KABANATA 12

266 15 0
                                    

Kabanata 12

_____________________________

Hinigpitan ni Shan ang pagyakap niya sakin saka ibinaon ang ulo sa may leeg ko.

"Lets sleep na Jana.."

"T-tara na sa loob.."usal ko saka hinawakan si Shan sa pulsuhan papuntang kwarto natatawa naman ito sa ginagawa ko, sa totoo lang ayoko lang na makita ako ni Shun natatakot ako sa mga maaring mangyari. Ayoko lang na nasa healing process na siya tapos hinaharap-harapan pa namin ni Shan na maglambingan.

Nang nasa kwarto na kami ay bigla akong pinahiga ni Shan sa kama at ganon nalang ang gulat ko sa ginawa niya.

Fuck! Kinakabahan na naman ako para sa kanya.

"Shan lasing ka?"tanong ko kaya ba natagalan siya dahil umiinom pa siya sa baba?.

"Hindi naman.."nakangiting usal sakin saka niyakap ako saka bigla niyang inilapat ang mukha niya sa leeg ko kaya bawat hininga niya ay kinikiliti ako, napatawa nalang ako sa ginawa niya pero meron rin sa kaloob-looban ko na umiinit.

"Shan! Tigilan mo nga yan! Nakikiliti ako!"natatawang ngisi ko.

"Jana.."

"Yes..?"

Sa halip na sagutin niya ako ay bigla siyang pumatong sakin at ngayon ay magkadikit na ang katawan namin.

Naririnig ko ang sarili kong pusong kumakalabog sa kaba, hindi ko pa nararanasan ang ganito. Siguro ay magagawa na namin ang pagtatalik ni Shan ngayon pero meron parin sa isip ko na kinakabahan wala pa akong experience dito.

"Shan..anong gagawin natin?"kabado kong tanong habang siya ay nakatitig lang sakin ng matiim saka hinahaplos haplos ang mukha ko.

At inilapit ang labi niya sa labi ko nang biglang may kumatok sa pinto. Napakalakas!

"Shan, get out..someone needs your damn help."asik nito, batid kong si Shun iyon.

Ang boses na mahina pero meron ang awtoridad nito.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Shan saka napatitig sakin.

"Im sorry..."usal niya saka kumawala sa pagkapatong sakin.

Inayos ko ang sarili ko dahil sa damit kong pantulog na nawala na pala sa ayos.

Tinignan ko ang bawat kilos ni Shan na parang nagmamadali.

"Kailangan ako sa hospital ngayon, Im sorry Janina."nagmamadaling sabi niya saka nagbihis ng maayos.

"Lasing ka.."usal ko na gusto siyang pigilan sa pag-alis pero alam ko na mas kailangan siya doon.

"Mawawala lang to, hindi naman ganon karami ang naiinom ko."sagot niya saka naayos na ang sarili at agad akong sinulyapan at ngumiti "Im sorry, I need to go."hindi na ako nagsalita at tumango nalang.

Tinignan ko siyang umalis at sinarado ang pintuan.

Ngayon ako na naman ang napabuntong hininga, siguro gusto ko munang ulit magpahangin sa may terrace.

Lumabas ako para pahanginan ang sarili ko at pinatong ang dalawang braso sa may railings. Wala na naman si Shan, pag magiging asawa na kami ay mas magiging busy na siya dahil sa trabaho niya.

"Messy hair? Something happened huh?"baritonong boses mula sa likuran ko at nandoon ang diin sa pagkakabigkas nito.

Alam ko na kung sino pa ang nasa likuran ko no need to turn back.

Naiinis pa ako sa kanya dahil sa ginawang pagputol niya sa gagawin namin ni Shan pero meron din sa sarili ko mas kailangan talaga si Shan doon.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon