Chapter 13

59 37 1
                                    

Lucy Fern's POV

"Anong ginagawa niyan dito?!" Bungad sa amin ni Beasty matapos pagbuksan ng pinto. Hindi ko siya sinagot at inirapan lang. Kung may iba palang sana akong choice ay hindi na sana ako pumayag na dito tutuloy sa bahay ni Bruce at ng kaniyang kapatid.

"Chord, 'wag kang maarte diyan. Pansamantala lang naman dito tutuloy si Lucy. Padaan... " sagot ni Bruce at hinila ako papasok sa bahay. Walang nagawa si Beasty at tumabi nalang.

Pilit kong hindi siya tiningnan dahil nakasuot lamang siya ng fitted sando na kulay itim, at pajama. Bakat na bakat ang muscles at biceps niya dahilan para mailang akong tingnan siya. Bakit ba? Eh sa hindi ako sanay eh!

Hinila niya si Bruce at bahagya silang lumayo sa akin.

"Bruce, alam mo namang ayaw ko sa kanya diba? Tapos magsasama na kami ngayon sa iisang bubong??" Narinig kong bulong niya kay Bruce.

" H-hoy! H-hindi rin naman kita gusto at hindi ko rin naman g-gusto na makasama ka sa iisang bubong.. pero.. " ano ba Lucy Fern! Umayos ka, huwag kang ma-distract sa katawan niya. Siya si Beasty at kaaway mo siya, hindi ka dapat natutulala sa kanya.

"Pero ano?" Paghahamon niya. Napatingin ako sa kanya pero muling nag-iwas ng tingin matapos makita siyang nakatayo habang nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. Napalunok nalang ako dahil..ang hot niya sa itsura niya ngayon..

"Ano ka ba, Chord. Ako ang nag-imbita sa kanya. It's already late tapos umuulan pa, alangan namang hayaan ko nalang siya. Kagaya mo ay may problema din kasi siya sa pamilya niya ngayon.. " Si Bruce na naman ang sumagot kaya kahit papaano ay nakangiha ako ng maluwag.

Pero tama ba ang dinig ko? May problema din sa pamilya si Beasty?

Sumimangot lang si Beasty at hindi na nagsalita. Lumapit naman si Bruce sa akin at hinawakan ako sa may braso at tsaka nginitian.

" Dito ka nalang muna, Lucy. Stay as long as you like habang hindi pa naaayos ang problema mo sa pamilya niyo. Huwag kang mag-aalala kay Chord at mabait naman 'yan. Huwag mo lang siguro masyadong buwisitin. " Saad ni Bruce dahilan para mapangiti ako. Napakamatulungin talaga niya kahit noon pa man. Kung hindi lang talaga siya babaero ay pinatulan ko na 'to.

Bumaling naman siya kay Beasty dahilan para mapasunod din ako ng tingin.

"Hoy, Chord." Tawag ni Bruce kay Beasty. Pero hindi na antig ang atensyon ni Beasty.

Ano bang nangyayari sa kanya? Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Nakatingin siya sa kamay ni Bruce na nakahawak pa rin sa balikat ko. Tiningnan ko ulit at  nakatingin pa rin siya sa kamay ni Bruce.

What's his problem?

Napansin niya atang nakating ako sa kanya kaya dahan dahan naglakbay ang tingin niya papunta sa mata ko. Mabilis naman siyang nag-bawi ng tingin at tiningnan si Bruce.

"Whatever.." sabi niya at naglakad papunta sa isang couch sa living-room. Binuksan niya ang tv at nanood ng..Pokémon??

Imagine, isang mukhang badboy ay tuwang-tuwa ngayon sa pinapanood niyang Pokémon. Parang bata.

"Huwag mo nalang siyang pansinin. Ganyan talaga 'yan, masungit talaga kapag hindi ka pa niya kilala. " Paliwanag ni Bruce.

" Thank you for letting me stay. I'll pay house rent nalang for making me stay--"

" Nako. Hindi mo na ako kailangang bayaran. Mas okay na nandito ka kaysa sa mga hotels, baka mapano ka pa." Ani ni Bruce na nakangiti.

Ngumiti naman ako sa kanya at yumakap.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon