Chapter 10

76 54 0
                                    

Lucy Fern's POV

Naglalakad na ako ngayon papunta sa classroom pero hindi ko pa rin maiwasang isipin kung ano yung nasaksihan kong kadramahan kanina.

Sino ba si Abby? Bakit niya tinawag na Abby si Meldy? Dahil ba sa Abigail  kaya naging Abby? Ang corny ah??

But jokes aside, bakit humihingi ng tawad si Beasty kay Meldy? Tsaka ano raw?

I'm so dumb for leaving you without an explanation

Bakit? Ano ba si Meldy sa kanya? Last time I check, walang lovelife si Meldy..Urgh! Machismis nga 'tong bestfriend ko mamaya.

Pagkapasok ng pagkapasok ko sa room ay agad na hinanap ng mga magagandang mata ko si Meldy.

She's on her seat, she looks fine and normal. Nagbabasa lang siya ng libro na parati niyang ginagawa kapag may spare time. Parang wala lang nangyari.

I just shrugged at dederetso na sana sa upuan ko nang matigilan ako nang makitang may naka-upo doon.

Automatic na tumaas ang isang kilay ko nang makita si Beasty na prenteng prenteng nakaupo sa upuan ko habang nakatitig kay.. Meldy? What's up with them? At bakit nandito siya sa room namin? Kaklase ba namin siya?

"What the heck are you doing here?" Sinusubukan kong kumalma habang papalapit sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at tumingin sa kanyang sarili at muli na namang tumingin sa akin.

"Naka-upo.." pilosopong sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"That's my seat!" Giit ko. Tiningnan niya naman ang upuan at inosenteng tumingin sa akin.

"Walang nakalagay na pangalan." Sagot na naman niya pero nakangisi na siya ngayon. Halatang nang-iinis. Well he's succeeding dahil na-iinis na ako!

" Pwede ba umalis ka nalang?" Mataray na sabi ko.

"But I just got here. Besides, I'm enrolled." Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya.

" Ang ibig kong sabihin ay umalis ka sa upuan ko! " Sigaw ko at hinila siya sa braso. Naagaw na namin ang atensyon ng iba naming kaklase pero wala akong pakialam.

"Ano ba! Nauna na ako eh, humanap ka nalang ng ibang ma-uupuan!" Sigaw din niya na inaagaw ang braso niyang hila-hila ko.

" Kung paunahan lang 'din naman ang usapan, 'pwes mas nauna ako sa'yo! Kahapon pa ako 'dyan kaya umalis ka na! " Sigaw ko pabalik. Palaban na kung palaban, ang ganda kaya  ng puwesto ng upuan ko dito sa classroom.

" Miss Lowell? And.. Mr. Patterson? "

Nabitawan ko siya matapos kong marinig ang boses ni Miss June. Isa sa mga guro namin. Kasabay ng pagpasok niya ay sina Bruce at Kai. Seryoso lang si Kai habang si Bruce ay nag-pipigil ng tawa.

"Take your seat Miss Lowell. Kayo ring dalawa." Ma-awtoridad na utos niya sa akin at kina Bruce. Isa siya sa pinaka-terror na Guro dito. Hindi ko alam kung ano ang rason niya but she seems to hate me.

"But Miss.."

"Uhm L-Lucy?" Napatingin ako ng tinawag ako ng kaklase kong katabi ko sana sa upuan na inuupuan na ngayon ni pesteng Beasty.

"Dito ka nalang sa u-upuan ko.." sabi niya at dali-daling kinuha ang mga gamit niya at lumipat sa may bandang  likuran.

"Why are you still standing Miss Lowell? Ayaw mo bang umupo? Kung ayaw mo pwede ka namang lumabas." Sarkastikong sabi ni Miss June. Urgh!

Nginitian ko naman siya ng maganda bago palihim na umirap. Pabagsak kong inilapag ang bag ko na mukhang hindi niya naman napansin.

Narinig ko ang bungisngis ni Beasty kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon