Kabanata 50
__________________
"Thank you Manong Pord."ani ni mama nang maihatid na kami sa bahay, dala ang mga bagahe at ilang gamit.
Sinama namin si lola pabalik sa Pilipinas. Una ay ayaw niya dahil ayaw niyang iwan ang lugar na yon lalo na si lolo pero ayaw niya ring mag-isa kaya sumama siya sa amin.
Kami lang tatlo ang nakauwi si papa naman at nandoon parin kasama si Grey.
"Ilagay mo nalang dito Manong."ani ko sa mga bagahe.
Pagod kami pareho sa byahe at kailangan muna naming magpahinga ng ilang oras pero sa hindi ko inaasahan ay nagising nalang ako na nakahiga sa may sofa.
Nagising ako sa boses ni mama na panay tawag sakin. Minulat ko ang mga mata ko at dahan dahan na napakusot at humikab.
"Aning oras naba Jana? Late kana!"nag-aalalang ani ni mama.
"What!"napatingin ako sa relo ko and damn it boung araw akong tulog at ngayon lang nagising ulit.
Agad akong napatayo at nagtungo sa banyo sa itaas at doon ko unang nabuksan ang kwarto ko simula ng iwan ko iyon.
Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang mga gamit saka naligo at nagbihis ng formal para sa opisina.
Pagkababa ko ay naihanda na ni mama ang pagkain sa lamesa, napatingin ako sa relo ko 5 minutes nalang ay malelate na ako!.
"Ma! Sorry talaga I have to go!."ani ko, tatalikod na sana ako ng mapasulyap ako sa mukha ni lola na nakasimangot.
"I made that, tapors hindy moh e drink and eat ang breakfast moh?"conyo nito salita sakin na hindi pa tugma ang bawat salita, she's learning our wika na. Damn pati ako nakoconyo na kay lola.
Ngumiti ako sa kanya saka kinuha ang sandwich at kape agad ko yong ininom kahit mainit-init pa ay hindi ko na ramdam dahil sa pagmamadali ko.
"La!, baon ko na tong sandwich na ginawa mo!"ani ko na pasigaw papuntang labas.
"What did she say?"rinig ko pa ang naguguluhang boses ni lola.
Minamadali ko ng pina-andar ang kotse kong hatchback, agad kong binilisan ang takbo ng makarating na ako sa highway.
Napakapit ako sa bag ko ng maglakad na ako palabas ng parking area hanggang sa elevator, ang ilan ay nakatingin sakin na parang hindi pa ako kilala. Pero mamaya ay makikilala na nila ako bilang amo nila.
Sinalubong ako ng isang babae at alam ko na siya ang secretary ko dahil sa pangalan na nakakabit sa gilid ng damit niya and its Beverly.
"M-maam goodmorning ahmm..this way po ang office niyo."aniya na kinakabahan pa sakin.
Matinig akong naglalakad dahil sa pumps na gamit ko na halantak sa tile sa tuwing naglalakad ako.
Pinagbuksan ako ng secretary ko ng pinto at pumasok naman ako doon at taas noong umupo sa swivel chair.
Napasiklop ko ang dalawang kamay ko at ipinatong iyon sa lamesa habang nakaupo ng dikwatro.
Tinignan ko si Beverly na kinakabahan sa akin kaya mas tinaasan ko pa siya kilay na mas ikinakaba pa niya.
"Anong kinakatakot mo?"diretsong ani ko.
"Maam?"pagbibingihan niya sakin sa harapan.
"Unli?"pilosopong sagot ko. Paulit-ulit lang?
Napaayos siya sa kinatatayuan niya at may binigay siyang folder sakin.
"Takot po akong matangal sa trabaho maam..and my meeting napo kayo agad kasama ang pinakamahalagang negosyante na nag-invest sa atin..M-mr Choi, Uy, G-gravador, Rupales a-"sinenyasan ko siyang tumigil sa pagsasalita niya. Talagang kinakabahan siya sakin ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/232425819-288-k603163.jpg)
BINABASA MO ANG
Dati Kana Sakin (COMPLETED)
RomanceFor 8 years, hindi nabigo si Janina Suarez sa kasintahan niya. Kahit malayo man sila sa isa't isa ay patuloy parin sila at mas tumagal pa ang samahan nila. Kumpleto na ang buhay niya mayaman sila, kayang-kaya niyang gawin lahat. Maraming nagmamah...