Kabanata 60
___________________
Natigilan ako sa reaksyon ni Shun na tumawa lang bigla sa harapan ko kaya mahina ko siyang pinalo.
"Shun? Sasagitin mo ba ako o hindi?" Kinakabahan na usal ko, ngayon ay alam ko na kung anong pakiramdam manligaw at hindi iyon madali.
Natawa lang ito na nakatingin sa itaas, nagtaka ako sa inaasta niya hanggang sa mapansin ko ang luha sa pisnge niya. Nanikip ang dibdib ko, nasasaktan rin ako para sa kanya ngayon kahit na hindi niya sabihin kung ano ang nararamdaman niya.
Hinaplos niya ang pisnge ko at agad hinalikan ang labi ko, hindi na ako nakapag-ayaw dahil gusto ko naman.
"Fuck baby..pinakilig mo ako..pinasaya mo ako. Hindi ko yon inaasahan na gagawin mo. Maria Clara ka kasi minsan."natatawang pinahid niya ang luha niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Pabebe pa e. So anong isasagot mo?"nagmamadaling tanong ko.
Napahiyaw ako ng tampalin niya ang pwetan ko kaya mahina kong sinuntokang pwetan niya habang yakap siya parang tanga lang kami.
"Of course. Janina Kieth Suarez, also known before as dyosa ng campus natin. Im very gladly accept you. Simula palang bata tayo ikaw na takaga ang pangarap ko kaso lang ay napunta pa sa iba but!..nandito kana sakin ngayon..hindi lang ako makapaniwala na akin kana. I love you Janina." Madamdaming sabi niya sakin, kita ko sa mga mata niya ang saya at pagmamahal sa akin.
"Thank you Shun!"masayang usal ko at niyakap siya ng mahigpit. "Thanks. Yes. Ayos na tayo..ayos na."
"Ayokong umalis kaya huwag kanang umalis."
Hindi siya pumasok sa trabaho niya at hinintay niya lang ako hanggang sa matapos na ako.
Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay naka-upo lang sa sofa at may binabasa na magazine.
Gusto ko siyang kasama mamaya, ayokong umuwi muna siya.
"Shun..sabay ba tayong umuwi mamaya."matapang na sagot ko kahit kinakabahan baka hindi pumayag sa akin.
"Yes..."tipid na aniya na busy sa pagbabasa sa isang article.
"Sa bahay mo ako matutulog kung ayos lang sayo."nakangiting sabi ko.
"Bahay natin."pagkla-klaro niya sakin na matiim na nakatitig sa akin.
Kagaya nga ng napag-usapan namin ay masaya kaming nasa byahe at doon nalaman ko na pinatratrabaho niya ako sa kompanya niya at pinapagawa ng walang kwentang task!
"Shun!"inis na sigaw ko ng ma-e-park na niya ang sasakyan at natatawa lang siyang bumaba sa kotse at pagbubuksan sana ako nang ako na ang gumawa doon since kaya ko naman.
Padabog akong bumaba sa kotse at tinignan siya ng masama!.
"Pinagloloko mo pala ako? Kaya pala laging mali ang ginagawa ko."inis na usal ko
"Im sorry okay? Naghihiganti lang ako sayo noon."ngisi niya na pilit tinatago pa. Inirapan ko nalang siya at iniwan siya sa labas.
"Naghihiganti akala mo naman hindi mapupunta sakin?"reklamo ko.
"Uy wait! Rinig ko yon!"sigaw niya na hinahabol ako.
Pumasok kami sa loob at agad naman siyang pumunta sa kwarto namin kaya sinundan ko siya.
"Sinong mauuna? mag shower?"tanong niya sakin.
"I-ikaw muna."nauutal na sagot dahil sa biglaan na paghubad niya sa harapan ko damn he still look so hot kahit na gabi at hindi na mainit.
BINABASA MO ANG
Dati Kana Sakin (COMPLETED)
Storie d'AmoreFor 8 years, hindi nabigo si Janina Suarez sa kasintahan niya. Kahit malayo man sila sa isa't isa ay patuloy parin sila at mas tumagal pa ang samahan nila. Kumpleto na ang buhay niya mayaman sila, kayang-kaya niyang gawin lahat. Maraming nagmamah...
