10

1.5K 131 11
                                    

GILALAS na napamata si Tutti nang ipakita sa kanila sa wakas ang produktong ieendorso ng grupo nila at gagawan ng TV commercial. Nang tingnan niya ang mga kasama niya ay ganoon din ang reaksiyon ng mga ito. Their jaws dropped. Ilang ulit niyang ipinikit at idinilat ang kanyang mga mata habang hinihiling na sana ay magbago ang nakikita niya.

Nasa bahay sila nang araw na iyon. Nagtungo roon ang Lollipop Boys upang sabihin sa kanila ang commercial na gagawin nila. Technically, sila ang bagong Lollipop Boys at eentra sila sa industriya kagaya ng kung paano umentra ang mga ito noong nineties. Sa isang commercial sila unang makikita at base rin sa commercial na iyon kukunin ang ipapangalan sa kanila. Inasahan nila na magiging espesyal para sa kanila ang commercial, ngunit hindi nila inasahan ang ganoon.

"You've got to be shitting me," kaagad na bulalas ni Blu nang makahuma mula sa pagkagulat. "No! Absolutely not!" matigas na tanggi nito.

"My God," ang tanging naiusal niya. Bata pa lang siya ay gumagawa na siya ng mga TV commercial at nabiro na siya minsan na naiendorso na niya ang halos lahat ng produkto, ngunit hindi niya akalain na darating ang araw na gagawa siya commercial para sa isang sanitary napkin.

Sanitary napkin!

"That's a sanitary napkin, right?" tanong ni Kent Lauro kahit na obvious na obvious naman na sanitary napkin nga ang hawak ni Vann Allen. Nakangisi ang leader ng Lollipop Boys at tila enjoy na enjoy ito sa mga reaksiyon nila.

Tumango si Vann Allen. "Yup. I think it's so perfect. Absolutely perfect." He traced the name of the product with his index finger. "Charm," pagbasa nito. "I'm so proud of myself."

"Bakit n'yo po ito ginagawa sa 'min?" tanong ni Estong sa tinig na punong-puno ng sama ng loob. "Hindi pa ba sapat ang lahat ng pagpapahirap n'yo sa 'min? Bakit kayo ganyan?"

Hindi biro ang training nila. Napakaistrikto ng mga ito. They aimed for perfection. Naroong pinasayaw sila nang dalawang oras nang walang tigil. Para daw iyon hindi lang isipan nila ang nakakamemorya ng steps, pati na ang muscles nila. They had to learn how to move as one. Pinakanta sila sa umaandar na treadmill. They had to be in perfect harmony. Madalas na pagod na pagod na sila pagkatapos ng araw.

Natawa lang ang ibang miyembro ng Lollipop Boys. Halatang enjoy na enjoy rin ang mga ito sa lahat ng mga nangyayari. "Nagugutom ako, baka may pagkain kayo riyan, boys," ani Enteng.

Todo ang naging pag-iling ni Zane. "Walang pancit! Hindi ko kayo ipinagluto ng pancit!" Sinarhan pa nito ang daan patungo sa kusina kung saan nakahain na ang pancit na niluto nila para sa mga ito.

Naghagalpakan ng tawa ang mga ito. Amoy na amoy sa buong bahay ang bagong lutong pancit at puto.

"Settle down, boys," ani Nick nang masupil nito ang tawa. "Kalma lang muna. Maupo kayo at magpapaliwanag kami."

"You can't make me," matigas na sabi ni Blu. "Kahit na anong paliwanag ang gawin n'yo, hindi ako lalabas sa isang commercial ng sanitary napkin!"

"Ang OA naman ng reaksiyon na 'yan," ani Maken. "Hindi n'yo naman isusuot. Hahawakan n'yo lang."

"Bakit hindi na lang kasi condom? Kahit na isuot ko, okay lang," balik ni Blu. "Sanitary napkin." Lukot na lukot ang mukha nito.

"Di 'Condom Boys' ang itatawag sa inyo?" ani Rob na nakangisi. "Ang sagwa."

Umayos ng upo si Tutti at hinintay ang paliwanag ng mga kuya nila. Bahagyang luminaw na ang pag-iisip niya. Kung tutuusin, hindi naman masama ang ideya. Unconventional ngunit hindi rare. Naisip din niya na may magandang dahilan ang Lollipop Boys sa ginagawa ng mga ito. He would hear them out and maintain an open mind as much as possible.

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon