KABANATA 40

258 16 0
                                    

Kabanata 40

____________________

Malapit ng matapos ang mga gawain sa bahay namin ni Shun, matapos naming kumain ay ako na ang nagpunas sa lamesa siya naman ay naghugas sa mga kinainan namin at sabay narin kaming nagtoothbrush.

"Done!"masiglang usal niya sa may likuran ko habang nagpupunas ako sa lamesa.

Nagulat ako ng biglang kurutin niya ang pwetan ko kaya tinignan ko siyang ng masama.

"Nice ass Jana."usal niyang nakangisi at umalis sa kusina. Sinundan ko siya at agad sinapol ang gitnang bahagi niya. Natawa ako sa reaksyon niya na napamaang halatang gulat.

Akala niya siya lang?

Matapos ng lahat ng gawain ay nanoud kami ng TV, halos nandito na si Shun sa bahay at hindi niya na rin napupuntahan ang mga negosyo niya dahil sakin.

Pinatawag lahat ni tito ang mga anak niya para sa kaarawan nito.

"50th birthday ni tito?."

"Hmm..bibili lang tayo ng gift para kay papa saka na tayo didiretso sa kanila.

Ng makabili na kami ng regalo for tito ay dumiretso na nga kami doon sa bahay nila.

And there nakita ko ang mga catering services sa gilid ng garden, malaki ang loob ng bahay nila Shun and halos mansion na nga kung tawagin ito sa laki ba naman!.

"Nakahanda naba ang lah--ooh Janina! Shun!"bungad ni tita Jean samin.

"Ang aga niyo naman..dito ba kayo matutulog mamaya?"

"Yes ma..nasaan si papa?"ani ni Shun.

"Nasa work pa naman..paparating nayon by 7pm..kunting oras nalang."usal ni tita.

"Sige po tita..hihintayin nalang ni Shun si tito."usal ko at umalis na kami roon.

Pumasok muna ako sa kwarto ni Shun dahil sa antok, hindi pa ako nakaayos sa pagtulog kagabi dahil naglaba ako sa uniform na isusuot ni Shun sa opisina niya. Hindi naman sa naging mag-asawa na ang buhay namin pero sinasanay namin ang isat-isa na kaya namin ang lahat.

"Tired?"tanong ni Shun at hinaplos ang mukha ko tumango naman ako sa kanya.

"Matutulog muna ako Shun..gisingin mo nalang ako pag hinanap ako."inaantok na usal ko.

Tinabihan niya naman ako kaya naguluhan akong sinulyapan siya.

"Im sleepy too baby..lets rest nalang together."maarteng sagot nito at niyakap ako sa kama.

Hindi na ako pumalag pa at niyakap narin siya ng mahigpit at doon nakatulog na kami.

Alas 5 na ng hapon ng magising ako wala na roon si Shun sa tabi ko, napahikab ako at inayos ang kama saka naligo narin. Sout ko ang damit ni Shun na hanggang hita ang dulo at pinarisan ng maong shorts ko na nasa kwarto lang niya naiwan.

Pinatuyo ko ang buhok ko and then naglagay narin ng mga paganda sa katawan.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Shun, marami-rami ang tao sa bahay dahil may mga kinuhang katulong si tita na naghahanda para bukas ng gabi.

Nang hindi ko mahanap si Shun ay si Shan ang naabutan ko sa may terrace malayo ang iniisip at nakatingin lang sa malayo.

Naiilang akong lapitan siya lalo na pag kami ng dalawa.

Iiwas sana ako ng mapatingin siya sakin ngumiti ito kaya ngumiti rin ako.

"Hinahanap mo si Shun?"

"Y-yeah."

Napapansin ko talaga ang lalaking iyon, lagi nalang akong pinapahanap niya basta dito kami sa bahay nila tita! Laging wala kada gising ko.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon