KABANATA 11

251 15 0
                                    

Kabanata 11

_____________________________

Hinintay ko si Shan sa may garden nila, sabi ni tita uuwi si Shan dito at dahil magkatabi lang naman ang parking lot at garden madali akong makita.

Apat na oras na akong nakaupo sa may bench sa kakahintay pero wala pa siya, wala naman akong magagawa sa loob dahil may lakad si tito while tita is nasa house naglilinis. Wala silang katulong only guards lang sa may gate.

"Ayos na lahat right? Yung kay Law, nagawa niya na ba ang inutos ko?..yeah..ayos na ang lahat sakin....what?...no dapat mabuo na natin ang business nato, walang sasayanging oras..may tao akong hinahabol James...okay bye."natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Shun sa di kalayuan at nababatid ko na nasa may parking lot lang siya natanaw ko siya na ngayon ay una ko pang nakitang nakasout ng formal attire na halatang businessman talaga at masasabi ko na bagay na bagay tagala sa kanya ang kahit anong klaseng damit ang galing niyang pumorma.

Kinabahan ako kung ano ang magiging reaksyon namin kung magkaharap man kami, napalunok ako sa kaba sa naiisip ko.

Mga segundong nakalipas ay may kausap na naman siya sa kabilang linya kaya nakikinig nalang ako. Totoo ang sinabi ni tita, nanga-ngayayat na si Shun sa trabaho na kinaaabalahan niya.

"Aira I told you..dapat ngayon na week na ang deadline..dapat sa susunod na buwan ay maayos na ang lahat..yeah..two months lang ang nakalaan na oras ko para dito."seryusong sabi niya at hagod-hagod ang sentido "Im tired too...pero may tao lang akong hinahabol....sige bye sa susunod na meeting nalang."doon ay naputol ang tawag kaya agad kong itinoon ang sarili sa pagsulyap ng fountain pero huli na ang lahat nakita niya na akong nakatingin sa kanya.

Pero tumango lang siya sakin saka naglakad papasok sa loob ng bahay nila, napabuntong hininga nalang ako at saka kinapa ang phone ko hindi pa umuuwi si Shan.

Bigo akong umuwi sa bahay dahil hindi talaga nagpakita sakin si Shan, tanging paliwanag niya sakin ay busy siya sa hospital doon ako nakaramdam ng lungkot dahil napapansin ko na lagi nalang kaming ganito.

Naiintindihan ko naman kasi siya. Kung ako ang papipiliin ay uunahin ko ang mga taong nangangailangan sa kanya.

Siguro bukas na bukas ay pupuntahan ko siya sa hospital hindi para tignan kung anong ginagawa niya kundi ay namimiss ko na siya.

Sanay narin akong nasa malayo siya kaya naiintindihan ko siya kung malayo siya sakin ngayon.

Nakita ko si papa na panay atupag sa laptop niya habang si mama naman ay parang nabagsakan ng langit at lupa.

Pareho ko silang nilapitan sa may malaking table sa sofa.

"Ma?, whats wrong po?"

Bumuntong hininga si mama saka ako niyakap ng mahigpit.

"Hija..may problema tayo,..ngayon lang to nangyari so far sa negosyo natin."nag-aalalang usal ni mama.

Napakunot ako sa noo ko.

"Nagsisimula na sila, and hindi ko pa ma detect kung sino ang nagtangkang magkopetensya satin ngayon."seryusong sabi ni papa.

"Papa what do you mean? Na may gumaya satin? Sa Airlines natin?"

"Parang ganon na nga hija."

Panay aral ni papa sa laptop niya at mga ilang documento  na binabasa niya, hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa niya since hindi ko hilig ang business si papa at mama lang ang business minded sa pamilya namin. Kung may nagtangkang makipagkompetensya samin ay paniguradong napakayaman non dahil Airlines pa ang ginaya niya.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon