14

1.5K 141 10
                                    

KASABAY ng pag-ere ng teleserye ni Mariquit ang pag-ere ng commercial ni Tutti sa TV. Sinundo siya ni Trutty sa set at dinala sa condo unit nito na nagsisilbing workplace nito. Doon nila panonoorin ang commercial at premiere ng teleserye. Kaagad siyang pumayag dahil ayaw niyang manood sa bahay nila. Isinasama niya ang kanyang ina ngunit mas pinili nitong kumain sa labas kasama ang ilang kaibigan nitong press people.

Naghihintay na sa unit si Tutti at ang mga kaibigan nito. Nakangiting sinalubong siya nito. Halatang kinakabahan ang mga ito kahit na pilit na pinapakaswal ang mga kilos at galaw. Si Zane ang abala sa kusina. Dumaan sila kanina ni Trutty sa isang convenience store upang bumili ng chips at maiinom.

Umupo sila ni Tutti sa sofa habang tinutulungan ni Trutty ang mga lalaki sa paghahanda ng hapunan.

"How's your day?" masuyong tanong nito.

Ilang sandali niyang pinakatitigan ang mukha nito. Kahit na ilang beses na niyang nasilayan ang guwapo nitong mukha, kakaiba pa rin ang epekto niyon sa kanya. Nahihigit pa rin niya ang kanyang hininga at bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Nae-excite pa rin siyang makita ito. May mga pagkakataon pa na tila hindi niya mapaniwalaan na tumitingin ito sa kanya nang ganoon, o na bahagi ito ng buhay niya.

Pinisil nito ang ilong niya. "Ako na ang mahal mo?" biro nito.

Napangiti siya kahit na may kung anong pumitlag sa puso niya. "Okay lang ang araw ko kahit na medyo busy sa taping. Naka-quota ako ng sampal."

Napangiti ito. "Napagod ka sa pananampal at pananabunot?"

Umiling siya. "Hindi gaano. Nasanay na ako. Ikaw, kumusta ang araw mo?"

Bumuntong-hininga ito at napasandal sa sofa. Hinawakan nito ang kamay niya at pinaglaruan iyon. "Wala kaming ginawa. Wala kaming practice o lessons. Pinag-break kami ng mga kuya." He nuzzled her palm. "I'm nervous, Mariquit. I need a bear hug and a big kiss."

Bago pa man rumehistro sa kanya ang sinabi nito ay may bumato rito ng throw pillow.

"Style mo bulok," natatawang sabi ni Estong.

"'Tado. Tumulong ka nga roon sa kusina at bigyan mo kami ng privacy. Nagmo-moment ang tao, eh."

Hindi napigilan ni Mariquit ang matawa nang malakas. Mas umisod siya palapit kay Tutti nang lumayo sa kanila si Estong. Kahit na dinaan nito sa biro ang pagkakasabi, alam niyang totoong kinakabahan ito. Naiintindihan niya dahil kahit siya ay kinabahan noong unang ipinalabas ang commercial niya kahit na nasa background lang siya. Hindi naman nito unang commercial iyon ngunit una para sa grupo nito. Alam niya kung gaano iyon kaimportante para sa mga ito.

Hindi siya gaanong kinakabahan sa unang gabi ng teleserye niya dahil hindi pa naman siya lalabas. Sa ikalimang episode pa siya unang masisilayan ng mga viewer. Ngunit excited pa rin siya dahil iyon ang unang teleserye niya na malaki ang role niya.

Tutti spread out his arms for her. Tila malambing na nakikiusap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. She willingly crawled into his arms. They both sighed with pleasure. She fitted perfectly into his arms. She felt like she belonged in these arms forever. It felt so right.

Napapikit siya nang hagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. "You'll do great," aniya sa munting tinig. "Kahit na tumindig lang kayong lima, titilian at hahangaan kayo."

"Thanks for the encouragement. Ang hirap lang kasi talaga. Nakaka-pressure ang expectations, eh. Sikat na sikat ang Lollipop Boys noon. They set the bar really high."

Banayad niyang tinapik ang dibdib nito. "Relax, okay? Maniwala ka sa sarili mo at sa mga kasama mo."

Muli nitong hinagkan ang ulo niya. "You're my inspiration, Mariquit."

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon