Lucy Fern's POV
Ugh! The nerve of that freaking Beast! Padabog akong naglakad papunta sa labas ng mall at tiningnan ang paligid at mukhang nakaalis na talaga si Beasty.
Napa-irap nalang ako at napatingin sa mga dala-dala kong paper bags, hindi nga lahat ang natapunan ng Frappe pero halos 'yung mga favorites ko naman ang natapunan. Pati damit ko ngayon ay medyo malagkit na dahil sa Frappe.
Kung alam ko lang na siya si Beasty ay hindi ko na sana tinuloy 'yung plano ko.
Naglalakad ako papunta sa parking lot nang may sumalubong sa akin na batang babae.
Nagtitinda siya ng mga ibat-ibang klaseng candies, may mga cigarettes din at junk foods. Medyo payat yung bata, pero kahit ganun ay may katangkaran siya. Medyo madumi na rin ang suot niyang may gusot at maluwag na damit. Pero kahit ganun hindi naman siya nangangamoy.
"Ate, bili na po kayo.. pang kain lang po.." saad niya at pinakita sa akin ang mga dala niya. Ngumiti naman ako sa kanya at bahagyang yumuko sa tuhod ko para magpantay kami.
"Hello.. ano ang pangalan mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Nahihiya naman siyang ngumiti sa akin.
" Andrea po.." sagot nito. Sa totoo lang ay maganda si Andrea. Maganda ang hugis ng kanyang mata na medyo bilog, binabagayan ito ng kanyang mahaba na pilik mata. Ang ilong naman niya ay katamtaman ang haba, manipis naman at maganda ang korte ng kanyang labi.
"Andrea, bakit nagtitinda ka pa? Gabi na ah? Hindi ka pa ba hinahanap ng pamilya mo?" Kalmadong tanong ko sa kanya.
" Kailangan ko po kasi ng pera, ate. May sakit ang inay at kailangan ko po ng pambili ng gamot at pagkain para sa kanya..." Nakatungong sagot niya.
" Ganun ba? Sige, bibilhin ko na lahat 'yang paninda mo para makauwi ka na pero hindi ko nalang kukunin 'yang mga 'yan..." sabi ko at inilabas ang wallet sa sling bag ko at kumuha ng pera.
"T-talaga po, ate?" May bahid ng saya ang kanyang boses. Mas lalo akong napangiti dahil alam ko na kahit paano ay nagawa ko siyang pasayahin.
"Here.." sabay abot ko sa kanya ng limang libong pesos, dahilan para manlaki ang mga mata niya.
" N-nako ate..ang laki naman ata 'nyan..hindi pa ako n-nakakahawak ng ganyan kalaking pera.." ani niya na medyo nakaawang ang labi.
" Sa'yo na 'yan, ibili mo 'yan ng mga gamot at pagkain, ha? sana makatulong sa inyo ng pamilya mo.." saad ko.
" S-salamat ng marami, ate..para kang anghel, ate. Maganda po tsaka mabait..." ani nito. Sus, binola pa ako. Natuwa naman ako kahit konte sa sinabi niya. Duh, minsan lang ako tinatawag ng anghel at galing pa sa bata. At remember, hindi nagsisinungaling ang mga bata.
"Sa'yo na rin 'to.." sabi ko na ang tinutukoy ay ang mga pinamili kong damit.
"Lahat po 'yan a-ay para sa'kin??" Gulat na sabi niya at napatingin sa dala dala kong mga paper bag. Parang kuminang ang kanyang mga mata ng tingnan niya ito.
"Syempre hindi." Sabi ko dahilan para mapatikom siya ng kanyang bibig.
" Bigyan mo rin yung mama at kung may babae kang kapatid ay pwede mo rin siyang bigyan." Dagdag ko dahilan para muling bumalik ang kinang sa kanyang mata.
"Salamat po talaga ng marami, ate." Sinabi niya 'yun na tumutungo pa sa akin.
"Medyo nadumiham ko 'tong mga ito, pero mawawala rin naman kapag nilabhan, ingatan mo 'to ha?"
" Opo, ate. Iingatan ko po talaga 'yan, hindi pa po ako nagkaroon ng ganyang klaseng damit eh.. " sagot niya habang nakatingin pa rin sa mga paper bags. Napakasinsero at napakaganda ng kanyang pagkakangiti.
BINABASA MO ANG
Beneath the Hate
Roman pour AdolescentsIs it true that there's love beneath hate? What if beneath hate is just more hatred? How can they love each other when they despise each other's existence? Can you love someone you hate? Can you hate someone you love?