Chapter 15

42 25 0
                                    

Lucy Fern's POV

"Spill it, Meldy." Sabi ko nang makaupo na kami sa Cafeteria. Kami lang dalawa ni Meldy ngayon, naunang umalis kanina sa classroom si Yazie pero wala naman siya dito ngayon. May sariling mundo naman 'yun at paniguradong wala naman siyang paki kung hindi niya kami kasama.

Tumabingi naman ang ulo ni Meldy at tiningnan ako ng may pagtataka.

"Spill what?" Inosenteng tanong niya.

"What's the deal between you and Beasty?" Tanong ko kaagad.

" Beasty?? You mean..Zammy?" Tanong niya na sauna ay normal lang pero unting unting humina sa pagkasabi niya ng huling salita. Zammy???

"Zammy?" Ako na naman ang nakakunot ang noo ngayon. Binigyan naman niya ng tango ang sagot ko.

"Zammy ang tawag ko kay Zamuel noon.." paliwanag niya. I remember  Beasty's name now. Zamuel Chord Patterson. Tumaas naman ang isa kong kilay.

"And he calls you Abby ?" Tanong ko ulit. Dahan dahan naman siyang tumango. Napangiwi nalang ako at sumubo ng fries na inorder ko.

"So, ano na nga? Kayo ba noon?" I asked while looking at her. She ordered salad and an iced tea. While I ordered fries and lasagna. Kung hindi niyo natatanong ay malakas akong kumain, though hindi ako tumataba kaya okay lang. Opposite ko si Meldy, hindi siya gaanong mahilig sa mga pagkain.

"Well.." umpisa niya at mukhang nag-isip pa kung ano ang idudugtong. Napabuntong-hininga nalang siya dahil alam niyang wala siyang kawala sa akin " H-hindi  naman talaga nagkaroon ng kami..manliligaw lang siya sa akin noon.." kwento niya.

Na intrigue naman ako sa kwento niya kaya tinigil ko ang pagkain at ipinatong ang chin ko sa ibabaw ng kamay ko. Nakapatong naman ang dalawa kong braso sa lamesa.

"Then what happened?" I asked curiously.

"Isang araw ay naisipan kong makipag-kita sa kanya. Gumawa pa ako ng simpleng sorpresa. Birthday niya  nun eh. Nung araw na 'yun ay plano ko na sanang sasagutin ko siya..pero hindi na siya sumipot.." kwento niya dahilan para mapakunot ang noo ko.

" Tapos simula nun hindi na ulit siya nagpakita sa akin. Nalaman ko nalang na pumunta na siya ng Hawaii.." dagdag niya.

" Ano naman daw ang dahilan ng pagkawala niya?" Interesanteng tanong ko. Sasagot na sana siya ng umingay ang mga students sa Cafeteria.

Napatingin naman kami kung saan banda ang maingay at nakita naming nagmula iyon sa mga kababaehan, pinagkakaguluhan nila sina Bruce na kakapasok lang.

Nakita kong napatingin si Beasty sa gawi namin, well, to be exact, si Meldy ang tiningnan niya. Nang babawi na sana siya ng tingin ay napatingin siya sa akin. Nakipaglaban naman ako ng tingin sa kanya. Syempre hindi ako magpapatalo noh.

Tinaasan ko pa nga siya ng kilay. I mouthed 'What?pero I receive no reply from him, siya na ang unang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Type mo ba siya?" tanong ni Meldy dahilan para mabilis akong mapatingin sa kanya. Ano nga ang tanong niya? Tama ba ang narinig ko? Hindi ako sure kung anong tanong niya. Medyo maingay pa rin ang fansclub nina Beasty.

"Pardon?" Tanong ko at kumuha ng fries at sinubo.

"Tinatanong ko kung type mo ba si Zamuel--"

"Huk!" Naputol siya sa pagtatanong ng bigla akong mabulunan. Dali dali naman niyang ibinigay sa akin ang inorder kong Juice. Napaubo pa ako bago mahimasmasan. Hinihimas pa ni Meldy ang likod ko.

" Narinig lang ang pangalan eh.."

Is she really serious? She's teasing me with her ex boyfr-- I mean ex suitor!

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon