Kabanata 1
_____________________________
(Present-2023)
"Jana! Bilisan mo baka hindi na natin maabutan ang magaling na lalaking iyon!"reklamo ni Xia.
"Tara na tara na!"sigaw ko papasok sa kotse niya.
"Kailangan maabutan natin yung lalaki na yon! Baka may kakita na iba yon!"inis na sabi niya pa habang mabilis na nagmamaneho.
Napadilat ako sa mata sa takot dahil sa bilis nitong magmaneho kaya niyugyog ko siya.
"Huy Xia! Baka byahe tungo langit nato sa lakas mong magmaneho! Bagalan mo nga!"reklamo ko.
"Langit? Baka sa impyerno pa!"galit na usal nito
"Bakit ba big deal sayo ang boyfriend mo ngayon? Sino ba kasi?"tanong ko.
"Di na yon mahalaga! Basta pag nalaman ko na may ka-kandungan na babae yon mamaya ay hindi ako magdadalawang isip na hiwalayan siya!"sagot niya pa.
" Wala ka bang tiwala don? Ka bago-bago niyo pa? Tatlong araw pa kayo nagkakaganyan kana sa kanya?"ma-arteng sabi ko
Baka kasi mag-away sila sa ganito? Walang tiwala si Xia kaya ito kami ngayon hinahanap ang nawawalang nobyo niya.
"Babaero siya Jana! Narinig ko siya kagabi na may katawag na 'babe meet me somewhere na I can fuck you'"sabi niya.
Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya! Masyado pa akong inosente sa ganong bagay.
"M-minahal mo na ba?..k-kasi nagkakaganyan kana e."nasabi ko nalang.
"Naninigurado lang ako Jana, ayoko lang na nagiging tanga ako."
Napahinto kami sa may boulevard saka bumaba para hanapin daw ang nobyo niya.
"Sigurado kaba na dito ang meeting place nila?"tanong ko.
"Dito daw e!"sagot nito panay tingin sa paligid.
Hinatak ko nalang siya saka naglakad sa may mga bench na side, mas maganda kung dito kami maglalakad mas maganda kita ang lahat ng paligid.
"Xia, anong itsura ba?" Baka mahanap ko pa.
"Jana basta! Pag makita ko siya na may kasama ngayon ay hindi ako magpapakatanga sa kanya!"inis na sabi niya kaya pinakalma ko muna bago ako magsalita.
Kumalma naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Panay tingin ko sa paligid hindi ko alam ang itsura ng lalaki pero tumutulong ako sa paghahanap."Lintik na lalaking yon."mahina pero diin na sabi niya.
"Hahanapin natin yang boyfriend mo-"
"Ugghh Babyy I love kissing you.."
Nagkatinginan kami ni Xia saka bumaling ang atensyon sa may bench, nakita ko naman ang isang pamilyar na kakilala na naghaharutan. Hanggang dito ba naman nagkakandugan pa sila?.
"Kainis."sabi ni Xia.
Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Alam kong bitter ka ngayon, hayaan mo nalang sila at hanapin ang nawawalang pato m---"
"Walang hiya kayo!"sigaw ni Xia na ikanagulat ko bigla niya akong nilampasan at nilapitan ang dalawang naglalandian sa bench.
Napatayo naman ang dalawa at tinignan si Xia tumabi naman ako, napataas ang kilay ko sa dalawa na parang nag-eenjoy pa sa nagawa nila.
Tinignan ko ang lalaki at hindi nga ako nagkamali! Kakilala ko talaga!
"Shun?"mahinang sabi ko sa kanya pero nakangisi lang siya samin.
![](https://img.wattpad.com/cover/232425819-288-k603163.jpg)
BINABASA MO ANG
Dati Kana Sakin (COMPLETED)
RomanceFor 8 years, hindi nabigo si Janina Suarez sa kasintahan niya. Kahit malayo man sila sa isa't isa ay patuloy parin sila at mas tumagal pa ang samahan nila. Kumpleto na ang buhay niya mayaman sila, kayang-kaya niyang gawin lahat. Maraming nagmamah...