KABANATA 64

315 21 0
                                    

Kabanata 64

______________

Nang dumating ang waiter at nilapag ang mga pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang akong kumuha sa mga gusto kong pagkain ng bigyan ako ni Grey ng shrimps.

"Your favorite?"nagtataka kong tanong sa kanya.

"Our favorite."aniya na nakangiti, mataman akong ngumiti sa kanya at tinapakan ang paa niya sa ilalim gusto kong malaman kung bakit nandito si Shun pati narin siya.

Mahina siyang napamura pero ngumiti parin.

"Napaka sadista talagang magiging asawa ko ang hilig sa hipon."aniya. Gusto kong magreklamo pero kailangan kong panatilihin na kalmado ako para hindi magalit sila sa inaasta ko.

"Oh hijo eat a lot."ani ni mama dahil magkatabi lang naman sila. Nilagyan ni mama ng pagkain si Shun dahil wala pa itong laman. Ngumiti lang ito saka tahimik na kumakain.

"Grey alagaan mo yang si Janina, hindi pa yan marunong magluto ikaw na ang bahala sa kanya. Simula ngayon pinagkakatiwalaan na kita."ani ni papa na nakangiti pero hindi sa amin..kay Shun.

Fuck! Napatingin ako kay Shun na mahigpit na nakahawak sa kutsara niya pero agad namang kumalma.

"Sure tito."sabay hawak sa kamay ko "Hindi ko siya magagawang iwan..ganon rin siya sakin.--"

"Hey wait wait."usal ko pero tumawa lang si Grey.

"You look so cute."aniya at mas hinigpitan pa ang pagpipisil sa mga daliri ko."Ang saya ko ngayon Janina na nandito ka."napaiwas ako ng tingin at akmang hahawiin ang kamay niya pero masyadong mahigpit. "Susubuan kita?"

Agad akong umiling.

Ako ang naunang matapos kumain kaya nagpaalam ako na pumunta sa restroom para ayusin ang sarili ko hindi ko rin ata kayang makita si Shun na ganon.

Napakapa ako sa shoulder bag ko ng may mag-vibrate at bumungad sakin ang pangalan ni Shun.

Pinatay ko agad ang tawag niya dahil sa kaba at takot ko. Mamaya na Shun maayos nato.

Agad namang may message na lumabas.

' Tito change the sched.of your wedding..next week. Prepare. Hindi ako galit pero aalis lang ako. '

Napapikit ako sa gulo ng utak ko, hindi ko naman makakausap si Shun dahil napapaligiran siya ng pamilya ko. Kailangan kong maghanap ng pagkakataon na makausap siya.

Bumalik ako sa table ng hindi tinitignan si Shun nararamdaman ko ang sulyap niya pero hindi ko na pinansin pa.

"Oh? Aalis kana?"ani ni mama.

"Thanks for the dinner tito, tita..uhm lola"napatingin siya sa amin."Im leaving, Congratulations again sa inyo."sabay tayo niya at umalis na.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila at agad tumayo para sundan si Shun.

"Huwag mo ng sundan pa." Napatingin ako kay mama at sinamaan siya ng tingin.

"Kung mahal ka niya apo..takbo. kung dimo mahal upo."trying hard sa pagtatagalog ni lola sakin pero naiintindihan ko siya.

"Takbo po ako lola."mapait na ngitu ko sa kanya at umalis sa kanila.

"Shun!"sigaw ko sa may parking area at naabutan ko siya doon at napatingin sa akin na papalapit sa kanya.

"Shun. Yung kanina wala yon...alam mo na ikakasal ako pero promise hindi ako pumayag kay Grey!..Tayo dapat ang ikakasal ako ang fiancee mo!"iritang asik ko dahil sa nawawalan na akong ng hangin sa hingal."Mahal kita Shun!"

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon