5

1.7K 138 7
                                    

NASA opisina ng Sounds si Tutti at iniisip si Mariquit. Hindi ito mabura sa isip niya. Nasa dibdib pa rin niya ang kaba ngunit hindi na ganoon katindi. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay kaya niyang lagpasan ang kahit na ano. Pakiramdam niya ay inspired na inspired siya.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang epekto ni Mariquit sa kanya. Marami na siyang nakita at nakasalamuhang magagandang babae mula pagkabata at marami kung tutuusin ang mas maganda kaysa rito. Ngunit iba talaga ang hatak nito sa kanya. Iba ang pang-akit at panghalina nito.

Habang pinagmamasdan niya ito kanina ay bumalik sa kanya ang isang alaala mula sa kabataan niya. He was turning thirteen and beginning to be curious about the opposite sex. Nasa bahay sila noon ng kanyang ama at naglalaro ng computer games. Isinama ng kanyang ina si Trutty sa pamimili. Naalala niya na tinanong niya ang kanyang ama kung paano nito nalaman na ang kanyang ina na ang babaeng pakakasalan nito, ang babaeng makakasama nito habang-buhay. Aware na siya noon kung gaano kagulo ang mundong ginagalawan ng mga ito. His father smiled amusedly.

His father's eyes became dreamy. "Hindi ko gaanong maipaliwanag, anak. Kahit na ako ay hindi ko maintindihan. Basta noong unang beses ko siyang makita, iba. Iba ang pakiramdam, iba ang kabog ng dibdib, iba ang hatak... Basta iba. Hindi lang dahil maganda siya. Parang may tinig na nagsasabi sa akin na magiging parte siya ng buhay ko magpakailanman. Alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang huling beses na makikita ko siya. Alam ko na gagawa at gagawa ako ng paraan para muli kaming magkita. Na hindi ko siya basta-basta pakakawalan."

Nagsalubong ang mga kilay niya noon, walang naintindihan na kahit ano sa ipinaliwanag nito. Natawa ito nang malakas at ginulo ang kanyang buhok.

Ngayon ay bahagya na niyang naiintindihan ang sinabi ng kanyang ama. Hindi sa iniisip na niyang si Mariquit na ang babaeng pakakasalan niya o ang babaeng makakasama niya habang-buhay. Masyado pang maaga upang makasiguro sa mga nararamdaman niya para sa dalaga. Kakikilala pa lamang nila. Masyado pa siyang bata upang mag-isip ng mga ganoong bagay. Sa ngayon ay iisipin muna niya kung paano ito mas makikilala at kung paano mas mapapalapit dito.

Nang bumukas ang pinto ng opisina ay kaagad siyang tumayo at inihanda ang kanyang pinakamatamis na ngiti. Limang lalaki ang nakangiting pumasok sa loob. Kilala na niya ang bawat isa sa mga ito. Kahit na ang batang babae na nakasuot pa ng school uniform at karay-karay ng ama nito ay kilala niya.

Huminga siya nang malalim. This is it.

"Have a seat," ani Rob bago umupo sa isang swivel chair.

Si Paul Vincent ay nakangiting tinapik ang balikat niya bago umupo sa tabi niya. Sina Maken at Nick ay umupo sa mahabang sofa.

Pinaupo muna ni Vann Allen ang anak nito na si Iorah sa isang armchair bago tinabihan si Maken sa sofa. The little girl was looking at him curiously. Nginitian niya ito na kaagad naman nitong ginantihan. She looked so much like her father.

"We've seen some of your videos," panimula ni Rob. "Nakakuha rin kami ng ilang audition tapes mo sa ibang bansa. Mahusay ka. Hindi nagkamali si Enteng sa pagrerekomenda sa 'yo."

Alam niya na ilang malalapit na kaibigan lang ang nakakatawag kay Paul Vincent ng "Enteng." Aware siya na ibinigay nito sa mga kagrupo nito ang ilang kopya ng videos niya dahil ipinaalam muna nito iyon sa kanya.

"Can you sing something for us?" tanong ni Maken sa kanya.

"Of course." He was there to sing for them.

Humugot siya ng malalim na hininga at dahan-dahan iyong pinakawalan. Ang sabi ng ilan, may binabagayan ang tinig niya at hindi masyadong versatile. Hindi niya kayang abutin ang ilang matataas na nota. He could perfectly sing any Kris Allen or Jason Mraz songs. Masarap daw pakinggan ang tinig niya ngunit limitado ang kanyang kayang gawin at kantahin. Mahusay siya ngunit mas marami raw ang mas mahusay sa kanya. Ilang beses na niyang narinig ang mga ganoong komento mula sa auditions niya sa ibang bansa.

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon