2

1.9K 122 6
                                    

NAKANGITING niyakap ni Tutti ang kanyang kakambal na babae na si Trutty. Ito ang sumundo sa kanya sa airport. He was so glad to be home. Mahigit dalawang taon din siyang hindi nakauwi sa Pilipinas dahil sa pag-aaral niya sa ibang bansa.

Hinigpitan pang lalo ni Trutty ang pagkakayakap sa kanya. "I'm so glad you're home," halos patiling sabi nito na tila ibinulalas lang ang nasa isip niya. "I've missed you!"

He fondly ruffled her long brown hair. He had missed her, too. Bilang magkakambal, mas malapit silang dalawa kaysa sa karaniwang magkapatid. Kahit na magkaiba sila ng kasarian, ito lang ang tanging nakakaintindi nang lubos sa kanya at ganoon din siya rito. Dito niya nasasabi ang lahat ng bagay na nakakahiyaan niyang sabihin sa mga kaibigan niya, mapababae man o lalaki.

"Ditto."

"You're staying for good, right?" tanong nito nang makasakay na sila sa dala nitong sasakyan. Hinayaan niya na ito ang magmaneho.

Nagkibit-balikat siya. "It depends." Hindi naman sa ayaw niyang manatili. Gustong-gusto niyang malapit lang siya sa pamilya niya. Ngunit may mga bagay siyang kailangang ikonsidera. Kailangan din niyang isipin ang kinabukasan niya, ang magiging karera niya.

Some would say he was too young to think of the future, of stability. He should have fun and fool around a little. Katatapos lang niya ng pag-aaral at hindi masama kung magpapasarap muna siya sa buhay. He could afford to travel around the world. Kahit pa hindi siya umasa sa mga magulang niya ay malaki ang ipon niya, nilang magkapatid. Kahit nga hindi sila magtrabaho ay mabubuhay sila nang masagana. At twenty-three, he shouldn't think too much about life ahead. He would be okay.

Ngunit hindi sila pinalaki nang ganoon ng mga magulang nila ni Trutty. Pinalaki silang responsable. They knew how to have fun but they were also aware that life was not just about having fun. Tinuruan sila ng kanilang ama kung paano pahalagahan ang bawat sentimo. Ipinamulat nito sa kanila mula pa noong mga bata sila na nauubos ang pera sa bangko gaano man karami iyon. Namulat at nabuhay sila ni Trutty sa masaganang buhay ngunit hindi sila in-spoil ng mga magulang nila. Hindi nila kaagad nakukuha ang mga gusto nila kontra sa paniniwala ng marami.

Minsan ay dinala sila ng kanyang ama sa slum area upang ipakita kung gaano kahirap ang buhay ng ibang tao, upang ipakita sa kanila kung gaano sila kasuwerte. Dinala rin sila nito sa loob ng correctional upang ipaintindi sa kanila na may kinapupuntahan ang paggawa ng mali. They were ten years old at that time and their mother had been so furious with their father. Natakot ito na baka ma-trauma silang magkapatid. Ang totoo ay natakot silang magkapatid, at halos hindi natigil si Trutty sa pag-iyak noon. Pero namulat ang kanilang mga mata. Masyado silang masuwerte sa naging buhay nila at hindi nila dapat na sinasayang iyon. They learned how to not take things for granted.

Anak sila ng isang mag-asawang beteranong aktor at aktres na sina Toffee at Pilar Madrigal. Mahigit tatlong dekada na sa showbiz industry ang mga magulang nila ngunit hanggang ngayon ay hinahangaan pa rin ang mga ito nang marami. Aktibo pa ang kanilang ina sa trabaho at madalas pa ring umaani ng parangal sa bawat pelikula at palabas sa telebisyon na kinatatampukan nito. Ang kanilang ama ay mas aktibo sa pagiging direktor ngayon. Their parents were one of the rare "power couples" in the industry. Marami ang humahanga sa pagsasama ng mga ito dahil hindi natibag ng show business ang marriage ng mga ito kahit pa hindi na mabilang ang mga mapanirang isyu na ibinato sa mga ito. Their parents' marriage had stayed strong all these years. They had endured all the storms. They were still very much in love with each other.

Sigurado silang magkapatid na wala silang mga kapatid sa labas. Tiwala sila na hindi nagkaroon ng affair ang kanilang mga magulang sa iba kahit na ilang beses na may lumantad upang sirain ang pagsasama ng mga ito.

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon