KABANATA 33

246 21 0
                                    

Kabanata 33

__________________

Ng matapos na kaming kumain ay nagpaalam ako kay Shun na magCR muna syempre sinamahan niya ako, ayaw niya na gumamit ako sa ibabang CR nila mas gusto niya daw sa CR sa kwarto niya.

Ng makalabas na ako ay nakita ko siyang naghihintay sa kama na nakaupo lang saka napasulyap sakin.

Nilapitan ko siya saka tinignan siyang nakaupo lang sa may paanan ng kama.

Niyakap niya ang bewang ko at niyakap ko nalang din siya sa may ulo niya.

"Baby.."

"Hmm?"

"Am I bad?"mahinang usal niya na paniguradong ang ibig niyang sabihin ay ang usapan namin ni tito kanina.

Kailangan ko pang malaman Shun kung anong kailangan mo sakin, samin ng pamilya ko..

May tinatago ka pa sakin.

"Shun..tama naman ang sinabi mo kanina..nakadepende lang sa kapalaran natin ang pagkatalo nati--"

"Baby..hindi ko sinasadyang masabi yon, Im sorry baby.."paglalambing niya na mas idiniin niya pa ang pagkakayakap sakin.

Kumalas naman siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako.

"Baby..I love you.."pait na ngiti niya napalunok ako sa sinabi niya. "Mahal moko right?" dagdag pa niya.

May isa lang talaga na hindi ko pa alam sa kanya kung mahal ko na ba siya, napapaisip rin kasi ako kung totoo naba siya para sakin may kailangan rin akong gawin at yon ang kilalanin pa siya ng lubos. Paano ko siya mamahalin ng lubos kung may tinatago siya sa akin? And now nalilito na ako.

"Shu--"

"I love you.."

"Shun--"

"Baby I love you-"

"Khail Shun.."tawag ko sa boung pangalan niya, napatayo naman siya ng may pagkairita sa mukha niya

Napahagod siya sa may noo niya saka tinignan ako.

"Janina..matagal narin tayong nagsama..pero hindi ko pa--"napahinto siya sa sasabihin saka bumuntong hininga sakin at lumapit sakin at niyakap.

"Baby..Mahal mo naman ako diba?..natatakot lang ako ulit dahil..nandito si Shan..baka maaalis na naman ako sa isipan mo dahil sa kanya..natatakot lang ako na baka..mawala ka sakin."sabi niya.

Really? Yon ang pinoprobleam niya kung bakit ako naiilang sa kanya ngayon.

"Shun hindi ko yon magagawa sayo..ikaw na ang boyfriend ko at matagal na kaming wala.."sagot ko habang niyakap siya "Dont be jealous  Khail Shun..dahil..s-sayo lang naman ako.."napakagat ako sa labi dahil sa sinabi ko.

Namumula ako sa hiya sa kanya pero hindi ko siya ikinakahiya.

"Really?"paninigurado pa niya.

"Hmm."

Hinarap niya naman ako at hinahaplos ang mga braso ko.

"Then..huwag mong titignan si Shan..sakin lang..akin kalang dapat."tiim bagang na usal niya.

Napakurap-kurap ako sa mata ko sa pagiging higpit niya parang gusto ko ang pagiging ganon niya.

Napangiti naman ako sa kanya dahil sa pagtaas ng kilay niya na halatang naguguluhan sakin.

Siguro tanga nga ako dahil may pinapakita si Shun mula noon na ngayon ko lang napapansin.

Ng makalabas na kami sa kwarto niya ay siya na ang naunang bumaba sa hagdanan, napapatingin ako sa buhok niya ayos na ayos bagay na bagay sa gabing ito.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon