Kabanata 46
_____________________
Napaiyak ako sa sakit na nararamdaman ko, hindi lang dalawang tao ang nanakit sakin kundi tatlo- no baka kasama pa si tita Jean sa kanila.
Humagulgol ako ng iyak. Hindi ko matanggap na nagawa nila sakin ito, ano ba ang nagawa ng pamilya ko sa kanila para lang pagtutulongan nila kami!.
Naramdaman kong hinawakan ni Shan ang likuran ko at hinahagod-hagod iyon. Hanggang sa niyakap niya na ako mula sa likuran para maibsan ang iyak ko pero hindi iyon naging madali mas napaiyak pa tuloy ako sa ginawa niya.
"Paano niyo nagagawa yon sakin Shan?..k-kaya ba ayaw mong umuwi noon kahit gusto na kitang makita? Dahil..kinakain ka ng konsenysa mo!?"
"Im sorry..wala akong nagawa sayo Jana..alam kong nasaktan kita ng sobra..at hindi ko yon kinaya dahil may parte ka naman sa puso ko..naging parte ka narin sa buhay ko at ayoko lang na..may tinatago ako sayo..kaibigan kita."
Napailing ako sa mga sinasabi niya hindi parin ako makapaniwala naloko ako.
Mula simula ay naloko na nila ako pati sina mama at papa, akala ko tunay sila sa mga Suarez pero nagkamali ako sa inaakala ko dahil ngayon ay masasabi ko ng trahidor sila sa pamilya namin.
Tinignan ko ng masama Shan at nakatingin rin siya sakin habang yakap niya ang balikat ko.
"Shan..nakaya mo akong lokohin?..kagaya ni Shun?..hindi ba kayo nahiya!"bulyaw ko at yumuko lang siya sa akin.
"Im sorry--"
"Puro lang kayo sorry!, sorry lang kasi natapos na? At panalo na kayo? Ganon naman ang gusto niyo diba?." May halong irita sa usal ko
Hinarap niya ako at hinawakan ang mga braso ko.
"Jana, hindi yon ganon..kaya nga lumayo ako sayo diba..kasi alam ko na malaki na ang ginawa kong kasalanan sayo..guilty ako..dahil ginamit kita..hanggang sorry lang naman ang masasabi ko sayo kasi alam ko na hindi ko na maibabalik ang lahat..nasaktan na kita..at hindi ko namimilit na patawarin mo ko pero sinsero ako sa sinasabi ko..Im really sorry.."malungkot at may halong seryusong paliwanag niya.
Napapahid ako sa mga luha ko na tumulo sa pisnge ko saka tinanong si Shan.
"Minahal niyo ba talaga ako Shan? Minahal niyo ba ako bilang ako at hindi sa utos ng ama mo?..minahal rin ba ako ni Shun, kahit na ginamit niyo lang ako..naging kompartable ba akong kasama sa tuwing magkasama tayo noon?..masaya ba na..nakikita niyo na ako g ganito?.."
Akma akong lalayo ng hinawakan niya pa ang braso ko.
"Jana listen..Minahal kita sobra..pero hindi ko masabi sayo ang totoo dahil ayoko na malaman na pangagamit lang ang lahat satin..mahal kita Jana..pero bilang kaibigan lang dahil nandoon si Xia."madamdaming sabi niya."Hindi ko kayang tupungan ang pagmamahal na binigay mo sakin pero totoo na sinubukan kitang mahalin..minahal kita."napatikom ako ng bibig ko at akmang aalis pero niyakap niya ako ng mahigpit.
"Im sorry Jana..Im sorry..sa nagawa namin ni Shun sayo..ni papa sa inyo..pero hindi ako nagsinungaling ng mahalin kita."
"Paano pa ako maniniwala ngayon sayo Shan? Sa inyo ni Shun.."usal ko at ako na ang kumalas sa pagkayap namin.
Magkalapit ang mukha namin at puno ng pout ang titig ko sa kanya, galit ako.
"Hindi na kailangan ng sagot mo Shan kung mahal mo ba ako o hindi..hindi rin naman ako naniniwala at kung si Shun naman ang ngayon ko ay hindi ko narin alam kung nagsasabi ba siya ng totoo sakin..dahil ang alam ko lang ngayon ay ginamit niyo lang kami ng pamilya ko."ani ko
BINABASA MO ANG
Dati Kana Sakin (COMPLETED)
RomanceFor 8 years, hindi nabigo si Janina Suarez sa kasintahan niya. Kahit malayo man sila sa isa't isa ay patuloy parin sila at mas tumagal pa ang samahan nila. Kumpleto na ang buhay niya mayaman sila, kayang-kaya niyang gawin lahat. Maraming nagmamah...
