Kabanata 32
________________
Kagaya ng sinabi ni Shun ay napag-usapan na namin na ipakilala niya ako kina tita Jean bilang girlfriend niya at sa susunod na buwan ko pa naisipan dahil sa trabaho ko kailangan ako ng opisina.
Naisipan namin ni Shun na kumain sa ibang resto mamaya, hinintay ko siya sa parking lot para sunduin niya ako.
Nang maabutan niya ako ay agad siyang bumaba para salubungin ako sa mga yakap niya saka hinalikan sa noo at inalalayan para sumakay.
Nang makarating kami sa restaurant ay maghawak-kamay lang kaming naglalakad at pumasok roon saka umupo sa isang table na naka reserved na.
"Shun? Anong gusto mong kainin?"tanong ko habang nakatingin sa menu.
"You."nabaling sa kanya ang atensyon ko at kinunutan siya ng noo.
"Anong You?"ulit ko at napalingon sa waiter akala ko nakikinig samin.
Sinulyapan niya naman ako habang hawak ang menu.
"Ikaw? Anong gusto mo?"ngising sabi niya, napangiwi ako sa kanya saka sinabi sa waiter ang napili kong order.
Nang makapili na kami ay doon na kami nag-usap.
"Baby?"malambing na boses niya na para bang may sasabihin sakin na mahalaga.
"Hmm ano yon?"
"Hmm..wag kang maiinis sa sasabihin ko.."
"Ha?"naguguluhan na usal ko.
"I mean..about 3 months ago..si Avi.."usal niya saka yumuko, napalunok ako ng maisip ko ang isa sa mga babae niya noon naalala ko na buntis pala yon at siya ang magiging ama sa bata.
"Hm?"arteng usal ko.
"Hindi ako ang ama."nakangiting usal niya saka hinawakan ang kamay ko."Trust me baby..I love you."napatingin ako sa kamay namin saka sa kanya.
Minsan kasi nagseselos ako sa mga babae niya noon.
"Its okay Shun alam ko na alam mo ang gagawin mo."usal ko saka pinaglaruan ang daliri niya.
"Baby.."tawag niya pa
"Yes?"
"I love you."usal niya sakin na parang may hinihintay na isasagot ko."Baby--"
"Khail Shun."
Napatingin kami pareho sa boses mula sa gilid namin, isang babae na nakatayo at kay Shun nakatingin.
Napakurap-kurap ako at napatingin kay Shun na ngayon ay gulat sa nakita niya.
Napamaang nalang ako siguro isa rin ito sa mga babae ni Shun, para akong nainis bigla kay Shun napaparami na ang babae niya na nakakasalamuha ko siguro ikapang-apat na ito sa magtatlong buwan namin na pagsasama parang naguguluhan na ako samin.
"Jessica.."tawag ni Shun, inis akong napatingin sa kanya pero sa babae lang siya nakatitig.
"Oh? Iba na naman ang kasama mo? Bago na naman?"maarteng usal nito pero nakatitig lang ako kay Shun at inaalam ang magiging reaksyon niya.
"Nope, siya ang girlfriend k--"
"Oh really? Nung isang buwan palang tayo and pinalitan mo na ako?"taas kilayng sabi nito kaya napatitig ako sa babae.
"What?"asik ko, isang buwan?.
"S-shun.."nauutal na usal ko dahil sa inis ay gusto ko agad malinaw sakin ang lahat.Tinignan naman ako ni Shun ng nagtataka na mas ikinainis ko halatang nagpapangap.
BINABASA MO ANG
Dati Kana Sakin (COMPLETED)
RomanceFor 8 years, hindi nabigo si Janina Suarez sa kasintahan niya. Kahit malayo man sila sa isa't isa ay patuloy parin sila at mas tumagal pa ang samahan nila. Kumpleto na ang buhay niya mayaman sila, kayang-kaya niyang gawin lahat. Maraming nagmamah...