Chapter 4

9 5 0
                                    

Patungo kami ngayon sa cafeteria pero hinatak ako ng isang lalaki. Masyado mabilis ang mga pangyayari dahilan para nawalan ako ng balanse. Napunta ako sa dibdib nito, nagulat din ako sa posisyon namin dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Reeve Soberana's Pov

Napanganga ako sa ginawa niyang paghatak kay Matilda. Lahat kami napatingin lalo na si Godrick. Aaminin ko rin na maraming masyadong nagbago kay Matilda nitong mga nakaraan.

Nagsisimula na rin palang kumilos si Jam. Hindi ako papayag na magkalapit sila ni Matilda. Ayokong masira ang fraternity at ayokong bumagsak ang leader namin. Marami na ring nakakakilala sa Delta-ang aming fraternity pero hanggang ngayon limitadong impormasyon palang ang nakukuha nila at hindi nila alam kung sino ang leader nito.

"OMG! You're so tanga naman para hilahin si Matilda. Di mo ba siya know? Want mo ba na ipakilala ko siya-" Pinutol ng lalaki ang sinabi ko.

Napakunot ang kilay ni Denver sa nangyayari ngayon.

Hindi maganda ito.

"Gusto ko sanang hiramin si Matilda sandali, kung kayo ang kaibigan niya maari b-" pinutol naman ni Godrick ang sinabi ni Jam.

"No," diresto nitong sinabi.

Ngayon napapansin ko na ang isang tunay na Godrick. Kalmado pero pasmado at kayang lumaban ng walang tulong galing sa kahit kanino.

Shet! I'm rhyme god na ba?

Walang pwedeng makaalam na si Matilda ang leader ng isang fraternity. Malaking kasiraan ito sa kanya at sa'min.

Hinala ko si Matilda papunta sa direksyon ko.

"Godrick said no. One word, one meaning. May other ka pa bang na-hear?" saad ko at sinimulang lumakad kasama si Matilda.

Marami pa akong dapat gawin. Isa akong personal assistant ni Detective Morlem or in other words tauhan niya. Bukod kay Acel, Godrick at Denver sila lang ang nakakaalam tungkol dito dahil hindi ko rin alam kung natatandaan ba ni Matilda ang mga impormasyon tungkol sa'kin.

Matapos ang pangyayaring 'yon mula sa paggising niya sa hospital nag-iba na siya para na siyang anghel. Gusto 'kong tapusin ang kaso.

Gustong-gusto.

Since libre ni Denver ang mga pagkain na bibilhin dito sa cafeteria kumuha ako ng isang 2 and 1 meal. Shempre kahit hindi ko maaubos bibili parin ako para masayang ang pera ni Denver.

Sa kabilang table napansin ko ang isang wirdong lalaki. Nakasuot ng black mask at nakatitig ang mga mata sa libro.

"Kilala mo ba siya?" bulong ni Matilda sabay tingin sa lalaking tinitignan ko kanina pa.

"H-ha what? ofcourse, n-no," nagulat ako sa pagtanong niya kaya tanging 'yon na lamang ang iniwan ko na mga salita.

"Ako kase parang kilala ko siya," diretso niyang sinabi.

Nakatingin si Matilda sa isang cup of coffee na inorder niya. Siguro inaalala niya kung sino itong lalaki.

Pano sila nagkakilala?

Kumunot ang noo ni Matilda pagkatapos ay tumingin sa'kin.

"My bad, hindi pala," matapos niyang iwan ang mga salitang 'yon bigla siyang tumayo sa lamesa kung nasaan kami.

"Saan ka pupunta Matild-Haa?" Tanong ni Denver ngunit napanganga siya.

Gaya ni Denver kami nila Acel at Godrick ay ganon din.

That's Why She's Matilda Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon