo ang flashdrive napag-usapan na kinabukasan isiswalat na natin sa bansa ang ginagawang corruption ng ilang tao o ng ilang department,"
"Pero ang lahat ay hindi umayon sa plano,"
Nakita ko ang pagiging dismaya ng mukha niya.
"Nalaman namin na nasa hospital ka na at yung mama mo ay nasa funeral na nung gabi na hinihintay ka ng magulang mo para umuwi hindi namin alam kung ano ang nangyari, kinabukasan pinuntahan ka namin sa hospital at kumuha ng private detective para sa kaso mo pero ito mismo ay tumanggi. Panigurado kami na isang mataas na posisyon o kaya may pera ang taong nagkokontrol dito, hinahanp ni Reeve sa suot mo kung nasa'yo pa ba ang flashdrive pero wala na. Kaya't nagdesisyon kami na tumigil muna at bumalik na lang kapag gising ka na,"
Napatingin naman ako sa direksyon ni Denver.
"Ilang beses ka namin dinadalaw. Ilang beses ka rin naming pinupuntahan at nagbabakasali na mahanap namin ang flashdrive pero wala kahit isa," singit ni Denver.
"May isang grupo na gustong siraan ang pamilya mo ngunit hindi namin alam kung sino," pagpapatuloy ni Godrick.
"Marami ka nang natulungan Matilda. Isa na itong grupo na binuo mo,"
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...