Kabanata 15
_____________ _____ _______
"Jana why are you here?"lihim akong napairap sa kanya.
"Club to Shun,..ibig sabihin pwede ako ditong tumambay."nawawalan ng ganang usal ko.
"Okay..wanna drink with me?"nakangising alok niya
Napatingin ako sa kanya, pagnasasaktan ako game na game talaga siya no! O nagkataon lang.
"Wala akong pera--"
"Lets go.."hinawakan niya bigla ang kamay ko saka umalis ng bar, naguluhan naman ako sa ginawa niya kaya nagrereklamo ako.
"Saan ba Shun? Akala ko ba iinom tayo?"inis na usal ko.
"Ayoko don..tinitigan ka ng mga lalaki..wala rin akong dalang pera."
"Huh?"
"Ayokong umutang sa sariling club ko kaya sa bahay ko nalang tayo mag-inuman."usal niya.
"H-huwag nalang..uuwi na ako..may dala akong kots--"natigilan ako sa sasabihin ko nang hindi ko maalala kung saan ko yon iniwan, dahil sa pagkakaalam ko ay palakad-lakad lang ako kanina na wala sa isip.
"Where?"
"Hmmm, naiwala ko..naiwan ko lang yon sa daan pero..nalimutan ko kung saan.."sabay kamot sa ulo ko ngumiti naman siya bigla sakin kaya nagulat ako.
"Anong meron?"taas kilay na usal ko.
"Wala..ang cute mo lang maging tanga."nakangising sagot niya saka nagpatuloy kami sa paglalakad habang hawak ang pulsuhan ko.
"Cute maging tanga?"ulit ko medyo na guilty ako sa nasabi niya.
Cute ba ako dahil naging tanga ako ng ilang taon kay Shan?. Cute lang? Hindi maganda?
"Sakay na.."usal niya na pinagbuksan ako ng pinto. Nagdududa ako sa pinagagawa niya pero siguro kailangan ko ngang maglasing ngayon at kailangan ng makakasama.
Kinakabahan ako ng magkatabi na kami sa front area hindi ako sanay dahil ngayon ko lang to naranasan ang makasama siya sa iisang kotse.
Nagulat ako ng bigla ilapit niya ang sarili sakin saka tumitig.
"Trust me okay? Wag kang kabahan.."malambing na usal niya saka inayos ang seatbelt ko. Napatitig ako sa mukha niya at napapikit still si Shan parin ang mukha nito!.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa niya akala ko kung ano na.
"Jana? You okay now?"mahinang tanong niya pero damang-dama ko ang pagiging maaalahanin niya.
"Hmm..diko alam.."
"Hmm..siguro iinom nalang natin yan."usal niya.
"Thanks."wala sa sariling usal ko.
"For?"
"Now?.."kahit na kinalaban mo kami Shun.
Tahimik lang kami sa byahe at wala namang nagtangkang magsalita pa samin.
Nang makapasok ako sa bahay niya ay ganon nalang ang pagkamangha ko dahil sa ganda ng bawat disenyo at bawat sulok ng bahay niya.
"Kailan kapa nakapagpagawa ng bahay?"tanong ko nalang habang nililibot pa ng mga mata ko ang bahay niya.
"19?"tipid na sagot niya "kita-kita lang to sa mga club ko."
"Talaga?..ang ganda non ha?"
"Mm..naisipan ko lang na lumipat ng bahay pag kinakailangan mapaalis sa bahay."natatawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Dati Kana Sakin (COMPLETED)
RomanceFor 8 years, hindi nabigo si Janina Suarez sa kasintahan niya. Kahit malayo man sila sa isa't isa ay patuloy parin sila at mas tumagal pa ang samahan nila. Kumpleto na ang buhay niya mayaman sila, kayang-kaya niyang gawin lahat. Maraming nagmamah...
