Chapter 12

67 41 0
                                        

Lucy Fern's POV

"Meldy, tell me.. nanggaling ka ba sa library kanina?" Tanong ko nang maupo na si Meldy. Tiningnan niya ako at ngumuso bago tumango. "Let me guess, 'dun mo rin namalayan or nakuha ang mga bubblegums na nakadikit sa buhok mo? " Dagdag na tanong ko. Muli na naman siyang tumango habang nakanguso.

I knew it! Si Shana talaga ang may kagagawan!

" Nakatulog kasi ako eh, late na kasi nung natulog ako kagabi k-kasi..kasi nagbabasa ako ng libro.. kaya ayun..nakatulog ako sa library.." nakayukong sabi niya " Tapos ginising ako 'nung isang Junior student at tinuro ang buhok ko..'dun ko nalang namalayan na may mga bubblegums na.." kwento niya.

" Si Shana ba ang may gawa 'nyan?" Diretsong tanong ko. Nanlalaki ang mata niyang napatingin sa akin.

"P-paano mo..?"

"So siya nga?" Nakataas na ang isang kilay ko na tanong. Bumaling siya kay Yazie pero hindi siya nito pinansin, kaya napabuntong-hininga nalang siyang tumingin sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Please, Fern. Hayaan mo na.." pakiusap niya. Hinawi ko lang ang buhok ko at nagsimula nang kumain. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga pero hindi ko nalang 'yun pinansin.

*******

Afternoon class na namin ngayon. Pansin ko pa rin na pinagtitinginan si Meldy dahil siguro sa bago niyang maikling buhok. Si Beasty naman ay pansin ko ring nasa kay Meldy ang kaniyang atensyon. I'm still pissed off dahil nasa tabi ko pa rin siya at nakaupo pa rin siya sa puwesto ko.

Too bad at inannounce na, na permanent seat na daw namin kung saan na kami nakaupo ngayon dahil magbibigay na ng name tags mamaya.

"Hoy Lucifer.." napapikit ako sa inis dahil sa narinig ko, si Beasty, na ngayon ay kumakalabit sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at inirapan. "Anong nangyari kay Abby? Bakit naging maikli ang buhok niya?" He asked curiously. Bakit ba Abby ang tawag niya kay Meldy?

" Bakit hindi ikaw ang magtanong sa kanya, Beasty ?" Tanong ko na may diin. Kumunot lang ang noo niya at nag-iwas ng tingin.

" Hindi pa rin niya ako pinapansin." Sagot niya.

"Well that's too bad. Buti nga sa'yo.." Pang-iinis ko at binigyan na naman niya ako ng isang masamang tingin.

"Dahil ba 'dun sa rumors na kumakalat na may naglagay daw ng bubblegum sa buhok niya?" Tanong niya ulit kaya muli ko na naman siyang tiningnan.

" You know, for a guy? Napakachismoso mo naman ata?" Pang-iinis ko na naman.

"Tch. Nagsalita ang hindi chismosa." Rinig kong bulong niya. Umayos na siya sa pag-upo kaya ganun din ako.

"May mga students na binubully si Meldy.. that's one of the reasons kaya ayaw ko sa'yo para sa kanya.." sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Naramdaman kong napatingin siya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya. Mukha siyang naguguluhan sa sinabi ko.

"Ano naman kinalaman ko sa mga bumubully sa kanya?"naguguluhang tanong niya.

" Ang dami mong admirers..at kapag nalaman nilang gusto mo si Meldy, they will attack her.."sagot ko pero mukhang mas naguluhan siya sa sagot ko.

" Why?" Slow. Napa-irap nalang ako sa kanya.

"Are you dumb? Syempre, magseselos ang mga admirers mo sa kanya. They will hate her because you like her. They will bully her more.  Simple as that! "

Natahimik naman siya sa sinabi ko at bahagyang napa-iling.

" Hindi ko hahayaang saktan o galawin siya ulit ng iba.." saad niya dahilan para muli ko na naman siyang irapan.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon