18

2.1K 146 7
                                    

From the Author: Hey, loves! Abalahin ko muna kayo saglit. Let me just promote my new eBook. It's called Always You. It's a second chance and secret baby romance. I hope you can check it out. Link would be posted on the comments' section and also in my profile. Thank you.

Now, back to our regular programming. xoxo

--

"HALIKA na, Ella," malumanay na sabi ng ina ni Mariquit. Base sa namumulang mata at ilong nito, nahihinuha niya na narinig nito ang lahat ng napag-usapan nila ni Ella. "Tayong dalawa naman ang mag-usap." Nagpumiglas si Ella at tila bibigay na ang mga luha. "Halika na, anak. Everything's gonna be all right."

Atubiling nagpaakay ito sa kanyang ina.

Pinanood ni Mariquit ang paglayo ng mga ito. Nanghihinang napaupo siya sa isang bench nang lumapit sa kanya si Tutti. Bitbit nito ang nahubad na sapatos ni Ella. Napangiti siya nang lumuhod ito at isinuot sa stepsister niya ang sapatos.

Nang tumuwid ito ng tayo ay kaagad itong tumingin sa kanya. Wala na sa paningin niya ang kanyang mama at si Ella, ngunit hindi pa rin tumitinag si Tutti sa kinatatayuan nito. Nakatingin lang ito sa kanya na tila pinag-aaralan ang kabuuan niya.

Namasa ang kanyang mga mata. Her throat constricted. Her chest grew tighter. "I love you so much." Hindi niya alam ang mangyayari sa buhay niya kapag wala ito. Dahil dito, natuto siyang magtiwala at magpatawad. Mas gumanda ang tingin niya sa buhay, sa mundo. Naniwala siya na maaaring magkaroon ng katuparan ang ilang pantasya na minsan ay sa fairy tale lamang mababasa.

Tutti made her happy and she wanted to make him happy, too. Gagawin niya ang lahat upang mangyari iyon. Mamahalin niya ito nang labis.

Dahan-dahang tumayo si Mariquit. Nanghihina ang mga binti niya ngunit pinilit niyang lumakad patungo rito.

"I love you," sabi uli niya nang makalapit na siya nang husto.

His face was devoid of emotion. Nais niyang pumalahaw ng iyak. "Say that again," hiling nito sa malamig na tinig.

"I love you, Tutti Charles." Uulit-ulitin niya iyon kahit na ilang beses nitong hilingin. Hindi siya magsasawa sa pagsasabi niyon.

"Are you sure?"

Naluluhang tumango siya.

Nagulat siya sa sumunod nitong ginawa. He swept her off her feet—literally. Halos wala sa loob na naiyakap niya ang kanyang mga braso sa leeg nito nang lumakad ito patungo sa bench na kinauupuan niya kanina. Namamanghang nakatingin siya sa iritadong mukha nito.

"Tutti?"

"Don't you ever forget that you love me. Me," naiinis na sabi nito. Marahan siya nitong ibinaba sa bench. "Don't ever do this again. Promise me."

"Pangako." Ipapangako niya ang kahit na ano huwag lang itong tuluyang mawala sa kanya.

Lumuhod ito sa damuhan at inalis ang kanyang mga sapatos bago siya nito tinabihan. "Nagtatampo ako sa 'yo. Masamang-masama ang loob ko."

Napatango siya. "Trutty told you."

"We're very loyal to each other. We rarely keep secrets from each other."

"Do... d-do you s-still l-love me?"

Tiningnan siya nito nang masama. "How can you ask me that?" Sinapo ng dalawang kamay nito ang mukha niya. "I love you, too. Alam na alam mo na dapat 'yan. Hindi mo kailangang pagdudahan. Sa palagay ko, minahal na kita noong unang beses pa lang kitang makita. Hindi iyon basta-basta na lang mawawala, maglalaho. Hindi ka basta-basta na lang mapapalitan ng kung sinong Cinderella."

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon