KABANATA 17

258 14 0
                                    

Kabanata 17

___________________

Nakangising tumayo si Shun at agad akong napaatras dahil sa hindi alam na kadahilanan, lumapit siya sakin saka nakatitig lang ng seryuso.

Damn it naalala ko bigla sa kanya si Shan pag sumeryuso siya ngayon.

"Anong gagawin mo?"kinakabahang usal ko nang makalapit na ito sakin.

Napalunok ako nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko na akmang hahalikan niya ako, napapikit ako bigla sa ginawa niya. Akala ko mahahalikan na niya ako pero naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko.

"Damn baby...I really miss you.."his voice was slow,deep and sexy.

"So playboy...Shun."maarteng usal ko pero kinunutan niya lang ako ng noo pero nasa tenga parin ang mukha niya.

"Baby?..."malambing na usal niya halatang inaasar ako.

"Ano b--"hindi ako natapos sa sasabihin ko dahil sa inabot niyang papel sa kamay ko.

Napatingin ako doon saka doon narin siya lumayo sakin na nakangisi at bumalik sa swivel chair niya.

"S-sobre? What do you think of me nanghihingi ng ayuda?"reklamo ko.

Bumuntong hininga siya saka ngumiti lang sakin.

"Pag binuksan mo yan...higit pa sa ayuda ang makikita mo."mayabang na sagot niya sakin.

Hindi ko pinansin ang sobre niya at nilagay ko nalang sa shoulder bag ko.

Nakaramdam ako ng pangangalay sa katatayo kaya tumingin-tingin ako sa sofa niya na kulay itim.

"Ahemm.?"tikhim ko sa kanya na ngayon ay may binabasa na papel.

"Aheeeemmm!"parinig ko sa kanya, napatingin naman siya sakin na may inosenteng dating

Napalunok ako sa hiya sa katatayo sa harapan niya pero siya ay nakasulyap lang.

"W-wala ka bang planong p-paupuin ako?"nauutal pero pilit ko siyang tinarayan.

"Oh?"inosenteng sabi niya saka napatingin sa may sofa."Wait me there..tatapusin ko lang to baby."malambing na boses niya saka nginusuan ang bandang side ng sofa.

Pinamulahan ako ng pisnge dahil sa hiya at dahang-dahang pumunta sa may sofa nang bigla akong matapilok at napaluhod ng mawalan ng balanse.

Mahina akong napamura sa isip ko.

Ang sakit!

Napaupo ako sa may sahig, nawala ang tindig ng pagiging maarte ko dahil sa sakit ng tuhod ko. Panay hagod ko sa tuhod nang marinig ko ang pagpilantik ni Shun sa dila niya saka ako binuhat ng pangkasal.

Dahan-dahan akong napasulyap sa kanya nakita ko ang mukha niya na sobrang kinis ang pilik mata na sobrang kapal at haba nito, napalunok ako saka nag-iwas tingin.

Pinaupo niya ako at inalalayan sa sofa, napasinghap ako sa hapdi ng tuhod ko masyadong malakas ang pagkakabagsak ng sarili ko sa sahig.

Damn that fucking floor.

"Next time magdahan-dahan ka..pasalamat ka at cute ka sa ginawa mong katangahan."seryuso pero nandoon ang malambing na boses niya.

"T-tangahan?"ulit ko, hindi ba pwedeng naaksidente lang?.

Sa halip na sumagot siya ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang tuhod na may masakit na parte.

Napatiklop ko bigla ang balakang ko dahil sa kakaibang purma namin ngayon.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon