4

1.4K 144 8
                                    


WALANG ganang isinuot ni Mariquit ang kanyang pulang sapatos na hindi kumportableng isuot ngunit magandang tingnan sa kanyang mga paa. Her mother had spent a small fortune on that particular pair of shoes.

Siya na lang ang babaeng hindi pa tinatawag sa loob.

Ang totoo ay wala siyang gana na magtungo roon. Halos hindi siya nakatulog sa magdamag dahil sa kakaisip kay Warren. Umagang-umaga ay galit na galit na ang kanyang ina dahil mugto at nangingitim ang palibot ng kanyang mga mata. Tinapalan nito ng sandamakmak na pipino ang kanyang mga mata upang kahit na paano ay maibsan ang pamamaga ng mga iyon. Nagtagal din sila sa paglalagay ng make-up upang hindi mahalata ang distress niya.

Nagsabi siyang ayaw na niyang pumunta. Nais sana niyang magmukmok na lang sa bahay, ngunit ayaw siyang payagan ng kanyang ina. Hindi raw maaaring magpaapekto siya nang husto kay Warren.

"He's not worth it, anak. Kung sasaktan ka lang niya nang ganyan, he'll never be worth it. Get over him and move on. Someday you'll find someone like your Tito Celio."

Hindi siya umimik sa mga sinabi nito habang pinipilit siya nitong mag-ayos sa bahay. Napakadaling sabihin ng mga katagang iyon ngunit napakahirap gawin. Masyadong malalim ang pag-ibig na nararamdaman niya. Hindi iyon basta-basta na lang mawawala.

And Warren had been worth everything. Nagkataon na nalason lang ni Ella ang isip nito.

Wala sa tabi niya ang kanyang ina dahil nagpabili siya ng maiinom sa convenience store. Ayaw sana siya nitong iwan ngunit nagpumilit siya. Bukod sa nais niyang mapag-isa sandali, naiilang na siya sa mga tinging ibinibigay sa kanya ng mga kasama niya. Siya lang sa mga ito ang may kasamang ina.

"Excuse me."

Nag-angat siya ng tingin nang may isang babaeng lumapit at tumawag sa kanya. Iisang sapatos pa lang ang naisusuot niya. May suot itong ID na nagsasabi na isa ito sa mga staff ng sikat na fashion brand. May dala-dala itong mga damit na naka-hanger.

"Yes po?" magalang na tugon niya.

"Ikaw na ang susunod sa loob, hindi ba?" Ibinigay nito sa kanya ang mga hawak nito nang tumango siya. "Miss Trutty wants you to put these on." Sinulyapan nito ang sapatos niya. "They're pretty."

Nagtatakang nagpasalamat siya rito. Sandali niyang pinagmasdan ang mga damit na ibinigay sa kanya. Isang sequined sleeveless blouse na hindi yata aabot sa pusod niya at isang pares ng hapit na pantalon ang kailangan niyang suotin bago siya pumasok sa loob. Bakit hindi binigyan ng damit ang mga nauna sa kanya?

Nagkibit-balikat na tumayo siya. Hindi siya madalas sa mga go-see ngunit napapanood niya sa TV na pinapasuot sa mga modelo ang mga damit at palalakarin bago husgahan kung madadala ng modelo ang mga damit.

Hinubad muna niya ang sapatos niya at isinuot ang baon niyang tsinelas bago siya nagtungo sa banyo. Mabilis niyang isinuot ang mga damit na ibinigay sa kanya. Hindi na niya tiningnan ang kanyang hitsura sa salamin. Hindi na niya inayos ang buhok niya. Wala siyang pakialam kahit na nangingintab ang ilong niya. Walang nabubuhay na pag-asa sa dibdib niya sa kasalukuyan.

Pagkasuot niya ng kanyang sapatos ay tinawag na siya sa loob. Huminga siya nang malalim. Wala siyang nararamdamang kaba. Lalakad siya nang kaunti at sasagot sa mga tanong ng mga tao sa loob, at tapos na siya. Uuwi siya sa bahay upang magmukmok.

Pagpasok niya sa loob ay bumulaga sa kanya ang apat na taong nasa likod ng isang mahabang mesa. Ang isa ay kilalang photographer ng mga fashion magazine. Ang isang ginang ay nahuhulaan niya na isa sa mga executive. Ang dalawang natitira sa mesa ay sina Tutti at Trutty mismo. Sa palagay niya ay isa o dalawang taon lang ang tanda ng mga ito sa kanya ngunit milya-milya na ang agwat nila sa isa't isa.

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon