Chapter 16

38 18 0
                                        

Lucy Fern's POV

Naglalakad kaming dalawa ni Meldy ngayon sa may hallway nang mapansin namin ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa may bulletin board.

Ano naman kaya ang tinitingnan nila 'dun?

"Mukhang na-post na ata ang mga gaganaping events." Sabi ni Meldy kaya tinanaw ko ang mga tinitingnan ng mga estudyante at mukhang nakaharap nga sila sa bulletin board.

Dun kasi nilalagay ang mga upcoming events or any sort of announcements.

"Tara, tingnan natin." I answered and pull her close to the ocean of students.

Napansin ako ng mga kalalakihang estudyante kaya nung papalapit na kami ay bigla silang tumabi sa daanan. Wala eh, malakas ang kamandag ng ganda ko sa kanila.

Pati ang mga babae ay hinila nung mga ibang lalaki para makadaan ako. Oh well..

Wala naman gaanong interesanteng events na gagawin. Ang mga events na gagawin will last for the next three months, tapos ay magme-meeting na naman ang mga officers para sa gagawing future events.

Clubbing lang ang gagawin namin ngayon hanggang bukas. Sa next Saturday ay may gaganaping Accuantance Party. Yun lang ang mga events na kumuha ng atensyon ko. May iba pa namang mga events, di ko nalang sasabihin. Ba't ba?

"So clubbing lang pala ang gagawin ngayon hanggang bukas." Sabi ko kay Meldy habang tumuloy na sa paglalakad papuntang classroom.

" Ano nga pala ang sasalihan mo?" She asked.

"Syempre, sasali ako ng Danceguild." I answered with a smug on my face.

I really really love dancing. Para kasing nailalabas ko ang lahat ng emotions ko kapag sumasayaw. Parang nagsi-synchronize ang beat ng kanta at ang heartbeat ko.

Dancing felt like a freedom to me.

"Oo nga pala at magaling ka sa larangan na iyan." She smiles as if she remember something. Minsan na niya akong nakitang sumayaw noon because of our performance tasks back then on 11th Grade.

It was on 11th Grade nang mag-transfer ako dito. New environment, para makalimot ng konte sa past ko.

I was also a member of a dance group sa dating school ko. And hindi naman sa pagmamayabang but I am one of the top dancers.

"Ikaw? Sumali ka kaya sa Musicguild ?" I questioned. Yes, she has a beautiful and an angelic voice. Kumakanta rin ako but not as beautiful as her. Si Meldy ay kahit hindi kumakanta ay parang anghel na ang boses.

"Mm no, alam mo naman na hindi ako sanay sa madadaming tao. " She shook her head as she answered. Yeah right, naging officer siya sa student council pero napakahiyain niya pa rin sa mararaming tao.

"Ikaw? Baka gusto mo rin sumali ng Musicguild? Tig dadalawang guilds ang pwedeng salihan ngayon."

Umiling naman ako sa tanong niya.

"Ayaw ko, baka ma-busy yung schedule ko. Besides, may plano rin akong sumali sa Photography."

Nag-uusap lang kami ni Meldy hanggang sa marating namin ang classroom. Napag-desisyunan ni Meldy na sa Schoolwriter siya sasali. Sila yung gumagawa ng mga articles, blogs tungkol sa University.

******

"Okay class, kindly write down the clubs na gusto niyong salihan sa 1/4 sheet. President, please collect nalang. Class, please behave and huwag kayong lumabas. May meeting kaming mga prof ngayon."

Mahabang sabi nung prof namin bago lumabas. Nilabas ko naman kaagad ang 1/4 ko na papel at nilista ang Clubs na sasalihan ko.

Nakita ko ring kumuha na si Beasty ng papel niya. Ano kayang sasalihan niya? Ayaw ko din namang magtanong at baka akalain niyang feeling close ako.

Beneath the HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon