Zamuel Chord's POV
"A-ano ba..! " asik ko sa demonyong babaeng 'to na bigla nalang nakatulog habang nakahiga yung ulo niya sa balikat ko. Sa puwesto namin ngayon ay nagmumukha siyang nakayakap sa akin.
Mahina ko siyang inalog para magising siya.
"H-hoy babae.." panggigising ko sa kanya. Pambihirang babae naman to oh! Nararamdaman ko na naman ang kakaibang init sa aking mukha dahil sa demonyong babaeng 'to. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, magkahalong galit at inis at.. at basta!
"Hoy, kung hindi mo alam, resto-bar 'to hindi hotel." Sabi ko at muli siyang inalog.
"Mmm~" ungol niya lang at siniksik ang mukha niya leeg ko dahilan para makaramdam ako ng kiliti. Nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga sa leeg ko. Bwisit!
"A-ano ba gumising ka nga!" Hindi ko na napigilang sigawan siya at hinawakan siya sa magkabilang balikat at ilayo ng kakaunti. Naramdaman kong nagising siya dahil napahawak siya sa braso ko at dahan dahang hinarap ang mukha niya sa akin. Nakapikit pa ang isa niyang mata. Nakahawak pa rin ako sa balikat nya upang maaalayan siya dahil baka bigla nalang siyang matumba.
Hindi ko alam, corny itong pakinggan pero.. maingay naman ang sound system dito sa loob ng D'names pero nang magkatinginan kami ay parang biglang tumahimik ang paligid at tanging tibuok ng puso ko lang ang naririnig ko.
Habang nakatingin kami sa isa't isa ay hindi ko maiwasang pag-aralan ang mukha niya. Ang mukha niyang may kaliitan at maputi, ang kinis ng mukha niya, walang kahit isang marka ng pimple o blockheads.
Maganda ang mapupungay niyang mga mata na binabagayan ng makapal at paitaas na kurba ng kanyang pilik mata. Ang kilay niya ay perpekto ang hubug at medyo makapal dahilan para magmukha siyang mataray.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang ilong. Ang ilong niyang matangos na may katamtamang laki. Mula sa ilong ay bumaba ang tingin ko sa kanyang labi..
Ang labi niya na unang makakuha ng halik ko. Sa kakaisip ko sa labi niya.. sa halik niya.. na naging dahilan para hindi ako makatulog sa gabi. Oo, magmula 'nung mahalikan niya ako ay palagi ko na 'tong iniisip. May parte sa akin na na-iinis at nagagalit sa ginawa niya..at may parte ring..nagugustuhan..
Wala sa sarili akong napalunok habang nakatingin sa labi niya. Sa labi niyang perpekto ang hugis, mapula ito at medyo nakaawang ang ibabang parte.
Muli kong ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata. Sinalubong din niya ang mata ko pero ako na ang unang nag-iwas.
"Umuwi ka na nga..lasing ka na." Sabi ko at binitawan siya pero muntikan siyang mahulog sa high chair kaya mabilis ko na naman siyang hinila. "A-ano ba, 'wag ka ngang lampa.." asik ko
"'Sinabihan na 'din ako ng hik ng lampa ni Beasty. Hmph! H-hindi lang ka'yo magkamukha, pareho na rin kayo ng s-sinasabi hik .." sagot niya at inagaw ang kanyang balikat sa akin at umupo. Nakabantay pa rin ako at baka muli na naman siyang mahulog.
Ewan ko ba, wala naman akong responsibilidad sa kanya, bakit ko pa ba ginagawa 'to? Wala naman akong pakialam sa kanya..
Kinuha niya ang phone niya sa bag niya at nagpindot-pindot, bigla niya itong tinapat sa tenga niya at pumikit. Mukhang may tinatawagan ata.
Ilang segundo pa ay mukhang sinagot na siya ng tinatawagan niya.
"Hello, manong...mmm, medyo lang naman..nandito ako sa D'names..'yung malapit sa mall..sige, sunduin mo na ako..sige.." 'yun lang at ibinaba na niya at bigla na naman siyang napatingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Beneath the Hate
Fiksi RemajaIs it true that there's love beneath hate? What if beneath hate is just more hatred? How can they love each other when they despise each other's existence? Can you love someone you hate? Can you hate someone you love?