Napansin ko rin na nandito sila. Kasama ni Matilda ang kaibigan niya na si Reeve at Acel.
Simula nang mangyari ang incident pinalayo na 'ko ni Reeve kay Matilda.
Nagsasayaw silang tatlo hanggang sa may babaeng lumapit sa harap ko at hinalikan ako. Nagulat ako sa ginawa niya.
"I need to pretend. Sorry kung ikaw ang hinalikan ko nandito kase ang ex ko at sinabi ko na nakamove on na 'ko sa kanya," ani ng babae.
Tinignan ko ang pwesto kung nasaan sila Matilda pero nawala sila.
"Again sorry,"
Ntuon ang paningin ko sa babae na kaharap ko.
Sa pangalawang pagkakataon hinalikan niya ulit ako.
"Nandyan siya sa kanan natin at nakatingin sa'tin. Please, help me and I'm sorry. Ipagpatuloy muna na'tin 'to,"
Napansin ko nga ang lalaking nakatingin sa direksyon namin.
I nodded.
Hindi ko siya gusto pero kung sa ganitong paraan ko siya matutulungan, gagawin ko.
"Thankyou so much! I owe you a lot. By the way my name is Hannah Dela Cruz,"
"Isbyl Polacio,"
Umalis na si Hannah sa harap ko at dumiretso ng exit. Napatingin ako sa lahat ng sulok ng bar kung saan pwedeng magkaroon ng basement.
Natuon naman ang mata ko sa isang babae na nakasuot ng black-sando at maong short-it's Matilda.
Napanganga ako dahil may kasama siyang lalaki ngayon na sumasayaw.
Ginagamit niya nga lang talaga ako.
At mas napanganga ako dahil nag-iba ang suot niya.
Masyado na silang magkalapit ng lalaki at pansin ko rin na parang lasing na si Matilda.
Gusto kong lumipat. Kailangan ko siyang tulungan.
Ihahakbang ko na sana ang paa ko pero natigilan ako sa nakita ko. Hinalikan ni Matilda ang lalaki na kasayaw niya.
Ilang saglit pa para na siyang natutumba hindi na ko nagdalawang isip na lumapit sa kanya
Itinabig ko ang lalaki paalis kay Matilda at inilalalayan ito. Pinaupo ko siya sa isang couch na nandito sa loobn ng bar at hinubad ang suot ko na jacket.
Kitang kita ang malaking dibdib ni Matilda sa suot niya. Sobrang iksi rin ng short na gamit niya.
Mabuti na lang at malaki sa kanya ang jacket ko kaya't umabot ito hanggang sa hita niya. Inalalayan ko siya at tumayo. Nakamotor ako pero sa ganitong sitwasyon mas kailangan ko madala si Matilda sa bahay.
Nag-iintay ako ng taxi na dumating kaso malas!
Sinukahan ako ni Matilda sa damit!
Wala akong choice dahil babagsak siya pag binitawan ko siya. Buti na lang may taxi na dumating at nakasakay na kami.
****
Nakarating kami sa bahay. Dinala ko na rin siya sa kwarto niya.
"Matilda dito ka muna kukuha ako ng warm water,"
Aalis na 'ko pero hinatak niya ang damit ko.
"Don't you dawe to leave mehh, I lab youu hindi mo ba yon napapansin?"
Umiiyak siya sa may damit ko.
"Madumi ang damit ko Matilda," pagsita ko sa kanya.
"Youwe such a jewk!! You know I love you pewo may kahalikan ka kanina,"
"You're drunk. Stop,"
"Si Papa nawala na *huk* wala na 'kong ibang malalapitan, don't leave me! don't leave me! don't leave me!"
Pagkatapos niya sabihin 'yon bigla na lang siyang nakatulog. Nagpapakalasing tapos wala naman silang kasamang lalaki. Buti na lang nandon ako baka kung hindi baka nakaabot na sila VIP room at umuwing di makalakad 'tong babaeng 'to.
"Kahit kaylan talaga Matilda ang hard-headed mo,"
Bumababa ako saglit para kumuha ng tubig. Kumuha na rin ako ng tshirt at short na 'di ko masyadong nagagamit para ipasuot sa kanya.
Sinimulan ko nang punasan ang katawan niya. Nagsimula ako sa ulo, leeg, kamay, hita at paa. Hinubad ko ang suot ni Matilda nang nakatingin sa ibang direksyon.
Malaki ang respeto ko sa kanya.
Hindi ko magagawa ang iniisip niyo.
Gaya parin kanina sinusuotan ko siya ng damit pero nakatingin ulit ako sa ibang direksyon.
Medyo mahirap kahit ako pinagpapawisan pero kailangan ko magpigil.
Lalaki ako at naakit ako.
Pero sobrang laki ng respeto ko lalo na kay Matilda hindi ko gagawin ang bagay na 'yon lalo na ngayong wala siyang kamalay-malay.
Natulog din ako sa tabi niya. Inaantok na 'ko at masyado na rin na maraming nangyari kaya't pumikit na ang mga mata ko.
Matilda Natividad's POV:
Nagising ako na parang pinapako ang ulo ko. Sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag ang sakit.
Napatingin ako sa kaliwang direksyon ko.
What the hell?
Iba ang suot ko!
May katabi ako?
At si Jis???!
Sinipa ko siya pababa ng kama dahilan ng pagkagising niya.
"Aray bakit mo ginawa 'yon?" pagmamaktol niya.
"Bakit ka nandito?"
"Bahay ko 'to!"
"Bakit kita katabi??! Bakit iba suot ko?!! Bakit ka nandyan natulog sa tabi ko?"
"Chill wala akong ginawa sayo. Uminom ka lang naman ng marami kagabi, nakipaghalikan sa ibang lalaki at sinukahan ako. Huwag kang mag-alala virgin ka pa,"
"Shut the fuck up,"
Binato ko siya ng unan dahil sa sinabi niya.
"Anong nakita mo?!!?!" galit na tanong ko sa kanya.
"Swear to god wala. Tumingin ako sa ibang direksyon nung binibihisan ka,"
Napansin ko na napatingin siya sa baba.
Kampante ako walang masakit sa katawan ko kaya alam ko na hindi niya ko ginalaw.
"You must say sorry," tugon ko bago inirapan siya.
"Woah. Dapat magthankyou ka nga kung hindi kita kinuha sa lalaki malamang nga-"
"SHUT. UP. MAG-SORRY KA!"
Huminga siya ng malalim.
Dapat lang na magsorry siya dahil nakita ko na may kahalikan siyang babae.
char.
"Sorry kung may nagawa man ako. Kung hindi kita pinapansin lately I sincerely apologize,"
"Okay forgiven,"
Matapos ang drama naming dalawa niyakap ko siya na para akong bata.
Wala siyang naging tugon kaya natawa ako.
Ang saya ko sa'yo Jis.
Sobra.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...