17

1.9K 147 17
                                    

PINAG-ARALANG maigi ni Trutty ang babaeng nasa harap niya. Ito pala si Ella, ang stepsister ni Mariquit. Napakaganda nito, napakaamo ng mukha at tila hindi kayang gumawa ng anumang masama. Ngunit hindi siya makaramdam ng amor dito. Ayaw niyang manghusga ng taong hindi niya kilala at noon lamang niya nakaharap, ngunit para siyang nakakatanggap ng hindi magandang vibes mula rito. Marahil ay medyo biased na rin siya dahil kaibigan niya si Ricky at loyal siya sa mga nagiging kaibigan niya, kahit pa kasalukuyan siyang naiinis sa kaibigan niyang iyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang subukin ni Mariquit ang kakambal niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin tumitimo rito kung gaano ito kagusto ng kapatid niya. Nakakapagtampo na iniisip nitong mahina si Tutti at basta na lang iibig sa iba.

Mariquit needed to have some faith in her brother.

Sa ngayon ay aayon siya sa gusto nito. She would even help but she would also have a word with her. If her brother couldn't make her understand, she would.

Tahimik lang siya habang nagpapaliwanag si Joey sa babae. Usapan na nila na ipapakilala siya nito bilang alalay nito. Kaagad na nagliwanag ang buong mukha ni Ella nang marinig nito ang kasinungalingang binuo ni Mariquit. Kaagad itong pumayag. Ni hindi man lang ito nagduda sa kanila.

Inilabas niya ang pink ball gown na kasama sa mga choices ni Mariquit. Nakaawang ang bibig na pinagmasdan ni Ella ang gown.

"Ang ganda-ganda! Mahal siguro ito, ano? Magkano? Ilang libo? Mas mahal ba ito kaysa sa damit na isusuot ni Ricky? Dapat mas mahal 'to."

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

"'Lika na, ganda, ayusan ka na namin para hindi ka ma-late sa ball," sabi na lang ni Joey.

"Maliligo muna ako. Okay lang naman na ma-late siguro. Mas maganda kung medyo late para mas maganda ang entrance. Naroon na sila lahat at pagpasok ko, hahangaan nila ako dahil ako ang pinakamaganda sa lahat."

Lalong hindi niya alam ang sasabihin.

Pinaghintay sila nito nang halos isang oras bago ito lumabas ng banyo. Pilit niyang nirendahan ang inis niya. Inayusan na ito ni Joey. She kept on talking and whining about everything.

"Sana binigyan na rin ako ni Tutti ng libreng spa. Mas maigi sana kung nakapagpa-facial ako, ano? Sa body scrub. Medyo gumaspang na ang mga kamay ko sa kalalaba at kalilinis." Eksaheradong bumuntong-hininga ito. "Alila ako rito, eh. Kung hindi kayo dumating, walang tsansang makapunta ako sa ball. Hobby ng mag-ina na apihin ako."

"Bakit hindi ka na lang umalis dito kung inaalipin ka nila?" hindi niya napigilang itanong.

"Bahay ito ng papa ko. Sila ang sampid dito."

"Dito ka lang sa house? Wala ka bang ibang trabaho?"

Umiling ito. "Hindi na kailangan."

"So, nakaasa ka kay Ricky? Tatlo lang naman kayo, so, hindi siguro masyadong marami ang labahin mo. Dry-clean only pa minsan ang mga damit na ginagamit niya kaya bawas din iyon sa mga labahin mo, 'di ba? Saka, hindi naman ganoon kalaki itong bahay. Hindi ka siguro araw-araw na naglilinis. Palagi pang nasa labas sina Ricky kaya walang nagkakalat. Sa buong araw na narito ka, maraming oras naman siguro na puwede kang magpahinga."

Tumalim ang mga mata nito. "Sino ang nagsabi sa 'yong magsalita ka? Alalay ka lang, manahimik ka riyan. Pagsabihan mo 'yang alalay mo, bakla. Masyadong matabil. Akala mo kagandahan."

Trutty gritted her teeth. Mas maganda ako sa 'yo. Pinagtiisan na lang muna niya ito. Tinulungan niya ito sa damit nito. Hinigpitan niyang maigi ang corset para hindi ito gaanong makahinga. Nang ilabas niya ang sapatos na gagamitin nito ay kaagad na nalukot ang mukha nito.

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon