KABANATA 18

261 13 0
                                    

Kabanata 18

_____________________________

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad kung inihiga ang sarili sa kama para magpahinga at diko nalang namalayan na nakatulog na pala ako sa pagod.

Kinaumagahan ay wala paring bago sa araw ko parating may kulang pero kinakaya lang.

Kung magigising karin ng masaya ay magigising karin ng malungkot, ganon ang buhay na nagpapatunay na balanse lahat ng mga nararamdaman mo walang hindi pantay unless kung ipinanganak kang perpekto.

Pagbaba ko sa hagdanan ay nakita ko si mama na namromroblema sa may lamesa sa sofa na side, agad ko siyang tinabihan para magtanong.

"Ma? Whats wrong po?"nag-aalalang tanong ko.

Sinapo ni mama ang ulo niya na parang sumasakit ito dahil sa problema niya.

"Nabagsak na ang negosyo ko...iwan ko ba kung anong nangyari baby ang baba ng sales natin ngayong buwan..at mas lumala pa."nalulungkot na sabi ni mama na ikinabigla ko.

Si Shun agad ang naisip kong posibleng gumawa ron pero para sakin parang hindi talaga magagawa ni Shun yon samin, lalo na sa nangyari kahapon napakamaalahanin niya.

"S-sino po ba daw?....may alam ba kayo kung bakit nangyari ito?"parang nambibintang na sabi ko.

Umiling si mama sakin.

"Si Shun?"mabilis na sagot ko pero umiling rin ito at nakahinga ako ng maluwag sa sagit niya.

"Talagang may isa pa akong kalaban hija...pero batid kong hindi si Shun...nag-iimbestiga pa kami sa ngayon..malalaman at malalaman rin natin to kung sino rin ang kumalaban sakin."seryusong sabi ni mama.

Napansin ko rin na hindi na rin siya dumadalaw sa bahay nila tita Jean dahil sa pagiging busy niya medyo nag-aalala rin ako para sa kanya sobrang stress na si mama sa lahat na hindi na kayang lumabas sa bahay at kumain ng maayos.

Hinawakan ko ang kamay niya saka nginitian ng matamis-tamis si mama.

"Ma..wala po akong karanasan sa pagbubusiness..pero tutulongan ko po kayo para dito.."

"Hija?"naguguluhan na aniya.

"Ma..ako na po ang bahala sa bagay na ito..aalamin ko po ang nangyari sa negosyo mo.."

"Anak hindi mo kailangan gawin to..meron naman tayong mga tao na--"

"Ako na po..kaya ko..dahil anak niyo ko."pagmamayabang ko at sumeryuso"aalamin at aalamin ko kung sino sila...at saka doon na tayo mag-iingat sa sino mang kalaban."

Dahang-dahan na tumango si mama sakin.

"May..pinag-hinalalaan narin ako bilang spy sa business ko Jana..pero hindi pa yon sapat na dahilan para--"

"Alam ko ma..kaya ako na ang aalam dahil ayokong mahirapan kayo ng ganito..hindi kayo sanay sa ganito kahit kailangan namang maranasan to bilang isang negosyante."

"Hmm...thanks Janina.."

Niyakap ko si mama ng mahigpit alam kong nalulungkot siya dahil walang-wala na talaga ang negosyo niya tanging kay papa nalang ang natitira na hindi naman gaano kalakas dahil kay Shun.

Nung gabing yon ay panay isip ko sa anong dapat kong gawin halos sumakit na utak ko sakakaisip masyadong mahirap sakin para alamin ang kalaban namin pero nangako ako sa sarili ko na tutulongan ko si mama ayokong makita siyang nalulungkot at umiiyak dahil sa nangyari.

Gusto kong magpahinga muna si mama para dito, ako na muna since sa darating na panahon ay ako naman ang magmamapana at magtratrabaho sa kung ano ang meron sila ngayon.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon