Chapter 3

128 82 13
                                    

Zamuel Chord's POV

Nakakatangina naman talaga ang araw ko ngayon!

Sinasamaan ko ng tingin ang kotseng papalayo sa akin kung saan nakasakay yung babaeng maingay at may atraso sa akin. At ano raw?! Beasty?! Ha! Sa itsura kong 'to?! Mukha ba akong halimaw?! Kung ako halimaw siya naman ay demonyo!

Bigla nalang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang caller. Mas lalo akong nainis nang mabasa kung sino ang caller.

Bruce calling..

Sinagot ko naman kaagad ang tawag niya.

"[ Bro-- ]"

"'Wag mo akong ma bro bro! Bilisan mong ipaayos 'yang kotse mo at sunduin mo na ako dito! Halos kalahating oras na ako dito sa airport! Tangina! " Sigaw ko sa kanya kaagad. At narinig ko pa talaga ang loko na pinagtatawanan ako sa kabilang linya.

Siya sana dapat ang susundo sa akin ngayon eh. Pero dahil pinaglalaruan ako ng tadhana ay nasira ang kotse ng kaibigan ko. That's why I'm stuck in this effin airport. At kung kanina niya pa ako sinundo hindi ko sana makakasalubong yung bwisit na babaeng 'yun! Damn luck!

"[ Chill, bro! ]" Sagot niya at muli na naman akong pinagtawanan "Papunta na ako dyan. Yung kotse nalang ni kuya ang gagamitin ko. See you in an hour. ]" Dagdag niya.

" Anong in an hour?! Bilisan mo--" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil binaba na niya ang linya. "Buwisit.."

Inilagay ko na sa bulsa ang phone ko nang mapansin ko na naman ang punit kong damit. Damn! Sa liit niyang 'yun ang lakas niya namang humila.

Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng damit mula sa maleta ko. Matapos yun ay inilapag ko na muna ang mga gamit ko para hubarin ang damit kong na punit. Sinuot ko naman kaagad ang isang damit bago may makakita sa aking naghuhubad sa parking lot, baka kung ano pa ang isipin ng mga tao.

Napatingin naman ako 'dun sa damit kong punit. Ito 'yung huling regalong ibinigay niya sa akin. Napangiti nalang ako ng maalala kung gaano pa ito kaluwag sa akin 2 years ago. Ang payat-payat ko pa kasi dati.

Nahinto ako sa pag-iisip nang may bumisina sa aking sasakyan kaya napatingin ako 'dun. Bumukas ang bintana at iniluwa 'dun si Bruce. Bruce Kyle Mitchelle. Isa sa matalik kong kaibigan.

"Welcome back, Chord!" Maligayang bati niya at bumaba pa sa sasakyan at binigyan pa ako ng bro-hug. Pabiro ko naman siyang sinuntok sa braso kaya umatras naman kaagad siya at umaktong nasasaktan. "Para saan 'yun?! Ikaw ha, kakarating mo palang nananakit ka na!"

"Gago! Oh! Ilagay mo na 'to sa compartment mo." Sabi ko sabay abot sa kanya ng mga gamit ko at nauna nang pumasok sa kotse niya.

"Wow, thank you ha?" Puno ng sarkastikong sabi niya pero sinunod naman sa sinabi ko at nilagay na sa compartment ng kotse ko. "So, what's up? Umagang umaga nakabusangot na 'yang mukha mo." At nang-inis pa talaga siya.

"May nakasalubong lang akong demonyo.." tanging sagot ko at sumandal na sa upuan at ipinikit na ang mata.

"Demonyong nanghahalik?" Natatawang tanong niya kaya mabilis akong napatingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Ano bang sinasabi mo 'dyan?!" Maang-maangan ko at sabay iwas ng tingin. Pero mas lalo lang siyang tumawa. Babatukan ko na sana siya pero umiwas siya kaagad.

"Ano kayang ginawa ng Hawaii sa'yo at marunong ka na palang humalik ngayon?! " Sigaw niya at muli na naman akong pinagtawanan. Naramdaman kong uminit ang mukha ko sa inis at galit. Oo, dahil lang sa inis at galit, bakit? May iba pa bang rason?!

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon