Prologue

5.4K 168 14
                                    

"ARE YOU really serious about this?"

Tinanguan ni Vann Allen si Enteng na siyang nagtanong sa kanya. Inaaliw nito ang dalawang taong gulang na anak na lalaki sa iPad nito.

"I'm so bored. I need something to do. Hindi ko pala kayang maging full-time house husband,"  wika niya.

"Hindi magiging madali ang paghahanap," ani Robert na hindi nakatingin sa kanya. Nakabantay ito sa tatlong taong gulang na anak nito na kanina pa nagtatatakbo sa malawak na hardin.

"Marami na ngayon ang mga naglipanang reality singing contest," ani Nick na prenteng nakaupo sa isang tabi habang pinapanood ang tatlong taong gulang na anak na naglalaro ng Barbie doll.

"Marami ang magagaling pero sa bandang huli, puro cover songs at revivals ang naiko-contribute sa music industry natin. Nananamlay ang OPM sa mga panahon ngayon, Vann," ani Maken na hindi rin inaalisan ng tingin ang anak na humahabol sa anak ni Rob.

Nagkibit-balikat siya. "Kaya nga pasisiglahin. Wala namang masama kung susubukan natin, hindi ba?"

Inimbitahan niya ang Lollipop Boys sa bahay niya nang araw na iyon upang sabihin sa mga ito ang isang napakagandang ideya na naisip niya. Ang totoo ay hindi niya akalaing maiisip niya ang bagay na iyon. Nang umuwi silang mag-anak sa Pilipinas, ang tanging nais niya ay magkaroon ng tahimik na buhay ang pamilya niya. Hindi pa naman siya tuluyang nagreretiro. Nais lang niyang magkaroon ng normal na buhay ang mga anak niya, pansamantala. Nagsawa na siya na palaging may nakamatyag sa bawat kilos ng mga anak niya, na palaging may nakatutok na camera sa kanila. Sanay na siya sa ganoon dahil wala naman siyang ibang naging trabaho sa simula pa lang.

Ngunit ibang usapan ang mga anak niya. Alam din ng mga anak niya na ang international music industry ang bumuhay sa kanila, ang dahilan kung bakit may masagana silang buhay na tinatamasa. Naiintindihan ng mga ito ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi naghahangad ang mga ito ng normal na buhay.

Seven years ago, Vann Allen thought he was leaving the music industry for good. He was prepared to step off the stage, to step out of the limelight. Handa siyang isakripisyo ang lahat para kina Iarah at Lorenzo noong mga panahong iyon. Ang katwiran niya, matagal na siyang nakapagpasaya ng mga tao. Panahon naman na siguro na isipin niya ang kanyang sarili. Kung ang pagiging Vann Allen niya ang hadlang kung bakit hindi sila magkasama ng pinakamamahal niyang babae, handa siyang talikuran iyon.

But fans supported him even more when he got married. Mas minahal ng mga tao ang Vann Allen na isang asawa at ama. Mas kuminang ang bituin niya at masaya siyang nakasuporta palagi ang pamilya niya. Maligaya siya sa pagpapasaya ng mga tao. Kahit na kinakabahan pa rin siya tuwing tumutuntong siya sa stage, maligaya siyang nagtatanghal sa harap ng libo-libong tagahanga na hindi nagsasawa sa pagsuporta sa kanya at sa kanyang musika.

Nagulat ang lahat nang ianunsiyo niya na titigil muna siya sa pagtanggap ng mga trabaho. Hindi na niya itinuloy ang paggawa ng panibagong album. Ipinaliwanag naman niya na babalik siya kung may babalikan pa siya. Hindi niya tuluyang iiwan ang industriya. Kung hindi man siya nasa stage, siguradong nasa likod siya niyon.

Hindi biglaan ang lahat. Matagal nilang pinag-isipan at pinag-usapan ni Iarah ang desisyong nabuo nila, ang bawat maliit na detalye ng sitwasyon. Hindi nila basta na lang tinalikuran ang lahat sa Amerika at umuwi sa Pilipinas.

Napagdesisyunan nila pagkatapos ng mahaba at matagal na pag-uusap na mas makabubuti para sa mga anak nila kung sa Pilipinas muna sila manirahan.

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon