Chapter 14

56 32 0
                                    

Zamuel Chord's POV

Bwisit na Lucifer  'yun.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumabas ng bahay matapos niya akong bwisitin. Mukhang wala akong choice kung hindi ang pumasok nalang ng school.

Nasa labas na ako ng subdivision at hinihintay si Bruce. Tinext niya ako kagabi na sasabay nalang daw ako sa kanya. Wala naman akong masasakyan since 'nandun sa totoo kong bahay ang kotse at motor-bike ko. Ayaw ko namang mag-taxi kasi masyadong mahal ang pamasahe.

Hindi naman nag-tagal  ay narinig ko na ang busena ng kotse ni Bruce.

"Oh? Ang aga-aga nakasimangot ka na naman" Bungad niya sa akin. Pumasok na ako sa kotse at naupo sa front seat. "Nasaan si Lucy?" Tanong niya at tiningnan ang pinanggalingan ko na mukhang hinahanap pa talaga si Lucy.

"Wala." Yung lang ang sagot ko.

"Anong wala?" Bahagyang nakakunot ang noong tanong niya.

"Hindi ko alam, baka nauna na." Pagsisinungaling ko nalang. Para na rin hindi na siya magtanong, umiinit lang ang ulo ko.

Hindi na rin siya nangulit tungkol sa demonyitang babaeng 'yun.

Tahimik lang kami habang nagbabyahi, mga 15 minutes pa bago namin narating ang University.

Sabay na kaming nag lakad papunta sa classroom. Nasa hallway pa kami nang matanaw ko si Abby. Naglalakad din siya habang may bitbit na libro. Hindi ko alam kung paano niya nagawang magbasa habang naglalakad pero nagagawa niya 'yun.

"Abby.." tawag ko sa kanya. Natigilan siya sa paglalakad, pati na rin sa pagbabasa. Dahan dahan siyang tumingin sa gawi namin ni Bruce.

Ramdam kong naiilang siya ngayon dahil nandito ako sa harap niya. Ang lakas ng loob kong tawagin siya pero nang makuha ko na ang atensyon niya, wala na akong masabi na salita. Para akong napipi.

Napansin din ata 'yun ni Bruce dahilan para siya na ang bumasag  sa katahimikan.

"Meldy, Hey. Good morning!" Nakangiting bati ni Bruce. Bahagya namang ngumiti si Abby sa kanya.

" Morning.." bati rin ni Abby. Nagsalubong ang tingin namin pero siya na ang unang nag-iwas "Ah..mauuna na ako, may dadaraanan pa ako sa office eh...bye-bye" sabi niya at nauna nang umalis. Nakita kong lumiko siya dahilan para mawala siya sa paningin namin.

Tinapik lang ako sa balikat ni Bruce at tumuloy na kami papunta sa classroom. Para kaming sikat na artista nang makapasok kami sa loob ng classroom dahil halos maagaw namin ang atensyon ng mga babae naming kaklase sa loob.

Lalong-lalo na kay Bruce, ang daming nagpapansin sa kanya. Sa aming tatlo ni Kai ay si Bruce ang maraming taga-hanga. At ang loko, tuwang tuwa dahil maraming umaaligid na babae sa kanya.

Nasa loob na rin ng classroom si Kai. Nakasuot ng headset at tila nagsa-sound trip.

"Hoy!"

Panggugulat ni Bruce kay Kai. Hindi naman siya nabigo dahil mukhang nagulat niya si Kai dahil bahagyang umangat ang kanyang dalawang balikat.

"What the fuck, dude!" Sigaw ni Kai at mahinang sinuntok si Bruce. Tinawanan lang siya ni Bruce at inilapag ang bag niya sa upuan niya. Ako din naman ay naupo na.

"Chill! Ang hot niyong dalawa ngayon. Umagang umaga, wala kayo sa mood." Tumatawang sabi ni Bruce, di naman namin siya pinansin ni Kai kaya bumaling nalang siya sa iba naming kaklase at nakipag kwentuhan.

Ilan pang sandali ang lumipas ay pumasok na rin sa loob ng classroom si Abby na hindi man lang tumingin sa akin. Kasunod niyanay 'yung baklang presidente ng student council.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon