Prologue

201 92 16
                                    


"WHERE the heck are you?!"

Sigaw ko sa kausap ko sa phone. Kanina pa ako naglilibot dito sa mall pero kahit anino ng bestfriend ko ay 'di ko makita.

"[ Ano.. Sorry! ]"

I knew it! She's gonna ditch me. AGAIN!

"Meldy! Kanina pa ako nandito! You should've told me, edi sana kanina pa ako umuwi! " Sumisigaw na ako dahil sa inis kaya't pinagtitinginan na ako ng mga tao. I just glared at them kaya tumalikod na sila at nagpatay malisya.

"[ Sorry na kasi..may ano..may rason naman ako eh.. ]" sagot nya. If I know ngumunguso na naman 'to sa kabilang linya. So childish.

"I don't care! Hindi pa rin mababago na you ditched me! Urgh!" Nagpapadyak na ako dito. OA na kung OA, ikaw ba naman hindi sulputin ng magaling mong bestfriend. Siya pa ang nagplano na mag-mall kami tapos siya pa yung hindi pupunta.

I just rolled my eyes kahit hindi niya nakikita. Nang saktong lumanding yung mata ko sa isang Café nang may makakuha ng atensyon ko. Isang lalaking matangkad na may suot na maitim na leather jacket. Medyo magulo yung buhok niyang maitim din. Hindi ko ma aninag yung mukha dahil medyo nakatagilid siya at medyo malayo rin ako. Pero kahit malayo ako ay tanaw na tanaw na malaki yung katawan niya. Obviously he's sporty or have done gyms. Para siyang may hinahanap sa loob ng Café.

Napangiti nalang ako. Well, he is my type, tall and hunk. Parang may light bulb na lumiwanag ng may ma-isip akong plano. Looks like may next target na naman ako.

"[ FERN! ]" Sigaw ng bestfriend ko mula sa kabilang linya so I snapped back to reality.

"Y-yeah?" Tanong ko at muling hinanap yung lalaki pero mukhang nakapasok na siya sa loob ng Café.

"[ Hindi ka naman nakikinig eh~ ]" sa tono niya ay para talaga siyang bata. Napangiwi nalang ako dahil sa bestfriend kong childish "[ Pinapaliwanag ko lang naman kung bakit hindi ako nakapunta..Sorry na kasi.. ] "

Napangiti nalang ako tsaka sinabit yung sling bag ko. Sinuot ko rin yung shades ko at hinawi yung buhok ko.

"Whatever..Anyways, I gotta go,may na hanap na naman akong target.." sabi ko at naglakad na papunta sa Café kung saan pumasok yung lalaki.

"[ Ha? Akala ko ba behave ka na ngayon-- ]"

"I change my mind, bye!" I cut her off and I hung up at pumasok na sa loob ng Café. Nakita ko kaagad yung lalaki na nakaupo patalikod sa direksyon ko.

Dumeretso ako sa counter at umorder. Mabilis lang naman kaya nakuha ko kaagad yung inorder ko na Frappe. Humarap ulit ako doon sa lalaki pero naglalakad na ito. Sakto at nakayuko ito kaya hindi niya ako makikita.

Nag-umpisa na akong maglakad. Nung magkalapit na kami ay umakto akong nabangga at sinadyang taponan siya nung inorder ko na Frappe.

"Oh my Gosh!"

"What the Fuck?!"

Sabay na sigaw namin. But wait, I heard that before. Same voice and same-- dahan dahan akong tumingin sa kanya at ganun din siya sa akin. At mabilis na nagbago yung emotion naming dalawa. Mabilis akong tumayo at hindi na nagpaalalay sa kanya. Siya din ay pinagpag yung leather jacket niya na natapunan ko ng Frappe. At muling nagtapat ang dalawa naming mata.

"IKAW NA NAMAN?!"

Sigaw naming dalawa. Sobrang kunot ng noo nya habang ako ay nakataas ang isang kilay.

"I don't have time for this!" Sigaw niya at umaktong aalis kaya mabilis ko na hinila yung braso niya.

"You jerk! Hindi ka man lang ba magso-sorry?!" Sigaw ko sa kanya dahilan para mas kumunot yung noo niya. Kung pwede lang mamatay sa tingin ay kanina pa siguro ako namatay dito. Pero hindi! Hindi ako magpapatalo. Hello? Nataponan din kaya ako ng Frappe.

"You know what?! I don't care and I don't have time for this!" Sigaw niya at mabilis na naglakad papalabas ng Café.

Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking yun! Alam kong kasalanan kong banggain siya pero...Ah! Basta kailangan niya pa ring mag-sorry dahil kung hindi siya nakatungo ay naka-iwas sana siya! Oo!Tama!

"HEY BEASTY! " malakas na sigaw ko. Huminto naman siya sa paglalakad pero hindi pa rin siya humaharap.

"I hate you!" mataray at may diin kong sabi sa kanya dahilan para medyo napatakilid yung ulo nya pero hindi pa rin humaharap.

"The feeling's mutual.." malamig at mahinang sagot niya pero rinig na rinig ko naman. At saka siya tumuloy sa paglalakad palabas ng Café.

Ah! Of all people bakit siya pa?! At to think na gusto ko pa sana siyang lapitan kanina. Nakakadiri!

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon