7

1.5K 138 5
                                    

"COOL," ang tanging nasabi ni Tutti habang inililibot ang paningin sa paligid ng bago nilang tirahan. Isa iyong two-storey house. Nasa unang palapag ang main living room area, kitchen and dining room, at dalawang silid. Sa ikalawang palapag ay isang maliit na living room at tatlong silid.

The house was simple and beautiful. Purong puti ang kulay ng pintura. Hindi gumamit ng tiles sa sahig. The floor was a glossy gray concrete. Pagtingala niya sa kisame ay visible ang ilang pipes na pininturahan ng puti. Puti rin ang malalaking lamp. Ang pinakanagustuhan niya ay ang ilang bare bulbs.

A tufted black, leather Chesterfield sofa made a masculine statement in the living area. Nakasabit sa dingding sa likod ng sofa ang ilang black and white framed photographs na randomly arranged. Puting lace ang ginamit na kurtina dahilan upang pumasok ang natural na liwanag sa loob ng bahay. The kitchen was sleek and elegant with all-white or stainless steel surfaces. Puti at transparent ang dinnerwares at storage containers. Simple lang ang dining table nila na may anim na upuan na lahat ay puti.

Mula sa araw na iyon ay doon na siya titira kasama ang apat niyang kasamahan sa grupo.

Hindi pa natatagalan mula nang mabuo ng Lollipop Boys ang grupo nilang wala pang pangalan sa ngayon. Nagdesisyon ang mga ito na patirahin sila sa iisang bubong upang mas makilala nila ang isa't isa. Ganoon din daw ang ginawa ng mga ito noong nagsisimula ang mga ito.

Nang makilala niya ang mga makakasama niya sa grupo ay kaagad niyang nakita ang malaking pagkakaiba nila sa isa't isa. Iba-iba sila ng mga pinanggaling, kuwento ng buhay, at personalidad. Ngunit sa palagay niya ay magkakasundo silang lahat. Hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong mag-usap at makilala nang lubos ang isa't isa dahil puspusan ang ensayo nila.

The Lollipop Boys were very serious with their new project—them. Nais ng mga itong maging perpekto sila bago ipakilala sa publiko.

"Dito talaga tayo titira?" tanong sa kanya ni Ernestino na bininyagan ng palayaw ni Vann Allen na "Estong." Ito ang pangalawang naisama sa grupo. Galing ito ng isang malayong probinsiya.

Si Estong ang may pinakamaamong mukha sa kanila. Mukha itong inosente ngunit kung titingnan itong maigi ay mapapansin na kakaiba ang mga mata nito. His eyes sparkled with intelligence—isang uri na hindi natututuhan sa loob ng eskuwelahan. May hinala siya na sa likod ng inosenteng mukha at mahiyaing ngiti nito ay isang lalaking nakaranas na ng mga bagay na hindi pa nararanasan ng karaniwang tao sa edad nito.

Tumango siya. "Not bad, right?"

"Anong 'not bad'? Ito na ang da best na tinirhan ko, 'tol," ani Estong.

Hindi ito katulad niya na pinagpala sa buhay. Nakamulatan nito ang hirap.

"Ang ganda ng kusina," ani Zane na kaagad na pinagbubuksan at inusisa ang mga cupboard.

Amused na napangiti siya. Si Zane ang pinakamatangkad at pinakamalaki sa kanilang lima. Anak ito ng isang military general at bunso sa pitong magkakapatid na lalaki na pulos nasa militar at PNP. Mula raw pagkabata ay sinanay na ito upang maging sundalo kaya ganoon na lang kalaki ang katawan nito. Sinubukan naman daw nito ang buhay sa PMA ngunit hindi raw talaga roon ang kapalaran nito.

Zane was tall and muscular but he was gifted with a baby face. Mas baby-faced pa ito kaysa sa kanya, lalo na kapag ngumingiti. He was like Hagrid of Harry Potter—monstrous in size but gentle and loving. Hindi ito mahirap pakisamahan dahil ito ang pinaka-friendly sa kanila. Mahilig din itong magluto kaya hindi niya kailangang masyadong mag-alala sa kakainin nila.

Mayamaya ay inilabas ni Zane ang camera nito mula sa bagpack. "Picture, picture, guys!" yaya nito sa kanila.

Pareho silang natawa ni Estong. Napakahilig din ni Zane na kunan ng larawan ang sarili nito. Aktibo ito sa mga social networking site at doon nito madalas i-post ang mga larawan nito.

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon