KABANATA 49

253 16 0
                                        

Kabanata 49

__________________

Ilang araw lang ang nagdaan ay pinuntahan ako ni Grey sa bahay para magsimula na kami sa trabaho.

Well una pa sa trabaho ko ay mahirap na simulan pero agad naman akong natuto dahil sa tulong ni Grey, hindi ko talaga as in alam lahat ang tungkol sa paghahandle nito aaminin ko na hindi pa ako ready sa ganito pero bilang tagapagmana at nag-iisang anak ay dapat handa kana.

Mabait siya na lalaki na nakilala ko dito sa Brazil and I found out na sa lugar lang pala namin siya nakatira-I mean kilala niya na ako noon pa man at hindi ko iyon alam.

Nagkakasundo kami si lahat ng bagay tungkol sa pagmamanage ng business ni papa.

Busy ako sa pag-iisip ng mga ideya na maaring gamitin sa research namin ni Grey for upcoming new business, ilang linggo na naming pinag-iisipan ito dapat ay hindi kami pumalpak sa ganito. Ito ang unang binigay ni papa na project para sa akin at sumasakit ang ulo ko kung saan ito magsisimula at matapos.

"Coffee baby?"natigilan ako habang nakayuko lang ang ulo sa may mesa. That baby..

Inangat ko ang ulo ko at nakangiti itong nagbigay sakin ng kape, pero matagal ko pa yong tinangap dahil nakatulala pa ako sa kanya.

"A-anong sabi mo ulit?"mahinang ani ko.

"Coffee?"

"No, may iba pa."

Nagtaka naman siya sa akin bago naalala ang sinabi niya "Oh, baby."natatawang ulit niya.

Inirapan ko nalang siya at tinanggap ang binigay niya saka iyon ininom.

Madali lang tumakbo ang panahon, walang kapaguran naumiikot.

Lumipas na ang dalawang taon ko dito sa Brazil at magtatatlong taon na kami ditong nakatira.

Lahat nagbago na. Patay na si lolo hindi niya na talaga kinaya ang pagdudusa niya pero masaya siya habang ipinipikit niya ang mga mata niya dahil masaya siyang nakasama niya kami ng buo, yon naman talaga ang hiling niya.

Si lola naman ay patuloy parin sa pagtitinda ng mga gulay niya na nasa bakuran, kahit na pinipigilan na namin ito.

Si papa naman ay ayos na ang lahat sa kanya, in just two or three years ay napalago niya ang kaunting negosyo na naiwan ni lolo and now it's still booming.

Pero may hindi pa sila alam.

That is..ang agreement na binigay sakin ni Shun. Hindi pa nila ito alam hanggang ngayon. But I dont know kung sino ang incharge ngayon sa kompanya na yon. Hindi ko naman iyon aangkinin dahil kay Shun iyon. At may lumipad na naman sa utak ko na ideya, kaya ba busy siya palagi at laging lumuluwas ng ibang bansa ay dahil sa pagpapalago niya sa kompanyang ito? Na pinangalan niya lang sa akin.

Na miss ko na siya.

Kaya naman ngayon ay ako na ang namamahala sa maliliit na business nila at itong research namin ni Grey ay dapat naming mapasa para makita ni papa na magaling na ako at kaya ko ng mag-manage ng malalaki na business.

Matapos namin sa opisina ay inimbitahan ako ni Grey na kumain muna sa labas, siguro isang buwan narin simula ng makapunta ako sa mga restaurants. Iba na ngayon, tumatanda na at dumarami narin ang responsibilidad sa buhay kaya hindi ko na nagawang mag-shopping kahit mamili man lang ng regalo sa sarili ko dahil may mas importante pa akong bibilhin bukod doon.

"You know what lets try to eat Lobster Devilles Eggs and Indonisian Spicy Satay, masarap to"masiglang aniya at sinubo pa sa akin ang kutsara.

Napangiti nalang at napailing sa kanya bago ko kinain iyon. Masarap nga ang pagkain pero natigilan ako sa pagnguya ko.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon