8

1.4K 138 12
                                    

MADALING-araw nang nakauwi mula sa taping si Mariquit kaya medyo hapon na siya nagising. Umalis uli ang kanyang ina upang ayusin ang ilang schedule niya. Mula nang ilagay ang billboard niya sa EDSA ay nagkaroon na siya ng ilang projects. Hanggang maaari ay ayaw magpalagpas ng project ang kanyang ina. Gusto rin niya iyon. Kapag may dumarating na trabaho ay kailangan nilang samantalahin iyon.

Pagbaba niya ay hindi niya nakita sa paligid si Ella. Maigi na hindi muna niya ito makita upang hindi pa masira ang araw niya. Naghanda siya ng pagkain at tahimik na kumain. Hinuhugasan na niya ang mga pinagkainan niya nang marinig niya ang pagbukas ng front door. Kaagad iyong nasundan ng paghagikgik ng kanyang stepsister.

"Warren, huwag, ano ba?"

Nanigas siya nang marinig ang malambing na pagsaway ni Ella. Patuloy ito sa paghagikgik na animo kinikiliti.

"Mahal kita, Ella."

Lalo siyang hindi nakagalaw nang marinig ang tinig ni Warren. Base sa ungol na naririnig niya, alam niyang magkahugpong na ang mga labi ng mga ito sa kasalukuyan. Napadiin ang pagkakahawak niya sa pinggan na hinuhugasan niya.

Habang naririnig niya ang mga ungol, iniisip niya kung paano makakatakas doon. Nais niyang lumabas ng bahay upang hindi na niya marinig ang mga ito. Nais niyang lumayo nang lumayo. Teka, bakit siya ang lalayo? Bakit siya magpapakaduwag?

Fury welled inside her. Halos wala na siyang makita sa sobrang galit. Ang kapal ng mukha ng mga ito na maglandian sa loob ng bahay. Hindi siya magpapatalo. Hindi siya tatakbo. Haharapin niya ang mga ito.

Marahas niyang binitiwan ang pinggan na hawak niya na gumawa ng ingay nang mabasag. Sigurado siyang narinig na ng mga ito ang ingay.

Lumabas siya ng kusina upang harapin ang mga ito. Naabutan niya ang mga ito na magkayakap sa gitna ng sala. Nanlaki ang kanyang mga mata at lalong nag-init ang kanyang ulo nang makita ang bestidang suot-suot ni Ella. Iyon ang bagong dress na ibinigay sa kanya ni Trutty!

Nang lingunin siya nito, nakakaloko siyang nginitian nito. Dahil nakatalikod ito kay Warren, hindi nito nakikita ang kamalditahan ng stepsister niya. Lalong kumulo ang dugo niya. Alam niya na sinadya nito ang lahat ng iyon. Sinadya nitong isuot ang damit niya na nandoon si Warren. Nais nitong mabaliw siya sa sobrang galit at selos.

Galit na nilapitan niya ito at akmang sasampalin ngunit naagapan ni Warren ang kamay niya. Nang muli siyang tumingin kay Ella, nagbago na anyo nito. Bakas ang takot sa namamasang mga mata nito. Bahagya pang nanginig ang ibabang labi nito na animo tunay na tunay.

"Ricky, ano ba! Wala namang ginagawang masama sa 'yo si Ella!" mataas ang tinig na sabi ni Warren.

Hindi niya ito tiningnan. "Bakit suot-suot mo 'yang damit ko?" Hindi pa niya naisusuot ang damit na iyon. Ni hindi pa naisusukat. Naghalo ang galit at frustration sa dibdib niya.

"H-hindi ko s-sinasadya," nahintakutang sabi ni Ella. Nagsimula nang tumulo ang mga luha nito na lalong nagpaalab ng damdamin niya. Ngalingaling kalmutin niya ang mukha nito. "A-akala ko kasi ayaw mo na sa damit na 'to kasi nakita ko sa basurahan mo kagabi. P-pinulot ko kasi sayang naman at iilan lang ang damit ko."

"Sinungaling! Napakasinungaling mo, Ella! Alam mong hindi ako nagtatapon ng mga damit. Regalo sa 'kin ang damit na 'yan at malinaw kong naaalala na inilagay ko 'yan sa closet ko! Sinadya mo 'to! Ibalik mo sa 'kin ang damit na 'yan!" Marahas niyang hinila ang damit.

She was blinded by anger. Halos hindi na siya aware sa ginagawa niya. Ayaw niyang sirain ang damit ngunit hindi niya maapula ang galit niya at kailangan ay may gawin siyang kahit na ano.

Marahas siyang itinulak palayo ni Warren upang matigil ang pananakit niya kay Ella. Medyo napalakas ang puwersa at nawalan din siya ng balanse kaya nalugmok siya sa sahig. Manghang napatingin siya kay Warren. Tila may patalim na itinarak sa dibdib niya. Bakit napakadali para dito na saktan siya?

The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon