Chapter 5

99 79 0
                                    

Lucy Fern's POV

Alam kong may usapan kami ni Meldy na maagang magpa-enroll ngayon. Pero dahil mabait ako ay malapit  ng magtanghali nang magising ako.

Chineck ko 'yung phone ko at tiningnan kung sino ang mga nag-text. May mga ilan-ilang galing sa mga makukulit na lalaking admirers ko na hindi ko naman pinapansin. Hindi ko nga alam kung paano nila nakuha yung number ko. Ang iba naman ay galing kay kuya at kay Meldy. Yung kay Meldy lang na message ang binuksan ko.

Tinanong niya kung nasaan na ako at kung bakit hindi ko pa siya sinusundo. May 5 missed calls din na galing sa kanya. Nireplyan ko lang siya na paparating na ako bago pumasok sa banyo para maligo.

*****

Namimili pa ako ng damit ng tumawag si Meldy.

"[ FERN! ]" Ayan na naman siya.

" Good morning to you too!" I just rolled my eyes at muling nag-hanap ng masusuot.

"[ Anong good morning ang pinagsasabi mo-- it's past 12 noon already. Saan ka na ba? Sabi mo kanina paparating ka na? ]"

Napatingin naman kaagad ako sa orasan ng phone ko at oo nga, past 12 na at 20 minutes nalang ay ala-una na.

"Yeah.. may binili lang. Stay put, papunta na ako 'dyan.. "

" [ Dito mo nalang ako sunduin sa D'names, malapit lang naman 'to sa University. May surprise nga pala ako hihi. Bilisan mo na, okay? ]" Hindi pa ako nakasagot at pinatay na niya ang linya. Sorpresa? Ano naman kayang klaseng sorpresa 'yun?

Nagkibit-balikat nalang ako at nilapag ang phone ko sa kama. Nang makapili na ng damit ay inayusan ko muna ang sarili ko at naglagay ng light make-up dahil hindi ko naman kailangan 'yun since natural naman na akong maganda. Matapos 'nun ay kinuha ko na ang sling bag ko at dumiretso na sa D'names.

Ang D'names nga pala ay isang resto bar. . Para siyang pinaghalong bar at restaurant. Obvious naman diba? Basta 'yun nga. Madalas kaming tumatambay ni Meldy 'dun dahil malapit lang naman siya sa school at maganda din 'dun pag-gabi dahil may mga banda na tumutugtog.

Matapos kong e-park ang kotse ay pumasok na kaagad ako sa D'names. Hindi pa naman gaano ka crowded dahil masyadong maaga pa naman. Mas matao talaga dito pag-gabi na. Sinuyod ko nang tingin ang loob pero hindi ko makita si Meldy.

Tatawagan ko na sana siya ng may sumigaw sa pangalan ko. Napatingin ako kung saan galing 'yun at nakita kong kumakaway si Meldy sa-- Oh my Gosh..

Napatulala ako ng makita ko siya.

"Fern!" Nang hindi pa rin ako kumilos ay siya na ang lumapit sa akin. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat kaya napatingin ako sa kanya na sinalubong naman niya ng malaking ngiti.

"Hey! Tulala ka ata?" Sabi niya at tumawa. "Here is my surprise!" Maligayang dagdag niya at pinakita sa akin ang bangs niya. Bagong gupit na rin ang buhok niya, noon ay hanggang siko niya ito pero ngayon ay nasa balikat nalang.

"Maganda ba? Hihi, hindi ko inasahan na ganyan ang reaksyon mo. Sa bagay, halos lahat ng mga tao kanina ay tumitingin sa akin. Siguro sobrang ganda ko na dahil sa bangs ko!" Ang ganda ng ngiti niya habang nagsasalita. Parang proud na proud siya dahil sa bagong hairstyle. I'm speechless..

Napatakip naman ako sa bibig ko at niyakap nalang siya. Oh my gosh, she's so innocent.

"Fern? Okay ka lang ba?" Tanong niya habang yakap yakap ko pa rin siya. "Fern naiiyak na ako. Sobrang ganda ko ba talaga para yakapin mo ako??" Ani niya at hinagod ang likod ko.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon