Ilang buwan din akong nagtagal sa hospital para sa treatment. Bukas ay magsisimula na ang school year, maraming binili sakin ang Papa ko gaya na lang ng limited edition na bag at at sapatos galing sa isang kilalang bilihan ng expensive product dito sa Tagaytay.
Nagpa-ayos ako ng buhok at nagpablack color para maging presentable tignan.
Handa na ako bukas para pumasok.
Matutulog na sana ako ngunit narinig 'ko ang pagtunog ng cellphone ko.
Goodevening. Take care always.
-Blackhole88(.)netGaling sa isang unknown email. Hindi ko na pinansin ito dahil baka kung sino lang o kaya naman namali lang ng pinagbigyan ng mensahe.
Saktong 6:00 AM tumunog ang alarm ko na dahilan ng pagkagising 'ko. Cellphone 'ko ang una 'kong hinawakan. Mayroon na namang email ang tao na 'to.
Goodmorning, ingat sa pagpasok.
-Blackhole88(.)netIto rin ang email na nagpadala sakin ng mensahe kagabi. Sino ka ba?
Ibinaba 'ko ang cellphone at agad na nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang naman ang paliligo ko dahil gusto ko ring makarating sa school ng mas maaga.
Isinuot ko ang above-the-knee-skirt ng High National, sana lang talaga na hindi mapansin na maiksi ang gamit 'ko. Ayoko lang talaga gamitin ang below-the-knee-skirt dahil ang panget tignan.
Ang baduy.
Reeve
2 messagesGoodmorning girl! I'll wait you sa may entrance ha? I'm there lang. Take care muah muah!
Pagkatapos 'ko basahin ang text galing kay Reeve ay agad na 'kong pumunta sa kinaroroonan ng sasakyan ko. Isa itong Hyundai Accent worth of P1,000,00 na bigay sakin ng Papa ko. Isa na ata ako sa pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Nasa'kin na ang lahat. Isang hiling 'ko lang ay binibigay agad ng Papa ko. Ganon ako ka-ispoiled sa kanya.
Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan ko.
"Ang ganda ko!'"
Pagkatapos iwan ang katagang 'yon sinimulan 'ko na ang pagmamaneho sa kotse. Mayroon akong 25 minutes para makarating sa University ng mas maaga. Alam ko rin na magkakaroon ng traffic dahil sa siksikan ng mga sasakyan.
Inilagay ko ang earpods 'ko sa isang bahagi ng tenga ngunit nakapokus parin ako sa pagmamaneho.
"Girl! I'm so naiirita with them talaga. Like want nilang makipagselfie sa'kin and i can't help it. Buti na lang Godrick is there and he help me para makaalis there. Nasa may rooftop kami. Wait kita here!"
"Okay"
Matapos ang sinabi niya pinatay 'ko na agad ang tawag. Hindi ako sanay nawawala sa pokus, magkikita rin naman kami mamaya at para sa kaligtasan ko na rin ito.
Nasa may entrance na 'ko ng High National pero may isang motor na nagpumilit pumasok kaya't nasagi ko siya. Natumba ang motor buti na lang at nakakatayo parin ang lalaki.
"Grr!! Nakakainis! Sinisira mo ang araw ko!" pagdabog ako sa loob ng sasakyan.
Kailangan 'ko bumababa kaya inayos ko muna ang buhok ko bago tumingin sa front mirror ng sasakyan ko.
"Ang ganda-ganda mo talaga,"
Pagkatapos ko sabihin 'yon ay bumaba na 'ko sa sasakyan.
"Siya na ba yung anak ng Governor?"
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...