Lucy Fern's POV
Tinetext ko si Meldy pero hindi pa rin siya nagrereply. Tinatawagan ko rin pero busy ang kanyang linya. May kausap atang iba. Saan na kaya 'yun?
Nilagay ko nalang sa loob ng sling bag ang phone ko at napag-desisyunang mag-ikot-ikot. Tumitingin ako ng mga dress dito sa isang sikat na Dressing Shop. Puro mga mamahalin ang mga damit dito at halos mga mayayaman lang ang mga bumibili. Isang sikat na designer kasi ang may-ari nitong shop na'to.
"Good afternoon, ma'am!" Nakangiting bati sa akin ng isang saleslady na sumulpot nalang bigla sa gilid " We have new arrivals po, ma'am. Would you care to take a look?" Sabi niya kaya napatingin naman ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya, may nakatatawa ba sa mukha ko?
Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.
"This way po ma'am.." sumunod lang ako sa kanya kung saan ang section ng mga bagong arrival na mga damit.
Kuminang ang mata ko nang makita ko ang mga dresses na naka-display. Kung hindi niyo alam ay pangarap ko ring maging isang Fashion Designer kaya ganun nalang talaga ang hilig kong tumingin at bumili ng mga magagandang damit. Sobrang hilig ko rin sa mga dresses kaya halos dresses ang laman ng drawer ko. Nagsusuot di naman ako ng mga jeans pero madalang lang.
"Susukatin ko lahat." Yun lang at pumasok na ako sa dressing room.
******
Halos mag-dalawang oras din akong nag-susukat ng damit pero wala pa ring reply sa akin si Meldy, saan na ba ang nerd na 'yun?!
"This one..this..ito na rin..this one and..that one, and this pink dress. Ito na ang bibilhin ko." Sabi ko nang makapili na. Naglakad na kami papunta sa counter at syempre, halos mahirapan siyang bitbitin 'yung mga dresses ko. At dahil mabait naman ako ay kinuha ko yung pink dress, para naman medyo gumaan ang bitbit niyang limang piraso na dress.
Nang makapag-bayad na ay umalis na ako sa shop na 'yun dala-dala ang anim na paper bag. Ugh! Saan na ba kasi ang nerd na 'yun?! Kung sana nandito siya eh may katulong sana akong mag-bitbit nitong mga paper bags ko.
Nag-ikot ikot pa rin ako pero nang ma-inip na ay pabagsak ko na inalapag ang mga dala ko sa isang bench at tinawagan si Meldy. Naka limang ring pa bago niya ito sinagot--FINALLY!
"Where the heck are you?!"
Sigaw ko sa kausap ko sa phone. Kanina pa ako naglilibot dito sa mall pero kahit anino niya ay 'di ko makita. May karapatan naman talaga akong magalit diba?
"[ Ano.. Sorry! ]"
I knew it! She's gonna ditch me. AGAIN!
Oo, again. Parati niya 'tong ginagawa sa akin noon pa man. I should've expected this coming.
"Meldy! Kanina pa ako nandito! You should've told me, edi sana kanina pa ako umuwi! " Sumisigaw na ako dahil sa inis kaya't pinagtitinginan na ako ng mga tao. I just glared at them kaya tumalikod na sila at nagpatay malisya. Wag lang nilang sabayan ang galit ko dahil baka ano pang magawa ko sa kanila.
"[ Sorry na kasi..may ano..may rason naman ako eh.. ]" sagot nya. If I know ngumunguso na naman 'to sa kabilang linya. So childish.
"I don't care! Hindi pa rin mababago na you ditched me! Urgh!" Nagpapadyak na ako dito. OA na kung OA, ikaw ba naman hindi sulputin ng magaling mong bestfriend. Siya pa ang nagplano na mag-mall kami tapos siya pa yung hindi pupunta.
I just rolled my eyes kahit hindi niya nakikita. Nang saktong lumanding yung mata ko sa isang Café at may nakakuha agad ng atensyon ko.
Isang lalaking matangkad na may suot na maitim na leather jacket. Medyo magulo yung buhok niyang maitim din. Hindi ko ma-aninag yung mukha dahil medyo nakatagilid siya at medyo malayo rin ako.
BINABASA MO ANG
Beneath the Hate
Teen FictionIs it true that there's love beneath hate? What if beneath hate is just more hatred? How can they love each other when they despise each other's existence? Can you love someone you hate? Can you hate someone you love?