Kabanata 16
_____________________
"Im hard..here"sabay turo niya sa ibaba niya.
Napapikit ako sa inis saka akmang tatalikuran siya nang magsalita pa ito."The way you do lip bite..magiging ganito talaga." dagdag niya na nakangisi pa.
"Salamat, uuwi na ako"usal ko sa kanya.
"Ihahatid kita."
"Huwag na-"
"Then where's your kotse?"arteng usal niya.
Naalala ko naman na wala pala akong kotse na pumunta dito napakamot nalang ako sa ulo ko saka ngumiti sa kanya, bumuntong hininga siya saka pumunta sa parking lot.
Mga dalawang minito lang ay sumakay na ako sa bagong sedan car niya na kulay puti.
Agad kong kinabit ang seatbelt saka sumulyap sa kanya na ngayon ay nagsimula ng magmaneho.
Tahimik lang kami sa byahe walang nagtatangkang mag-ingay samin, nakatingin lang ako labas habang siya ay seryusong nakatingin sa daan.
"What are you going to do now?.."tanong niya bigla.
Inosente ko siyang tinignan habang siya ay ganon parin ang ginagawa niya
Naalala ko na naman si Shan sa kanya parehong-pareho talaga sila kapag sumeryuso ang mukha niya.
"I hate you..."mahinang bulong ko habang napapaisip si Shan, tinignan niya ako na naguguluhan ang mukha.
"Me?..why?"
Napailing ako sa naisip ko at agad binigyan ng atensyon si Shun.
"W-wala..akong sinabi na ganon Sha-Shun.."nauutal at nagkamali-maling sabi ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya ulit saka nagsalita.
"Ayos lang sakin kung naiisip mo si Shan sakin..basta wag mo lang ibase ang mali ko sa mali niya."makabuluhang sabi niya hindi ako nakapagsalita sa kanya."Your kotse,..pinahatid ko na sa bahay mo, and inamin ko sa mama mo na kasama kita and took care of you.."aniya.
"T-thank you..Im sorry."kinakabahang sabi ko nang biglang tumunog ang phone ko sa bulsa.
Napatingin ako sa lumabas na pangalan at si tita Jean iyon.
Napatingin muna ako kay Shun saka sinagot ang tawag.
"H-hell-"
"Jana you okay now?..please lets talk hija.."nagsusumamong boses ni tita na hindi ko naman alam kung bakit.
"Ahm..yeah..saan po ba?"
"Sa bahay..napakaimportante lang ng usapan natin."seryuso pero dama ko ang lungkot sa sinabi ni tita.
Gusto ko ring siyang kausapin at sabihin ang totoong nangyari samin ni Shan, karapatan ni tita na malaman niya ang paghiwalayan namin ng anak niya.
"Sige po tita..ngayon napo, papunta na ako."sagot ko, nagulat ako nang hawakan ni Shun ang kamay ko.
Naaksidenteng naputol ko ang linya namin ni tita, hinarap ko nalang si Shun na ngayon ay nakatitig sakin.
"Sundin mo kung alam mo kung ano ang nakakabuti sayo Jana."mahinang sabi niya pero yon ang nagpagising sa katinuan ko ngayon.
Nang makarating na kami sa bahay nila ay nasa sala na ako upang hintayin si tita Jean, si Shun naman ay may business meeting pang inaasikaso kaya agad niya nalang akong hinatid dito. Nasa bahay ko naman ang kotse ko kaya paniguradong magcocomute nalang ako nito pauwi.
BINABASA MO ANG
Dati Kana Sakin (COMPLETED)
RomanceFor 8 years, hindi nabigo si Janina Suarez sa kasintahan niya. Kahit malayo man sila sa isa't isa ay patuloy parin sila at mas tumagal pa ang samahan nila. Kumpleto na ang buhay niya mayaman sila, kayang-kaya niyang gawin lahat. Maraming nagmamah...
