Chapter 2

133 84 12
                                    

Lucy Fern's POV

"Kaya ka pala tumititig, nagwa-gwapohan ka pala sa akin?" He said while smirking.

"A-ang kapal naman ata ng mukha mo?! Sino ka para titigan ko?!" Sigaw ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Hindi niya ata inaakalang sisigawan ko siya.

Aalis na sana ako ng maramdaman ko yung hapdi ng paa ko. This is so not happening! Of all people, bakit sobrang malas ko naman ata ngayong araw?

" Tch. Siya na nga yung may atraso, siya pa ang may ganang magalit.." narinig kong bulong niya kaya automatic na napa-irap ako at tsaka siya hinarap.

" Excuse me?! E gago ka naman pala eh! Alangan namang hindi ako magagalit e naninigaw ka rin naman! At for your information, ikaw ang unang sumigaw! "

" Can't you just say sorry like a normal person?! " Inis na sigaw niya pabalik. Para kaming mga engot na nagsisigawan dito sa parking lot ng airport ngayon. 

At anong sabi niya? Like a normal person? Bakit hindi ba ako normal na tao sa paningin niya?! Ha! Sa ganda kong ito?!

"Why would I say sorry?!" Maang-maangan ko dahilan para mas sumama ang tingin niya. Okay, nakakatakot ang tingin niyang 'yon.

"Kung hindi ka pa naman sana lampa edi sana hindi ka nadulas at hindi mo sana ako nahila, hindi sana mapupunit yung damit ko! " Sigaw niya kaya medyo napaatras ako.

Ganun ba kalakas ang hila ko para ma punit ko yung damit niya? Dahan dahan akong napatingin sa damit niya at oo nga, napunit ko yung damit niya sa may bandang gilid. Malaki ang napunit sa kanyang damit dahilan para makita ko ang kanyang mga pandesal--

"Ano?! Pati katawan ko ngayon ay tititigan mo!?" Sigaw niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Shit, bakit ang init ng mukha ko?

"Y-you perv!" Sigaw ko tumalikod sa kanya at akma na namang maglalakad.

"Tangina naman, miss! Ikaw na nga ang may atraso ikaw pa ngayon ang may ganang mag walk-out? Tapos anong perv ang sinasabi mo?! Eh ikaw 'tong titig ng titig--"

" Hindi ako tumititig, okay?! At isa pa, anong atraso ang sinasabi mo e hindi ko naman sinasadyang hilain ka!" Hindi na ako nakapag-timpi at muli siyang hinarap para sagutin " Obvious naman na may dala ka pang mga damit diyan sa maleta mo! At hindi rin naman ako sisigaw kung hindi mo ako sinisigawan! " Habol hiningang sigaw ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

Muli akong tumalikod sa kanya at nagsimula ng maglakad papalapit sa kotse ng maalala ko ang phone ko. Kinapa ko ang dalawa kong bulsa pero wala. 

Hindi kaya nabitawan ko 'yon nang madulas ako?

At bumaling na naman ako kung saan ako nadulas at nandoon pa rin yung lalaking nahila ko at-- teka? Phone ko ba yung hawak niya? Bakit napunta sa kanya yun?!

"Hey!" Sigaw ko at kahit mahirap maglakad ngayon dahil sa paa ko ay pinilit ko pa ring bumalik sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at tinaasan ng kilay at ngisihan

"That's my phone! Give it back!" Sabi ko at akmang kukunin ito nang itaas niya ang kanyang kamay. Ugh! I hate this.

"Not until you say you're sorry.." may bahid na mapang-inis na sabi niya. At nagtagumpay nga siya dahil inis na inis na ako. Pilit ko pa ring inaabit ang phone ko pero mas matangkad siya sa akin. Hindi ko rin naman magawang talunin dahil masakit nga yung isang paa ko.

"Ano ba! Aki na 'yan sabi eh!" Sigaw ko sa kanya nang may ma pansin akong dalawang taong naglalakad patungo rito sa parking lot. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon