6

1.5K 144 10
                                    

SA ISANG malapalasyong bahay na may napakalawak at napakagandang hardin ang location ng photo shoot. Nang dumating doon sina Mariquit, kaagad na tinanong ng kanyang ina sa isang staff kung naroon na si Tutti. Kunwari ay sinaway niya ito ngunit ang totoo ay nais din niyang malaman. Hindi niya gaanong maintindihan kung bakit bahagya siyang na-excite na makita uli ito.

Inasahan na niya na wala pa si Tutti at malamang na mamaya pa darating ngunit ang sabi ng isang staff ay kalahating oras na itong naroon. Maaga silang mag-ina nang labinlimang minuto sa call time nila. Nagustuhan niya na hindi gaanong nagpaimportante ang binata kahit na kung tutuusin ay importante naman talagang tao ito.

Nagtungo na silang mag-ina sa isang silid kung saan naghihintay ang mag-aayos sa kanya. Patapos na siyang lagyan ng makeup nang pumasok sa loob si Trutty at ibinigay ang susuotin niya. Glamorosa pa rin itong tingnan kahit na nakasuot lang ito ng kulay-abong T-shirt na sinadyang ginusot at denim shorts na may ilang tastas. Gomang tsinelas lang ang sapin nito sa mga paa. May mga babae talaga na maganda kahit na hindi mag-effort mag-ayos at kahit na basahan ang isuot. Pinagmasdan ni Trutty ang hitsura niya at tumango. Mukhang satisfied ito sa ginawa ng make-up artist.


"Kumportable ka ba sa buhok mo?" tanong nito pagkaupo sa tabi niya. Tiningnan nito ang repleksiyon niya sa salamin.

"Oo naman." Pinagmasdan din niya ang kanyang repleksiyon sa salamin. Her hair was in a high and tight ponytail. Medyo nabanat nang kaunti ang buhok niya at masakit sa anit ngunit kaya niyang tiisin. "Mas nagmukha akong mataray."

Tumango si Trutty. "Sophisticated, snobby, unreachable, strong, hot, sexy, and very beautiful."

Kumunot ang kanyang noo. "Sigurado ka na ito ang gusto mo?" Paano kung walang maka-relate sa kanya sa imahen niyang ganoon?

Nakangiting tumango ito. "Alam mo, ikaw, palagi mo akong kinukuwestiyon. Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

Medyo napahiya siya. Oo nga naman. Ano ang karapatan niyang tanungin ito gayong ito ang may-ari ng produktong iniendorso niya?

Sandali niyang pinagmasdan si Trutty. Sa palagay niya ay magkakasundo sila at kung mabibigyan ng pagkakataon ay magiging mabuting magkaibigan. Hindi ito mukhang snob o namimili ng kaibigan. Nakakalula ang mga achievement nito ngunit hindi ito masyadong nakaka-intimidate. Wala itong kaere-ere sa katawan.

"Sa tingin ko, ikaw ang walang gaanong tiwala sa sarili mo," anito habang hindi naaalis ang ngiti sa mga labi nito. "Believe in yourself. Paniwalaan mo na magagawa mo ang lahat, kahit na minsan ay imposible. You're done with the makeup," sabi nito habang tumatayo. "Magpalit ka na para makita at maayos ko."

Agad siyang tumalima. They were doing an ad for jeans first. Pagkatapos ay isusunod nila ang sapatos, accessories, at fragrance. Ang mga larawang makukunan ay gagamitin sa ilang magazines, sa blog ni Trutty, sa Web site ng brand, at sa billboard. Isang hapit na pantalon ang kinailangan niyang isuot at isang dilaw na manipis na silk long-sleeved blouse na bahagyang komplikado ang detalye ng mga butones.

Nakontento naman si Trutty nang matapos nitong ayusin ang damit niya. "You look great. Perfect fit."

Hindi na siya nakapagpasalamat dahil bumukas ang pinto at pumasok si Tutti. Kaagad itong napangiti nang makita siya. "Wow," sambit nito habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

Nailang siya sa uri ng tinging ibinigay nito. Noon lamang siya nakakita ng ganoon ka-intense na admiration. His eyes were burning with awe and wonder. Kahit na si Warren ay hindi niya nakitang tumingin sa kanya nang ganoon.

Pinagmasdan din ni Mariquit ang kabuuan nito. Nakasuot ito ng plaid shirt na hindi pantay ang pagkakabutones at simpleng maong na pantalon na ang laylayan ay nakapaloob sa high-cut leather shoes. His hair was neat and he was not wearing his nerdy glasses. He looked dashing. He could dazzle anyone with a mere smile. Tila may maligamgam na likido na pumuno sa dibdib niya.

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon