Lucy Fern's POV
Nakasakay ako ngayon sa kotse namin habang papunta ng airport. Tahimik lang kami ng kapatid ko na ngayon ay kasulukuyang nagda-drive.
Hindi naman talaga kami tahimik, may ginawa lang talaga siyang nakasira sa maganada kong mood kaya ako tahimik ngayon.
"Why are you so quiet?" Biglang tanong niya dahilan para ma basag ang katahimikan. Hindi ko naman siya pinansin at nanatiling nakatingin lamang sa labas ng bintana ng kotse. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
Ayan na, magdadrama na naman 'yan in 3..2..1..
"Hindi mo ba ako mamimiss? Aalis na nga ako tapos hindi mo pa ako pinapansin.. " napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niya. Sabi na nga't magdadrama 'to.
Humarap naman ako sa kanya at pinag-taasan siya ng kilay at sinamaan ng tingin.
"Why would I? Sinong matutuwa sa ginawa mo? Ginising mo ako sa magandang tulog ko and it's freaking 4 am in the morning! Anong gusto mong reaction ang gagawin ko?!" Inis na sabi ko na hinarap pa talaga siya.
Pinigilan naman niyang ngumiti at umaktong sumimangot.
"But baby..male-late ako kapag hindi kita ginising ng maaga. You're a heavy sleeper pa naman.." napa-irap nalang ako sa naging sagot niya.
"For your information, 9 am pa ang flight mo! And hindi ako heavy sleeper kagaya mo!" Sigaw ko sa kanya. Hindi niya ba alam yung kasabihang 'Biruin mo na lang ang lasing, 'wag lang sa bagong gising' ? Urgh!
"Baby, baka kasi traffic, edi na-late ako sa flight ko? Urgent pa naman yung pupuntahan ko tapos malayo-layo yung airport.." ayan na at nagpaawa effect na siya na alam niya namang hindi tatalab sa akin.
"Bakit ba kasi ako pa dapat ang maghahatid sayo?! May driver naman tayo o kung ayaw mo edi isinama mo nalang sana si--"
"Hindi mo talaga ako mamimiss.." putol niya sa sinasabi ko, and for the second time ay napa-irap na naman ako.
"Kung hindi mo alam, three days ka lang namang mawawala. You're so dramatic like Meldy, psh.." sabi ko sabay harap sa labas at nandito na pala kami sa may parking lot ng airport.
I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanya.
Nawiwirduhan din ako minsan dito sa kapatid ko, wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
Bumaba na ako ng kotse at hinintay siyang kunin yung mga gamit niya sa compartment.
******
"See?! Delayed ng one hour ang flight mo! At kanina pa tayo dito!" Reklamo ko sa kuya ko.
Sabi na nga ba, sana hindi nalang kami nagmadali. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung pinaghihintay ako. Kung sana ay yung private jet nalang namin yung ginamit niya edi sana hindi na kami naghihintay dito.
"C'mon, relax okay? Ayaw mo ba talagang kasama ako? " Sabi niya dahilan para mas nag-init yung ulo ko. Akmang sisigawan ko na sana siya ng biglang may tumawag sa phone niya. Kaya nag excuse siya at medyo lumayo.
Napatingin ako sa kanya habang may tinatawagan siya. He's smiling like crazy, sino kaya ang kausap niya? I just rolled my eyes at tumingin sa mga taong naglalakad.
"Hey.." lumapit na si kuya kaya humarap ulit ako sa kanya. Kung good mood siya kanina ay mas lalo na siyang good mood ngayon.
"Who was that?" Tanong ko nang makaupo na siya sa tabi ko. Bahagyang kumunot yung noo niya pero nakangiti pa rin.
BINABASA MO ANG
Beneath the Hate
Teen FictionIs it true that there's love beneath hate? What if beneath hate is just more hatred? How can they love each other when they despise each other's existence? Can you love someone you hate? Can you hate someone you love?